Chapter 3

74 10 1
                                    

🍊 Chapter Three 🍊

"NATATAKOT NA AKO KAY MAYO."

Saglit na napahinto sa pagpasok sa kanyang kuwarto si Mayo nang madinig niya ang boses ni Lola Esperanza, na kasalukuyang kausap si Lolo Danilo sa sala.

"Nakakatakot na ako sa ating apo. 'Ni hindi ko na siya nakitang umiyak man lang. Hindi ko rin siya...H-hindi ko rin siya nakikitaan ng anumang emosyon. Para n siyang bato!" dagdag ni Lola Esperanza.

"Nagka-trauma ang apo natin," nag-aalalang tugon ni Lolo Danilo.

"Ano ba ang dapat nating gawin?" umiyak na tanong ni Lola Esperanza.

"Patatagin mo ang loob mo," alo ni Lolo Danilo sa asawa nito, "Wala nang ibang kakapitan si Mayo kungdi tayong dalawa na lang!"

Hindi na nagawa pang pakinggan ni Mayo ang mga sumunod na pag-uusap ng dalawang matanda. Nagdesisyon na lang siyang magkulong ulit sa kanyang kuwarto.

Sa kabila ng malaking pagbabago, pinipilit pa rin ni Mayo na ibalik sa normal ang takbo ng kanyang buhay alang-alang sa kanyang Lolo Danilo at Lola Esperanza. Pero sadyang hindi na siya tinitigilan ng panghuhusga ng ibang tao.

"Buti na lang hindi siya ang Mayor natin ngayon!" dinig niyang sabi ng tsismosa nilang kapitbahay. Para talagang pinarinig pa sa kanya ang mga katagang iyon. Nagawa pa nitong ipagkumpara ang Papa niya sa kasalukuyang Barangay Chairman nila.

Hindi na naman nakapagtimpi si Mayo sa araw-araw niyang nadidinig mula sa mapanghusgang mga tao. Sa muling pagkakataon, galit na naman niyang sinugod ito, at pinagsasabunutan.

Nagkagulo ang lahat. Nagsipaglabasan ang iba nilang kapitbahay para makipag-isyuso lang. May umaawat sa kanya pero para siyang sinaniban ng sampung mababangis na warewolf. Ang buong akala ng lahat ay malalagas na ang buhok ng kapitbahay nilang iyon dahil sa tindi ng pakakasabunot niya.

Hindi na ito ang first time na ipabarangay siya. Labis na natakot sina Lolo Danilo at Lola Esperanza nang magbanta ng demanda ang kapitbahay nila. Kaya abut-abot ang paghingi ng tawad ng dalawang matanda sa mga ito. Aminado naman ang mga ito kasalanan ni Mayo.

"Ipatingin n'yo na 'yan sa psychiatrist, may sayad na ang babaeng lobo na 'yan!" galit na komento ng isang kaanak na babae ng kapitbahay nila.

Nanlilisik ang mga mata ni Mayo nang tignan niya ito. Para na naman siyang mabangis na warewolf kung tignan ito. Kung hindi lang siya hinawakan ni Lola Esperanza ang kanyang kamay, baka nasabunutan rin niya ito. Wala siyang pakealam kung kakarebond lang ng buhok nito.

Hindi alam ni Mayo kung ano nga ba ang mararamdaman niya sa nangyayari. Oo, naririyan sa kanyang tabi ang kanyang lolo at lola. Pero bakit hindi sapat iyon? Hindi niya alam kung bakit, pero pati ang mga kaibigan niya ay hindi niya maramdaman ngayon?

Simula nang mawala ang Papa niya, pakiramdam niya ay mag-isa na lang siya.

Halos gabi-gabi siyang dinadalaw ng masamang alaala. Pero 'ni isa mga tao sa paligid niya walang natatanong kung okay lang ba siya? Puno na ng panghuhusga at pangungutya ang buhay niya ngayon. 'Ni hindi na nga siya makakita ng liwanag sa paligid niya.

"Pwede ba tayong mag-usap, Mayo?" isang hindi inaasahang bisita ang pumunta sa bahay isang araw.

Si Dominic Sison, kababata niya ito at nag-iisang anak ng taong kinamumuhian niya, si Joseph Sison.

Handa na sana niya ito talikuran nang bigla siya nitong pinigilan.

"I know malaki ang galit mo sa Daddy ko," sabi nito, "Pero bakit pati ang pagkakaibigan natin ay dinadamay mo?"

Naningkit ang mga mata ni Mayo nang tignan niya ito. Pagkaraan ay galit na niyang hinawi ang kamay nito, at saka na niya ito tuluyang tinalikuran. Halos padabog na niyang rin niyang isinara ang pintuan ng kuwarto niya.

Nanlulumo siyang napaupo sa sahig.

Nanghina siya bigla.

Sa tindi ng galit ni Mayo kay Joseph Sison, 'ni hindi na rin niya magawang harapin ngayon si Dominic. Ramdam na ramdam niya ang pangangatog ng kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung galit o awa sa kanyang sarili.

Nasa ganoong posisyon lang siya hanggang sa dumilim ang paligid. Walang sinuman ang nagtatangkang kumatok sa kuwarto niya para tanungin kung okay lang ba siya? Walang sinuman ang nakakaintindi sa tunay niyang nararamdaman.

Mag-isa lang siya!

Mag-isa na lang siya!

Hirap na hirap siya sa kanyang kalagayan.

"Pumapayag na ako sa gusto mong kurso. Pero ipangako mong aalagaan mo lagi ang sarili mo ah!"

Parang sirang plakang umuulit sa isipan ni Mayo ang mga huling katagang lumabas sa bibig ng kanyang Papa. At paulit-ulit na naririnig niya sa kanyang isipan ang malalakas na pagputok ng baril na parang ilang beses siyang pinapatay sa matinding takot at konsensya!

"Papa..." sa pagkakataong iyon, umagos ang luha sa kanyang mga mata. Napaangat siya ng ulo nang maramdaman niya ang hangin na nanggagaling sa bintana ng kanyang kuwarto. Blangko ang mukha niyang napatingin roon.

Nagawa na niyang tumindig. Pakiramdam niya, ang bigat-bigat na ng pasanin niya sa kanyang balikat.

Dahan-dahan na niyang inihakbang ang kanyang mga paa. Para bang may sariling pag-iisip ang buong katawan niyang lumusot sa bintana. Ramdam pa niya ang lamig ng bubong na kanyang tinatapakan maski ang hangin na dumadampi sa kanyang balat.

"Papa..." umiiyak na napatingala siya sa kalangitan. Parang nakita niya ang imahen ng kanyang Papa kung saan gusto niya itong tawagin para humingi ng 'sorry' rito. Ang imahen ng kanyang Papa bago siya makarinig ng mga pagputok ng baril.

Gusto na niyang sumunod sa kanyang Papa at Mama kaya inihakbang muli niya ang kanyang mga paa.

"Maaayyyyooooooo!!!" malakas na sigaw ni Lola Esperanza nang makita nito ang buong katawan ng apo nitong nahulog mula sa ikatatlong palapag ng kanilang bahay.

Itutuloy...

🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊

🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon