Chapter Eleven
SAMPUNG TAON NA ANG LUMIPAS, pero parang sariwa pa rin sa aalala ni Mayo ang unang araw na nagkakilala sila ni Lady Lyra. At sa haba ng panahong iyon, napakaraming bagay na magbago sa kanya. Hindi na rin siya takot sa dugo, sa katunayan niyan, gustong-gusto na niya ang kulay at amoy nito.
Halos hindi na rin niya mabilang sa kanyang mga kamay kung ilang buhay na ba ang napatay niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin siyang lead kung sino ba ang nagpapapatay sa kanyang Papa.
Napaka-ilap ng hustisya sa kanya! O baka, ayaw lang niyang harapin ito dahil natatakot siyang makita ang katotoohanan. Buong-buhay niya ay nilaan na niya sa magkakapatid na Infantes. Nagawa niyang iwan ang dati niyang buhay para maging isang halimaw na nagkukubli sa itim na kapa.
Si Yuki ang nagbigay sa kanya ng Codename na Black Swan. Dito natagpuan ni Mayo ang bago niyang mundo. Ang mundo kung saan naging malaya siya sa mga taong mapanghusga. Dahil sa mundong kinalalagyan niya ngayon ay tinuturing na pugad ng mga halimaw na katulad niya.
Dalawang beses sa isang buwan naman kung dalawin ni Mayo ang kanyang Lolo Danilo at Lola Esperanza sa kanilang bahay. Lagi siyang may bitbit malaking basket na naglalaman ng mga tangerine, isang envelop na naglalaman na mga pera, at sulat niya.
Kasalukuyan na siyang nakatungtong sa bubong ng kanilang kapitbahay sa mga sandaling iyon. Hinihintay niyang umakyat sa kanilang kuwarto ang dalawang matanda para mailagay na niya sa loob ang mga bitbit niya.
"Bakit ayaw mong magpakita sa Lolo at Lola mo?"
Napabaling ang tingin ni Mayo kay Sdyney nang marinig niya ang pagtatanong nito.
Si Sydney ang inaassign ni Yuki para maging kanang-kamay niya.
Aaminin niyang naiirita siya rito dahil hindi naman siya sanay na may bumubuntot na agent sa kanya. Mas sanay siyang lumakad mag-isa. Pero itong damuhong si Yuki, pinipilit siyang ipasama lagi si Sydney sa lahat ng lakad niya! Kailangan daw niya ngayon lagi ng assistant dahil hindi na siya basta-bastang agent nito.
May Ranggo na siya!
Rank No. 58!
Kung hindi lang dahil sa utos ni Lady Lyra, wala naman talaga siyang pakealam sa ranggo ng organization nila. Saka nagtataka siya, sa daming agent ni Yuki bakit siya pa? Ano bang tumatakbo sa isip ni Lady Lyra?
Inis na tumindig si Mayo sa ibabaw ng bubong. Nakita kasi niyang nagpatay na ng ilaw ang Lolo at Lola niya sa sala. Senyales na papasok na ang mga ito sa kuwarto para matulog.
Naghintay pa siya ng ilang minuto bago nagdesisyong tumawid sa kabilang bakod. Ilang taon na rin niyang ginagawa ang bagay na ito kaya napakadali na sa kanyang gawin ito.
Tulad ng kanyang inaasahan, hindi nakalock ang bintana ng kanyang kuwarto. Hindi na iyon nilalock ng kanyang Lolo at Lola.
Nagawa na niyang pumasok sa loob ng kanyang kuwarto. Halos wala pa ring pinagbago nito. Halatang araw-araw na nililinisan pa rin iyon.
Nilapag niya ang naturang basket sa ibabaw ng kanyang study table. At tulad ng kanyang inaasahan, may sulat sa kanya ang dalawang matanda. Dinampot niya iyon at nilagay sa kanyang secret pocket.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...