Chapter 17

68 6 3
                                    

Chapter Seventeen

NAKUHA NANG TUMUGON NI MAYO sa mga halik ni Yuki sa kanya. Naramdaman niya ang paggapang ng mga kuryente sa kanyang mga ugat na para bang nagbibigay ng kakaibang init sa kanya.

Lalo pa naging mapusok at agresibo ang halik na binigay sa kanya ng lalaki.

Natatangay si Mayo. Pakiramdam niya ay lumilipad siya sa alapaap ng mga sandaling iyon. Ni hindi niya magawang tumutol nang ihiga siya ni Yuki sa sofang naroroon sa gazebo. Nagawa pa nitong patayin ang ilang ilaw naroroon hanggang sapukin sila ng dilim ng gabi. Tanging ang ilaw na nagmumula sa sinag ng buwan ang naging liwanag nila para makita ang isa't isa.

Muli siyang hinalikan ni Yuki. Lumalim pa iyon.

Napapikit si Mayo nang maramdam niya ang mainit na labi ni Yuki sa kanyang leeg habang nagsimulang maglakbay ang mga mga kamay nito sa bawat parte ng kanyang katawan. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa mga palad nito dahilan para magtayuan ang mga balahibo niya sa buo niyang katawan.

Si Yuki na rin mismo ang nagtanggal ng mga saplot niya sa katawan. At lumantad sa mga mata nito ang tunay kagandahan niya.

"You are mesmerizing beautiful!" Muli siya nitong niyakap at hinalikan sa kanyang mga labi.

Malamig ang simoy ng hangin pero ang mga yakap at halik ni Yuki ang nagsisilbi niyang kumot sa mga sandaling iyon.

Hindi na napigilan pa ni Mayo ang mapaluha nang tuluyan na silang naging isa ni Yuki. Ramdam na ramdam niya ang matinding kirot sa kanyang kalooban pero kaya niyang tiisin iyon para iparamdam kay Yuki ang tunay niyang nararamdaman. Noon pa alam na niya sa kanyang sarili na gusto niya ito. At sa paglipas ng mga panahon na magkasama sila, alam niya sa kanyang sarili na lalo pa iyong lumalalim.

Oo, open-area ang gazebo na kinaroroon nila. Pero walang pakealam si Mayo kung may makakita man sa kanila. Para sa kanya, sa kanila lang dalawa ni Yuki ang mundo ngayon. Tuluyan na siyang nagpaubaya rito. Inalalay na niya ang buo niyang pagkatao rito, at kaylan man ay hindi niya ito pagsisisihan. Dahil si Yuki ang pinaka-una niyang dahilan kung bakit siya pumasok sa secret organization.

Sa buong gabi iyon, ilang beses na binigay ni Mayo sa kanyang sarili kay Yuki. Ramdam na ramdam niya ang pagod habang magkayakap sila sa sofa.

Nang muling idinilat ni Mayo ang kanyang mga mata, nasa loob na siya ng kanyang kuwarto. Wala siyang matandaan kung papaano siya nakabalik roon. Pero ewan niya pero napakagaan ng pakiramdam niya ng mga sandaling iyon. Lalo nang makita niya ang isang basket na naglalaman ng mga tangerine sa ibabaw ng kanyang side-table.

Napangiti siya.

Alam niya kung sino ang naglagay ng mga ito roon. Dumampot siya ng isa, at inamoy ang aroma nito. Napangiti siya dahil naamoy niya si Yuki sa prutas na iyon.

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang Cellphone. Mabilis niyang kinontak si Sydney.

"Pumunta ka rito after ng mga ibang gawain mo," utos niya rito.

"Copy po, Miss Mayo!" pagsagot nito.

Pagkasabi iyon ay dali-dali na siyang bumangon sa kanyang higaan para maghanda ng sarili.

Eksaktong nang matapos niyang maligo ay dumating si Sydney.

"Bakit po--" natigilan ito nang makita siya.

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon