KINABUKASAN AY SINIKAP ni Samantha na pumasok ng maaga dahil ayaw niyang maabutan si Angela at Alex sa hapag kainan kaya nagpahanda na lang siya ng agahan kay Manang Letty, dinala niya nalang iyon sa kanyang opisina.
Nalaman niya kay Manang Letty na madaling araw na nakauwi si Alex at Angela, hindi naman na siya nagtanong tungkol sa kalagayan ni Angela dahil alam naman niyang hindi ito pababayaan ni Alex.
Hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap na mensahe mula kay Alex, gusto sana niyang tanungin ang kanyang kasintahan kung kamusta ito o kung kamusta si Angela pero hindi niya alam kung bakit wala siyang lakas ng loob para tanungin iyon o siguro ay naghihintay lang din siya na ito ang magkusang kumausap sa kanya.
Pero hindi siya magpapaapekto sa nararamdaman niya, alam niyang normal lang ang selos na nararamdaman niya pero may tiwala siya kay Alex at panghahawakan niya ang tiwalang iyon.
Nagpasya na lang siyang isubsob ang sarili sa pagtatrabaho dahil natambak din ang trabaho niya dahil sa pagalis niya kahapon. Hindi na niya napansin ang oras dahil sa dami ng kanyang ginagawa, buti na lang ay pinuntahan siya ni Loisa para sabihin na tanghalian na, pero sa halip na sumabay siya dito at nagpabili na lang siya ng pagkain sa kanyang kaibigan at sa opisina na siya kumain.
Ngayon lang din niya nalaman na meron pala siyang kikitain na mga supplier at naka-schedule din ngayon ang pagpunta niyag sa construction site ng ikalawang branch ng restaurant.
"You want coffee Samantha? Your spacing out"
Nagulat siya nang magsalita si Loisa, sa kakaisip ng mga gagawin niya ay nakalimutan na niya na kausap niya ang kanyang kaibigan.
"Sorry Loisa, may iniisip lang ako"
"Tatay mo?"
Tumango tango siya. "Yes, hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap dahil pangalan lang ang nakuha sa bahay ampunan"
"Don't worry Samantha, tutulong din akong magtanong tanong sa mga dating namamahala sa bahay-ampunan, tutulong kami ni Andres" nakangiting sabi nito.
Naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin nito dahil si Loisa at Andres ang mga nauna sa bahay-ampunan kaya kilala ng mga ito kung sino ang mga dating namamahala doon.
"Thank you Loisa" nakangiting sabi niya dito.
——————
NAPABUNTONG HININGA MUNA si Samantha bago siya bumaba ng kanyang sasakyan, ramdam na ramdam niya ngayon ang pagod dahil sa meeting at ang pagpunta niya sa construction site.
Pagkatapos nilang magusap ni Loisa kanina ay naghanda na din siya agad para sa pag-alis niya, gusto sanang sumama ni Loisa pero hindi na siya pumayag dahil alam niyang marami din itong ginagawa.
At sa dami ng ginawa niya ay alas-onse na ng gabi siya nakauwi ng mansyon. Dahil sa pagod ay parang gusto na lang niyang dumeretso ng kanyang silid at matulog. Nang akmang aakyat na siya ay nakarinig siya ng mga taong nagtatawanan sa kanilang silid kainan, napasilip siya ng unti para malaman kung sino ang mga nandoon at nakita niya ang kanyang ama, si Loisa, si Angela, at si Alex na nakatabi kay Angela. Ngayon lang niya naalala na buong araw ay wala siyang natanggap na anumang mensahe mula sa kanyang kasintahan.
Sa saya ng tawanan ng mga ito ay parang hindi na napansin ng mga ito na wala pa siya sa mansyon. Kitang kita niya ang kanyang kasintahan na masayang nakikipag-usap kay Angela.
Iniiwas na iya ang kanyang paningin sa mga ito at akmang aakyat na nang bigla niyang narinig ang pangalan niya.
"Samantha!"
Napalingon siya at nakita niya si Andres na kakalabas lang mula sa kanilang silid kainan, napansin din niya na nakatingin na sa kanyang ang mga taong naroroon.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...