Chapter 1

105 10 4
                                    

🍊 Chapter One 🍊


"HINDI KO TALAGA KAYA, PA!" sagot ni Mayo ang kanyang Ama na si Romeo. Nalaman na kasi nito na nagshift siya ng kurso. Mula sa Medical Course ay kumuha siya ng Music Education. At hindi iyon nagustuhan ng kanyang Papa kaya tinadtad siya ng sermon nito pagkagaling niya sa school. Alam naman niyang magagalit ito pero sadyang tinuloy niya ang gusto niya.

"Hanggang ganyan na lang ba ang pangarap mo?" galit na tanong nito sa kanya.

"Ano'ng ganyan lang? Pa, ito ang gusto ko! At never mo akong naiintindihan dahil abala ka lagi sa pangangampanya mo!" sumbat ni Mayo, "Noong nagdesisyon kang tumakbong Mayor kahit ayaw namin, may narinig ka ba?"

"Magka-iba iyon!" singhal ng Papa niya.

Kitang-kita ni Mayo ang pangunguyom ng mga kamao ng kanyang Papa, at pamumula ng mukha nito. Parang kayang-kaya na siya nitong pagbuhatan ng kamay sa isa pang pagsagot niya ng pabalang. Pero matatag si Mayo, ipinangako niya sa kanyang sarili na tatanggapin niya ang galit ng ama, ipaglalaban niya ang tunay niyang pangarap.

"Mayo, tama na 'yan," mahinahong awat sa kanya ng Lola Esperanza niya. Samantalang ang Lolo Danilo naman niya ay nasa sulok lang at napapahawak ito sa sintido na parang sumasakit ang ulo sa kanilang mag-ama.

Nagpakawala muna ng marahas na hininga si Mayo bago niya tinalikuran ang ama. Padabog na rin siyang nagtungo sa kanyang kuwarto, at doon siya umiyak.

Noong nabubuhay pa kasi ang Mama niya, gusto nitong maging Doctor siya sa kanyang paglaki. Pero ang Mama naman talaga niya ang may gusto niyon, hindi siya.

Sampung taon palang siya noong pumanaw ang kanyang Mama. Kitang-kita niya noong ang pagsuka nito ng dugo dahil sa sakit nitong Tuberculosis. At simula noon, kapag nakakakita siya ng dugo ay iba na ang nagiging pakiramdam niya. Pakiramdam niya, nanlalamig ang buo niyang katawan at nagbablangko ang kanyang utak. Lahat ng masamang pangyayari sa buhay niya ay automatikong nagrerewind sa kanyang utak sa oras na nakakakita siya ng dugo. Pero hindi iyon maintindihan ng Papa niya. Lagi nitong sinasabi sa kanya, kailangan niyang gawin ang huling kahilingan ng kanyang Ina. Tama naman ang katwiran niya sa kanyang Ama. Pero kahit kaylan ay hindi siya magawang unawain nito dahil lagi itong abala sa trabaho.

Isang Barangay Captain ang kanyang Ama sa kanilang barangay. Ang buong akala nila ay wala na itong balak pang tumakbo sa darating na eleksyon. Pero laking-gulat nila nang bisitahin sila ni Mayor Joseph Sison. Hinihikayat nito ang kanyang Papa na tumakbong Mayor sa kanilang District. Huling termino na kasi ni Mayor Sison, at nagbabalak na itong tumakbong Gobernador sa kanilang bayan. At ang Papa niya naman ang gusto nitong pumalit sa posisyong iiwan nito.

Hindi lang si Mayo ang tutol sa pagtakbo ng kanyang Papa bilang Mayor sa kanilang district, maski si Lolo Danilo at Lola Esperanza ay hindi sang-ayon. Dahil pare-parehas nilang alam kung gaano kapanganib ang pumasok sa mundo ng pulitika. Pero wala ring nagawa ang mga ito dahil sa kanilang bahay, ang Papa niya ang batas.

Nang nalaman naman ng mga kabarangay nila ang tungkol sa naging desisyon kanyang Papa, marami ang natuwa pero may ilan na hindi.

Dumating ang araw ng botohan, lumantad ang mga supporters ng kanilang pamilya. Hindi pa tapos ang bilangan, marami na ang bumabati at nagko-congratulate sa Papa ni Mayo at siguradong-sigurado na ang mga ito sa panalo.

"Magbihis ka, Mayo..." utos ng Papa niya nang hapon ding iyon, "...Dadalawin natin ang Mama mo."

Kahit walang gana ay nagawa pa ring sumunod si Mayo. Nang hapon ding iyon ay nagtungo sila ng kanyang Papa sa sementeryo kung saan nakalibing ang Mama niya. Hindi maiwasan ni Mayo ang makaramdam ng kakaiba habang kasama niya ang kanyang Papa. At nagsimula siyang kabahan lalo na ng makita niyang umiyak ito sa mismong putod ng asawa nito.

Walang ideya si Mayo kung anuman ang tumatakbo sa utak kanyang Papa. First time lang kasi niyang makitang ganoong ito. Natutuwa ba ito dahil nakaabot sa kanilang balita na nangunguna ito sa bilangan? O takot dahil sa malaking responsibilidad na haharapin nito bilang bagong Mayor ng kanilang Lungsod?

"Papa..." nag-aalinlangang nilapitan ni Mayo ang ama, pero nagawa niyang aluin ang likod nito.

"Patawarin mo ako, Mahal ko!" pag-usal na nito sa harapan puntod ng asawa.

Damang-dama ni Mayo ang hirap ng kalooban ng kanyang Papa sa mga sandaling iyon. Pakiramdan niya ay naiipit ang Papa niya sa isang sitwasyon na hindi rin nito ginusto. Maski ito ay hindi nito alam kung papaano makaalis sa sitwasyong iyon.

"Papa, ano po ba ang nangyayari?"

Pero hindi magawang itanong iyon ni Mayo sa kanyang ama. Tanging pag-alo lamang ang gagawa niya upang mabawasan ang bigat na nararamdaman nito.

"Papa..." niyakap niya ito.

At kahit papaano, mukhang epektibo naman iyon dahil unti-unti nang humuhupa ang pag-iyak ng kanyang Papa. Ilang minuto rin silang nasa ganoong scenario nang makarinig sila ng malakas na pagkulog. Saka na rin napatingala si Mayo. Doon na lamang niyang napansin na nangungulimlim na ang buong kalangitan. May banta na ng pag-ulan dahil iba na rin ang ihip ng hangin.

"Papa, umaabon na po," sabi ni Mayo sa kanyang Ama.

Tumango naman ang kanyang Papa. Nagpasinghot-singhot pa ito bago tumindig na at inayos ang sarili.

"Pasensya ka na, ija ah! Masaya lang si Papa!" anito.

Pero taliwas ang nararamdaman ni Mayo. Hindi saya ang nakikita niya sa mga mukha ng kanyang Papa. Ayaw naman niyang pilitin itong magsabi sa kanya. Tama na marahil ang ginawa niyang pagdamay rito sa kalungkutan nito.

"Handa ka bang mangako sa akin, Mayo?"

"Po?" pagtatakang napatingin si Mayo rito.

"Pumapayag na ako sa kursong gusto mo. Pero ipangako mo sa akin na lagi mong aalagaan ang sarili mo, ah?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Mayo. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin o maramdaman sa mga sandaling iyon. Oo, pinayagan na siya nito sa kursong gusto niya. Pero bakit may laman ang mga huling katagang binitawan nito? Para itong nagbibilin na hindi niya mawari.

"A-Ano po ba ang sinasabi n'yo? O-Okay lang po ba kayo?" nagawa na niyang itanong iyon.

Pero ngiti lang tinugon nito sa kanya, "Umuwi na tayo! Umaambon na rin!" sabi na lang din nito.

"S-Sige po," tumango na lang siya.

Lihim pa ring pinakiramdaman ni Mayo ang kanyang Papa habang sinusundan niya ito patungo sa kanilang sasakyan. Hindi niya alam pero parang may nagtutulak sa kanya na humingi ng sorry rito. Sorry sa mga nasasabi niya sa tuwing nagkakasagutan sila. Sorry sa pagiging pasaway niya.

Itutuloy...

🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon