🍊 Chapter Thirty-Three 🍊
PAIKOT-IKOT SI MAYO SA LOOB NG KANYANG kuwarto. Hindi siya mapakali kanina pa. Kanina habang natutulog siya, may pangitain na naman siyang nakita kay Yuki. Natakot siya. Kasalukuyan na siyang paalis ng main camp nang makita siya ni Ella.
For the first time, nagkaroon siya ng tiwala sa kapwa babae. Nitong mga lumipas kasing mga araw ay labis ang pag-aalaga sa kanya ni Ella. Hindi niya iniexpect na ang babaeng lihim niyang pinagseselosan noon ay ang babaeng tutulong sa kanya pagdating sa pagbubutis niya. Sa isang iglap lang, para siyang nakatagpo ng isang kapatid na babae sa katauhan ng Misis ni Jinuel.
Hindi siya nagdalawang-isip na sabihin kay Ella ang mga nakita niya sa kanyang panaginip.
"Sigurado ka ba?" paniniguro ni Ella sa kanya.
"Oo, kahit kaylan hindi nagmimintis ang mga pangitain ko," seryosong tugon niya.
Sa pagkakataong iyon, sumenyas si Ella sa assistant nitong si Mimi para kontakin ang ilang agent ni Yuki na naiwan sa kanilang camp. Doon nila natuklasan na may ginagawang mission si Yuki ng mga sandaling iyon.
"Okay, give me the location!" utos ni Ella sa kabilang linya ng cellphone nito. Pagkaraan ay muli nito hinarap si Mayo, "Mayo, don't worry. Susundan namin si Yuki sa mission niya. Dito ka lang huwag kang tatakas! Kami na ni Jinuel ang bahala!"
"Pero..."
"Sydney, please pakibantayan siyang mabuti!" baling ni Ella kay Sydney.
"Copy, Boss!" tugon nito.
Kahit sinasabi ni Ella na huwag siyang masyadong mag-alala ay hindi pa rin siya mapalagay. Sanay kasi siyang, siya mismo ang nagtutungo sa location ni Yuki para iligtas ito sa pananginib. Sanay siya na siya mismo ang nagliligtas rito.
"Huwag ka nang masyadong mag-alala, Miss Mayo! Okay lang si Sir Yuki," pagcheer-up sa kanya ni Sydney.
Napabuntong-hininga na lang si Mayo. Wala na rin naman siyang magawa kungdi ang sundin ang pinag-uutos sa kanya ni Ella. Inisip rin niya ang kapakanan ng baby niya. Napahawak na lang siya sa kanyang sinapunan.
"Okay lang ang lahat," bulong niya sa kanyang sarili.
Lumipas na ang ilang oras. Lumalalim na ang gabi. Wala pa rin siyang natatanggap na balita mula kina Boss Jinuel at kay Ella. Hindi niya alam pero tumitindi ang kabang nararamdaman niya.
Nagawa na niyang idial ang cellphone number ni Yuki. Narinig niyang nagring ito pero hindi sinasagot ni Yuki.
Muli niyang dial ang number nito sa pagkakataong iyong sinagot na ni Yuki ang tawag pero wala na siyang ibang naririnig kungdi ingay. Wala siyang ideya kung anong nangyayari.
"Yuki! Yuki!" tawag niya rito.
Pero walang sumasagot hanggang sa nadisconnect ang tawag. Lalo lang siyang kinabahan. Base sa kanyang mga narinig sa kabilang linya, alam niyang may nangyayaring hindi maganda kay Yuki.
Napatayo siya. Aktong tutungo na siya sa pintuan nang sitahin siya ni Sydney.
"Miss Mayo, saan kayo pupunta?" tanong nito, "Sabi ni Miss Ella huwag kayong aalis ng bahay."
"Pero, si Yuki kasi..." aktong magsasalita pa sana siya nang maramdaman niya ang bahagyang pagkirot ng kanyang tiyan. Bahagya rin siyang napangiwi.
Dali-dali naman siyang ilalayan ni Sydney para paupuin.
"Miss Mayo, huwag po sanang matigas ang ulo ninyo. Baka mapahamak ang baby ninyo kapag pinilit ninyong sumunod kina Boss Jinuel," nagmamakaawang paki-usap sa kanya ni Sydney.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
AzioneTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...