🍊 Chapter Thirty-six 🍊
"GOOD DECISION!"
Halos umalingawngaw sa buong silid na iyon ang malutong na halakhak ni Norman matapos pirmahan ni Dominic ang isang dokumento kung saan naka-saad roon na ipinapasa na niya rito ang lupain na pagmamay-ari ng kanyang Daddy.
Sa totoo lang, puno ng matinding kaba at takot ang nararamdaman niya sa kasalukuyan. Lihim niyang pinapalangin na sana ay tumupad sa kasunduan nila si Norman.
Isa pang dokumento ang kanyang pinirmahan kung saan nakahayag naman roon na sakop siya sa pamumuno ni Norman. Madaling salita, official na siyang agent nito.
"Kaylan mo balak gawin ang plano mo?" biglang sumeryoso ang mukha ng lalaki.
"Sa madaling panahon," seryosong tugon rin niya.
Ngumiti ang lalaki.
"Pero bago iyan, may una akong dapat gawin!" seryosong turan pa rin niya.
Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Norman. Para pa ngang nangislap ang mga mata nito. At halata sa mukha nito na nanabik sa kanyang gagawin.
Nang matapos niyang makausap si Norman ay nagpasya na siyang umuwi sa kanilang bahay. At halos kakapasok lang niya sa kanilang bahay nang maabutan niya ang kanyang Daddy sa sala.
"Saan ka naman galing, ah?" may himig na galit na tanong nito sa kanya.
"May inasikaso lang po ako," tugon niya.
Napakunot ng noo ang lalaki, "Inasikaso? O baka babae na naman!"
"Daddy naman! Kahit minsan paniwalaan at pagkatiwalaan n'yo naman ako!" hindi na napigilan ni Dominic ang magtaas ng boses.
Nagulat naman si Senator Joseph sa kanyang naging reaksyon. At dahil doon, nagbitaw ito ng malakas na suntok.
Naramdaman ni Dominic ang pagsayad ng kamao ng kanyang ama sa pisngi niya. At dahil sa lakas ng impact na iyon, halos mapasubsob na siya sa sahig.
Ganito lagi ang Daddy niya sa kanya. Kahit noong maliit palang siya ay nagagawa na siya nitong pagbuhatan ng kamay. Minsan nga papasok sa school na putok ang labi niya. At ang dinadahilan lang niya ay nakipag-away siya. Pero ang totoo, gawa iyon ng kanyang Daddy. Kapag naiinis ito, o masama ang araw, napapansin niyang siya lagi ang pinagbubutungan nito. Isa ito sa kinaiinggitan niya kay Yuki.
Si Yuki kahit wala na itong magulang, hindi naman nagkulang ang kapatid at bayaw nito sa pag-alaga. Maganda ang pagkakatrain ni Agustin rito. Samantalang siya, bugbog lagi ang inaabot niya sa kanyang sariling ama.
Naramdaman ni Dominic na may dugong tumulo sa kanyang labi kaya naman pinunasan niya iyon. Parang wala na siyang naramdaman na sakit. Marahil ay manhid na ang labi niya dahil ilang beses na itong pumuputok sa tuwing sinasaktan siya ng Daddy niya.
Tumawa siya.
Tumawa siya ng malakas.
Halos umalingawngaw sa kanilang bahay ang malutong niyang pagtawa.
At pinagtaka naman iyon ng Senator, "Ano'ng tinatawa-tawa mo d'yan?" galit na sita sa kanya nito.
Hindi niya ito sinagot, tuloy pa rin siya sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...