Chapter Twenty Six
"YUKI!" GULAT NI MAYO. Pagkaraan ay dali-dali niya itong nilapitan kung saan nakita kaagad ang nagdurugo ng balikat nito. Automatiko namang nagrewind sa kanyang isipan ang naging panaginip niya kani-kanina lang. Ganitong-ganito ang scenario nila. Ibig sabihin, binigyan na naman siya ng pangitain!
"Okay lang ako, huwag kang mag-alala!" ani Yuki at bahagyang ngumiti.
Pagkaraan ay nakarinig sila ng pagharurot ng mga sasakyan na papalayo. Huminto na rin ang pagpapaulan ng bala sa kanilang bahay.
At himalang tumahimik ang buong paligid."Check the area!" utos ni Yuki kay Sydney.
"Yes, Boss!" tugon nito saka tumalima.
"Okay ka lang?" baling ni Yuki kay Mayo.
Tumangu-tango si Mayo. Nakangiting hinawakan ni Yuki ang pisngi niya. At naramdaman niya ang init na nagmumula sa palad nito.
"Sir Yuki," bumakas ang labis na pag-aalala sa mukha ni Sydney nang silipin nito ang kuwarto ng dalawang matanda.
Napakunot ang noo ni Yuki.
Mukhang nabasa naman kaagad ni Mayo ang nasa isip ni Sydney kaya naman nagmamadali siyang nagtungo sa kuwarto kanyang Lolo Danilo at Lola Esperanza. Bumungad sa kanya ang mga basag na kagamitan sa loob ng kuwarto. At halos binuhusan din siya ng malamig na tubig nang may makakita siyang mga pulang likido sa paligid. Nagsimula na ring mangatog ang kanyang tuhod nang makita niya ang kanyang Lolo at Lola na nakahandusay sa sahig, at naliligo na sa sariling dugo.
"Hindiiii!!!" malakas na sigaw ni Mayo.
Nadinig iyon ni Yuki kaya dali-dali na itong nagtungo sa kinaroroon niya. At saglit itong natigilan sa nakita.
"Tumawag ka sa camp, at humingi ka ng back-up! Kailangan na nating kumilos habang wala pa ang mga pulis!" mariin na utos ni Yuki kay Sydney.
"Copy, Boss!" mabilis na kumilos si Sydney.
Dumiretso si Yuki sa loob ng kuwarto para tignan ang katawan ni Lolo Danilo. Pero wala na itong pulso. Wala sa loob na napamura ito.
Samantala halos pagapang namang nilapitan ni Mayo ang duguang katawan ng kanyang Lola Esperanza. Kinalong niya ito.
"La! Lola!" nagawa pa niyang tapikin ang mga pisngi nito.
"M-Mayo..." bahagyang tawag nito.
Bahagyang nabuhayan si Mayo nang marinig niya ang boses ng kanyang Lola. Doon na tumulo ang luha sa mga mata niya.
Saka naman sila nilapitan ni Yuki, "Lola! Kailangan na nating umalis, kaya n'yo po ba?"
"H-Hindi...H-Hindi ko na kaya, ijo!" tanggi ng matanda saka ito umubo, at may sinuka itong pulang likido.
"La! La!" nangangatog na tawag ni Mayo.
"Y-Yuki, ijo..." kahit hirap na sa kalagayan ay nagawa pa ring tawagin ni Lola Esperanza ang binata.
"La..." ani Yuki.
"I-Ikaw na ang bahala kay Mayo, ah! I-ingatan mo ang apo namin. Pati na ang magiging anak n'yo!" bilin nito.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...