Chapter 31

61 3 1
                                    

🍊 Chapter Thirty-One 🍊

LIHIM NA NAPANGISI SI Yuki nang kaagad niyang mabasa ang pangalan ni Mayo sa screen ng kanyang cellphone. Alam niyang naramdaman ni Mayo na nasa panganib siya. Kilala rin niya ang babaeng ito, alam niya ilang segundo lang ay para na itong kabute na bigla na lang susulpot sa kung saan.

"Isa... Dalawa... Tatlo..." mahinang pagbibilang ni Yuki.

Napatingin sa kanya ang dalawang lalaking nasa tabi niya.

"Apat.. Lima..." pagpapatuloy ng pagbibilang niya.

Aktong sisitahin na siya ng isa sa mga lalaki nang bigla nilang naramdamang may bumangga sa likuran ng kanilang sasaknyan.

Sabay-sabay silang napasubsob sa unahan.

Mabilis na bumunot ng baril ang isa sa mga lalaki. Naging alerto naman ang tatlong tauhan ni Dominic. Pero mabilis na kumilos si Yuki. Binigyan niya ito ng tig-isang siko sa mukha. Hindi pa siya nakontento, kinabig pa niya ang ulo ng isa at inuntog ito sa kanyang tuhod. Nakaramdam siya ng sakit pero hindi niya iyon ininda. Mabilis rin niyang binigyan ng suntok ang lalaking nasa unahan.

Nagulantang ang nagmamaneho at kaagad nitong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Nanatiling nakasunod sa likuran ang isang itim na sasakyan. Alam ni Yuki na pagmamay-ari niya ang sasakyan na iyon, at malakas ang pakiramdam niyang si Mayo ang nagmamaneho nito.

Kahit nakagapos ang kanyang mga kamay, patuloy pa rin si Yuki sa pagdepensa sa kanyang sarili laban sa dalawang tauhan ni Dominic. Nagawa siyang hawakan ng isa para mapigilan siya sa pagsuntok. Aktong susuntukin na siya ng isa pang lalaki nang buong lakas niya itong sinipa sa dibdib. Saka niya hinarap ang lalaking humahawak sa kanya.

Nahawakan ni Yuki ang mga braso nito at pinalipit niya ito na paharap sa kanya. Nakita niya ang pagngiwi ng lalaki. At sa muling pagkakataon ay binigyan niya ng mga ito ng tig-isang siko sa mukha.

Hindi pa nakontento si Yuki. Nagawa niyang umupo sa unahan at pinagsusuntok ang dalawa. Buong lakas din niya itong pinagsisipa sa dibdib gamit ang magkabila niyang paa. At dahil sa ginawa niya, nawalan siya ng balanse at napahinga siya sa unahan.

Pero naging mabilis ang pagkilos ni Yuki. Binigyan niya ng suntok ang lalaki sa unahan, at mabilis naman niyang kinabig ang manibela ng sasakyan.

Nawalan ng kontrol ang driver sa manibela nito at bumangga ito sa kasabayan nilang truck.

Bumangga ang kanilang sasakyan sa bandang kanan. Dahil sa impact ng pagkakabangga, nakita ni Yuki ang pagtalsik ng pulang likido galing sa isa sa mga tauhan ni Dominic.

Dumaan ang kanilang sasakyan sa ilalim ng tulay. Nagsimulang dumilim ang paligid. Iyon na ang pagkakataon ni Yuki, hinila niya ang kurbata ng lalaking nagmamaneho. Pero nagawa pa rin siyang pigilan ng dalawang kalaban niya. Hindi siya naman nagpatalo. Patuloy pa rin siya sa pagdepensa sa kanyang sarili habang hinihila niya ang kurbata ng driver.

Napasigaw ito at hindi malaman kung ano ang uunahin. Kung ang sarili ba o ang pagkakahawak sa manibela. Nagpagewang-gewang na ang takbo ng kanilang sasakyan pero patuloy pa rin sa pagsuntok at pagdepensa ni Yuki sa kanyang sarili laban sa dalawang lalaking nasa back seat.

Naiirita na siya sa mga ito.

Mabilis niyang hinila ang seatbelt sa gilid, at mabilis niyang pinalubot iyon sa leeg ng isa sa mga kalaban niya. Pinag-uuntog naman niya ang ulo ng isa sa bintana ng sasakyan. Hindi niya tinigilan iyon hanggang bumakat sa salamin ang sariwang dugo nito.

Nang mawalan na ng malay ang isa ay saka niya hinarap ang isa pang lalaking sinabitan niya ng seatbelt. Pinagsusuntok niya ito at pinagsisipa hanggang sa mabasag ang salamin. Lumabas ang halos ang kalahating katawan nito.

Nawalan ito ng kontrol.

Napayuko si Yuki nang makita niyang bumangga ang katawan nito sa papasalubong na sasakyan. Halos tumalsik sa kanyang mukha ang sariwang dugo nito.

Nakarinig si Yuki ng mga malalakas na pagputok ng baril sa bandang likuran. Alam niyang abala ang kanyang agent sa pakikipaglaban sa ibang tauhan ni Dominic.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Binigyan na niya ng malakas na suntok ang driver ng sasakyan. Mabilis niyang pinindot ang isang button kung saan bumukas ang comforter sa bandang likuran nito.

Pero nagulat siya nang makita niyang hindi si Mayo ang nasa loob ng kabilang sasakyan. Kungdi ang Kuya Jinuel niya at ang asawa nitong si Ella. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkadismaya. Pero mas nangibabaw sa kanya ang kaligtasan niya.

"Yuki!" sigaw ni Kuya Jinuel niya.

Nagawa na niyang tumalon sa unahan ng sasakyang ng kanyang kapatid. Samantala nag pakawala naman ng sunud-sunod na pagbaril si Ella.

Tumama ang mga bala sa sasakyan ng kalaban hanggang sa bumangga ito sa malaking poste ng kuryente.

Hindi pa nakontento si Ella, naghagis pa ito ng granada. Ilang segundo lang ay lumikha ito ng malaking pagsabog.

"Bingo!" Tuwa ng misis ni Jinuel at nagawa pa nitong hawiin ang mahabang buhok. Kung umarte ito ay para na lang itong pumatay ng isang lamok.

Saglit na hinihinto ni Jinuel ang sasakyan para pasakayin sa loob si Yuki.

"Si Mayo?" kaagad na tanong ni Yuki habang si Ella naman ang nagtatanggal ng pagkakagapos niya.

"Mamaya mo na hanapin ang girlfriend mo! Kasunod lang natin sa likod ang karibal mo!" babala ni Jinuel saka pinaharurot ang sasakyan.

"So hindi pa pala tapos!" eksaktong pagkabitaw ni Yuki ng mga katagang iyon ay saka sila nakarinig ng malakas na pagputok ng baril. Naramdaman nilang tatlo na sa sasakyan nila tumama iyon kaya sabay-sabay silang napayuko.

Nakita ni Jinuel na may paparating na sasakyan. At nakadungaw sa bintana ang isang lalaking may hawak na shotgun. Halatang tinatarget nito ang gulong ng kanilang sasakyan.

Sinubukang barilin iyon ni Yuki pero mabilis itong umilag.

"Asar!" inis nito at sinubukan pa niyang habulin ng pagbaril. Pero napansin naman niya ang paparating na motorsiklo. Napakunot ang noo niya dahil parang pamilyar sa kanyang ang motor na gamit nito.

Nagpakawala ng bala ang lalaking na nasa motor kaya sabay-sabay muli silang napayuko nila Jinuel at Ella.

Hindi sila tinigilan ng pagpapaulan nito ng bala hanggang makalapit ito sa kanilang sasakyan.

Mabuti na lang nakaisip ng paraan si Jimuel. Kinabig nito ang manibela para banggain ang motorsiklo ng lalaki.

Sumemplang ito. Pero nagawa nitong sumabit sa bintana.

"Adios, amigo!" nakangising bungad ni Yuki saka niya ito binaril sa mismong ulo.

Basag ang suot nitong helmet. Bumulwaknang pulang likido nito sa ulo.

Itutuloy....

🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊

🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon