Chapter 27

65 2 1
                                    

🍊 Chapter Twenty Seven 🍊

NAPANGIWI SI YUKI NANG mabahiran ng gamot ang sugat niya sa kanyang balikat. Kahit daplis lang iyon, may kalaliman pa rin ang sugat na natamo niya. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay apektado na ang buong katawan niya. Simula pa pagkabata, ilang beses na ring nanganib ang buhay niya sa mga misyon nilang magkakapatid.

Maglalabing-apat na taon na rin pala ang lumipas. Hindi na niya alam kung ilang bala na ang muntikan na niyang ikamatay. Pero madalas, kapag nanganganib ang buhay niya ay parating naroroon si Mayo para iligtas siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung anong mayroon sa babaeng iyon, bakit siya lagi ang nakikita nito sa mga pangitain nito? Nagtataka siya. Dahil ba siya ang nagligtas rito noong nasaksihan niya ang pamamaril noon sa Papa nito?

Noong panahong iyon, dinalaw niya ang puntod ng kanyang Papa. Sa kanilang magkakapatid, siya ang mas malapit noon sa kanilang Papa. Siyam na taon siya noong nagtrabaho ang Papa nila sa palengke bilang tindero ng prutas. Madalas siya noong sumama sa kanyang Papa para sumadline. Binibigyan siya ng chinese na may-ari ng prutasan ng ilang mga prutas.

Pero isang araw, nakita niyang hiningi ng kanyang Papa ang tumpok na orange sa sulok ng tindahan. Medyo, hindi na maganda ang balat.

"Pa, bakit mo pa kinuha ang mga iyan? Itim na ang mga balat nila!" sita niya rito.

"Sa labas lang iyan!" anito saka kumuha ng isa saka binalatan.

Hindi noon maiwasan ni Yuki ang magtaka habang pinagmamasdan niya ang mga kamay ng kanyang Papa habang binabalatan nito ang naturang prutas.

"Kulay itim na nga balat pero maayos pa rin ang loob," nakangiting katwiran ng Papa niya saka siya nito inabutan ng pinagbalatan nitong orange, "Tikman mo!"

Nagtatakang kinuha naman iyon ni Yuki, at kinain.

Maya-maya pa'y bumakas ang gulat sa mukha ni Yuki nang malasahan niya sa kanyang dila ang matamis na katas nito. Mas matamis ito kesa sa mga prutas na binibigay sa kanya ng chinese na amo ng Papa niya.

"Hindi pa bulok diba?" nakangiting tanong sa kanya ng Papa niya, "Parang tao lang din. Huwag na huwag kang titingin sa panlabas na anyo. Tignan mo ang katangian nila. Kung ano ang laman ng puso nila," payo ng Papa niya, at nagawa pa nitong ituro ang dibdib niya.

"Promise, Papa! Paglaki ko, matatayo ako ng taniman ng mga ponkan!" sabi niya sa kanyang Papa.

"Oo pala, anak! Hindi orange o ponkan ang tawag dyan! Tangerine!" natatawang sabi ng Papa.

"Ay, ga'nun?" natatawang sabi nito.

Natatawang tumango ang Papa niya. Pagkaraan ay nagawa rin nitong guluhin ang buhok niya bilang paglalambing sa kanya.

Sa tagal ng panahon, halos hindi na rin matandaan ni Yuki ang itsura ng kanilang Papa. Pero sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga ngiti nito sa tuwing magkasabay silang kumakain noon ng paborito nilang prutas.

"Ano'ng iniisip mo?"

Napabaling ang tingin ni Yuki sa kanyang Ate Lyra dahilan para makabalik ang kanyang diwa sa kasalukuyang panahon at oras. Sa lalim ng kanyang iniisip, 'ni hindi niya namalayan na pumasok na pala ito sa silid na kinaroroonan niya.

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon