🍊 Chapter Seven 🍊
TAHIMIK AT MAPAYAPA ANG gabi ng mga sandaling iyon. Pumasok ang pitong binatilyo sa isang abadunadong amusement park. Walang ideya si Mayo kung ano ang gagawin ng pitong binatilyong iyong sa lugar na iyon. Pero natitiyak niyang kilala niya ang isa mga ito.
Si Yuki.
Tama, si Yuki nga iyon. Patungo ito sa isang madilim na silid, may bitbit itong pana. Sinuyod nito ang kabuuan ng silid hanggang sa mapansin nito ang isang CCTV sa itaas ng kisame.
Nagtatakang nilapitan pa ni Yuki ang naturang CCTV. Marahil nagtataka ito kung bakit mayroong ganoong gadget sa lugar na abandunado na. At mukha pa itong bago. Tinutukan ni Yuki ng hawak nitong pana naturang gamit na iyon. Handa na sana nitong pakawalan ang palasong hawak nito nang biglang sumigaw si Mayo sa kung saan.
"Huwag!"
----------
NAPABALIKWAS SI MAYO SA kanyang hinihigaan. Ramdam na ramdam niya ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. Ang buong akala niya totoo na ang lahat, mabuti na lang panaginip lang pala ang lahat. Napabaling ang tingin niya sa orasan. Pagkaraan ay kinapa niya ang kanyang dibdib. Naroroon pa rin ang kabang niya.
Kinaumagahan, kaagad na hinanap ni Mayo sa kanilang classroom si Yuki. At bahagya siyang nakahinga ng maluwag nang makita niya itong sa malawak na bakuran ng kanilang eskwelahan kasama ang anim pang estudyante, at isa sa mga iyon ay sadyang bata pa.
Muling kumabog ang dibdib niya. Ang pitong lalaking ito ang nakita niya sa kanyang panaginip.
Pero bakit? Bakit napaginipan niya ang mga ito? Ano bang mayroon sa mga ito?
"Hay, ang ku-cute at ang gaguwapo talaga nila!"
Gulat na napalingon si Mayo sa nagsalita. Sa lalim kasi ng iniisip niya, hindi na niya namalayan na nilapitan na siya ng isa niyang kaklase na si Yolanda.
"Mga transfer student silang magkakapatid. Sila Jinuel, Yuki, Cobi, Arjhay, Jimmy, Taylor at Jun! Alam mo bang mayayaman ang mga iyan. May tig-iisang sasakyan, at tig-iisang bodyguard! Ang sosyal diba? Kaya walang sinuman ang basta-basta nakakalapitan sa kanila!" dagdag pa nito.
Hindi na pinansin ni Mayo ang kanyang kaklase. Tinalikuran na niya ito, at dali-dali siyang lumabas ng kanilang classroon para puntahan ang kinaroroonan ni Yuki. Para kasing lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang matuklasan niyang magkakapatid pa pala ang mga ito.
Malapit na siya sa mga ito nang mapatingin sa kanya ang pinakabata. Parang nasa edad na sampu na yata ito. Natigilan siya nang nagawa pa siyang ngitian nito.
"Ikaw si Black Riding Hood diba?" tanong nito.
Napatingin na ang anim pang binatilyo sa kanyang kinaroroon. Hindi niya alam pero wala siyang makitang expression sa mukha ng mga ito. Hindi katulad ng ibang estudyante na kung tignan siya ay parang siyang si Kamatayan.
"Ano'ng kailangan mo, Miss?" tanong ng isa mga iyon.
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Yuki, "Mag-iingat ka sa CCTV. May mga nagmamatyag sa inyo!"
Gulat na napatayo ang ilan sa mga kapatid ni Yuki.
Aktong tatalikuran na sana niya ang mga ito nang biglang siyang pinigilan ni Yuki sa kanyang braso.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...