Chapter 6

84 9 1
                                    

🍊 Chapter Six 🍊


LUMIPAS PA ANG ILANG LINGGO, unti-unti nang nakakalakad si Mayo ng tuwid na hindi na niyang kinakailangan ng tungkod. Kitang-kita sa mukha ng kanyang Lolo Danilo at Lola Esperanza ang tuwa dahil sa mabilis niyang pagrecover. Lalo nang sabihin ng kaniyang doktor na pwede na siyang lumabas ng hospital.

"O, bakit hindi ka masaya?" sita ng kanyang Lola Esperanza sa kanya.

Umiling si Mayo. Aaminin kasi niya sa kanyang sarili na may takot na gumagapang sa kanyang kalooban. Parang hindi pa siya handang harapin ang mundo sa labas ng hospital. Hindi pa siya handang harapin ang mundong nangutya at nagpahiya sa kanyang pagkatao.

Binuksan na lang niya ang flat screen TV. Eksakto naman na palabas ang isang sikat na fairy tale story na kung tawagin ay 'Little Red Hiding Hood!' Automatikong nagrewind sa kanyang gunita ang naging bansag sa kanya ng mga tao sa social media.

'Babaeng Lobo.'

Hindi niya alam pero bakit bigla na ring pumasok sa kanyang isipan ang lalaking pumasok sa kanyang kuwarto noong nakaraang linggo? Ang suot nitong hoodie jacket na kulay itim.

"Lola, gusto ko po ng ga'nun!" namamanghang tinuro ni Mayo ang screen ng TV, "Gusto ko po ng kapang katulad niyon pero gusto ko kulay itim!"

"P-Pero..." napakunot ang noo nito.

"Sa totoo lang po Lola, natatakot pa po akong makita ng ibang tao!" pag-amin niya, "Natatakot akong humarap sa kanila! Kaya parang ayokong ko pang lumabas ng hospital!"

Natigilan ang Lola Esperanza niya.

"Please, Lola!" Paki-usap niya rito at seryoso niyang tinitigan ito, "Papayag na rin po akong bumalik sa eskwelahan kung gagawan n'yo po ako ng ganung kapa!"

Hindi na kumibo si Lola Esperanza niya.

Pero ang hiling niyang iyon ay umabot hanggang sa kanyang Psychiatrist Doctor. Kaya nagawa siyang kausapin nito. Nang sabihin niya ang kanyang mga dahilan ay nagawa siyang payagan nito.

Bago siya lumabas ng hospital ay ginawan na siya ng kanyang Lola Esperanza ng limang pares ng kapa. Hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Nagawa pa nga niyang yakapin ito sa sobrang tuwa niya.

"Kahit anuman ang dahilan mo, masaya akong makita kita muling masaya!" nakangiting komento ni Lolo Danilo.

"Tama ka," pagsang-ayon naman ni Lola Esperanza.

Dumating ang araw ng paglabas ni Mayo sa hospital. Halos pitong buwan siyang hindi nakita ang totoong mundo. Pero nakakapagtatakang wala na siyang nararamdamang kaba. Pakiramdam niya, nagsisilbing baluti niya ang itim na kapa niya laban sa mga mapanghusgang tingin ng mga taong nakakakita sa kanya. Wala rin siyang pakealam kung anuman ang isipin ng ibang tao sa kanya. Kung anuman ang bagong bansag sa kanya. Ang mahalaga sa kanya, ang nararamdaman niyang proteksyon kapag suot niya ang kanyang kapa.

"Ayan na ang black lady!!!" sigaw ng mga batang nasasalubong niya.

Pero wala siyang pakealam. Maski kapag nakakarinig na rin siya ng mga masasamang komento mula sa mga tsismosa niyang kapitbahay ay nagagawa na niyang dedmahin ang mga iyon.

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon