🍊 Chapter Thirty-Five 🍊
SAMANTALA SA BAHAY NG MGA SISON, hindi naman maiwasan ni Dominic ang mangiwi nang maramdaman niya ang pagturok ng injection sa mismong sugat niya. Tirakan siya ng anistesia para makuha ang balang naiwan sa kanyang balikat.
Nasa ganoon siyang kalagayan ng dumating ang Daddy niya. Bumungad kaagad sa kanyang paningin ang nandidilim nitong mukha.
"What happened? Ano itong nabalitaan ko na naka-enkwentro mo raw ang grupo ng Infantes?" galit na tanong ng Daddy niya.
"Natuklasan kong minanatyagan ako ng isa sa mga Seven Drawfs. Si Yuki a.k.a Grumpy!" tugon niya, "Nahuli ko na siya, at balak ko sanang iregalo sa iyo! Pero nakatakas siya!"
Isang malutong na mura ang pinakawalan ng Senator. At umakma pa sana itong babatukan ang anak pero pinigilan nito ang sarili dahil may ibang tao sa paligid.
"Sira ka ba? Eh, kung sana'y tinapos na agad siya! Eh di, ikaw na ngayon ang may hawak ng posisyon niya! Pero dahil gusto mong magpa-impressed sa akin, nagawa pang nakatakas ng taong iyon! Ano bang utak ang mayroon ka, huh?"
Hindi nakaimik si Dominic, at minsan pa siyang napangiwi. Hindi niya alam kung dahil sa sakit ng sugat niya o dahil sa masasakit na salitang binitawan ng kanyang Daddy sa kanya.
"Kapag nagkaroon ka ng pagkakataon dapat sinusunggapan mo na! Hindi iyong inuuna mo lagi ang yabang!" singhal ng Senator at minsan pang tinuktok ang daliri nito sa ulo niya.
Lalong nagbaba ng tingin si Dominic. Hiyang-hiya na siya dahil hindi lang naman silang dalawa ng kanyang Daddy ang naroroon. May mga kasama sila, at nadidinig ng mga ito ang pinagsasabi ng kanyang Daddy sa kanya.
"Ilang taon na! Pero hanggang ngayon nasa mababang ranggo ka pa rin!" dagdag pa ng senator.
Napakuyom ang kamao ni Dominic. Mababa ang ranggo niya dahil mas inuuna niya ang kanyang ama. Pero never iyon naramdaman ng tatay niya. Kung alam ng Seven Dwarfs, walang araw na hindi siyang pinagkukumpara ng kanyang Daddy sa mga ito. Kaya naman nagkaroon siya ng galit sa magkakapatid, lalo na ng matuklasan niyang sa grupo pala ng mga ito sumama si Mayo.
Malaki ang pagkakagusto niya kay Mayo. Pero inuna niya ang takot sa kanyang ama kaya sa bawat utos nito ay sinusunod niya.
Si Mang Romeo, ang ama ni Mayo. Ito ang unang taong pinatay niya. Halos ilang taon siyang hindi nakatulog dahil sa matinding takot at konsensya. Lihim niyang sinisisi ang kanyang Daddy sa lahat ng nangyayari. At lihim din siyang nagagalit sa kanyang sarili dahil hindi niya magawang suwayin ito kahit alam niyang maling-mali na ang ginagawa nito.
"Kahit sino na lang sa Seven Drawfs! Kahit isa na lang sa kanila!" utos ng kanyang Daddy, "O, maski Mayo pa! Basta dapat tumaas na ng ranggo mo at mapabilang sa mga high rank!"
Gulat napatingin si Dominic sa kanyang ama nang banggitin nito si Mayo.
"Hindi mo kaya? Hanggang ngayon ba, may gusto ka pa rin sa babaeng iyon?" galit na tanong ng kanyang Daddy.
Hindi siya nakakibo.
"Babae lang iyan! Baka siya pa ang magpabagsak sa'yo!" pananakot ng Daddy niya.
"Si Yuki!" diretso niyang tinitigan ang ama, "Sisiguraduhin kong ako ang papatay sa taong iyon, at ako ang papalit sa posisyon niya!"
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...