Chapter 46

2 0 0
                                    

"SAM, MAGPAHINGA KA na muna, ako na muna magbabantay kay Tatay Abel"

Dalawang araw nang nasa ospital ang kanyang ama, at dalawang araw na din itong walang malay, ang sabi ng doktor ay malala na ang kanyang ama, ipinaliwanag ng doktor kung ano ang nangyari sa kanyang ama pero wala siyang naintindihan na kahit ano sa mga sinabi nito dahil nakatingin lang siya sa kanyang ama at nag-iisip ng paraan kung paano niya ito mapapagamot.

"I'm okay Pierre" mahinang sagot niya kay Pierre.

"Kilala kita Sam, lagi mong sinasabi yan kahit na ang totoo ay hindi ka naman okay" ramdam niya ang pag-aalala nito.

"Ayokong iwan si Tatay, dito lang ako"

"Hindi kita pauuwiin pero matulog ka na muna, yung pagkain na dinadala ko sa'yo hindi mo din kinakain, baka ikaw naman ang magkasakit"

Alam niya na nag-aalala lang ito sa kanya dahil dalawang araw na din na wala siyang matinong tulog dahil hindi niya iniiwan ang kanyang ama at hindi niya hinahayaan ang sarili niyang makatulog na baka sakaling magising bigla ang kanyang ama, at hanggang ngayon ay wala pa din siyang ganang kumain dahil pakiramdam niya ay ayaw tanggapin ng tiyan niya ang mga pagkain.

"Nakakaidlip naman ako Pierre, kagigising ko lang pagdating mo"

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Sam, iba ang idlip sa tulog, walang 30 mins akong nawala kanina, ilang minuto ka lang umidlip"

Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. "Sam, please magpahinga ka na muna, ako muna magbabantay kay Tatay Abel, kapag nagising siya, gigisingin kita"

Gusto pa sana niyang tumanggi pero sa mukha ni Pierre ay alam niyang hindi din ito titigil sa pangungulit sa kanya.

"Promise me to wake me up kapag may nangyari kay Tatay ha" mahinang sabi niya.

"I promise" nakangiting sagot nito.

Humiga siya sa sofa at agad na ipinikit ang mata.



MULI SIYANG NAGISING sa isang pamilyar na lugar, rinig na rinig niya ang alon ng tubig, alam niyang nasa panaginip na naman siya at nasa isang bangka.

"Baby Sam!" tawag ng isang pamilyar na boses ng babae.

Ang kanyang ina.

Dahan-dahan siyang lumingon para tingnan ang direksyon ng kanyang ina at laking gulat niya nang makita niya ang kanyang Tatay Abel na katabi ng kanyang ina.

"Halika na Sam, anong oras na hindi pa tayo kumakain" tawag ng kanyang ama.

May kung anong takot siyang naramdaman sa hindi niya malamang dahilan. Dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang.

"Are you okay baby?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina.

"Bakit andito si Tatay?" tanong niya sa halip na sagutin ang kanyang ina.

"Anong ibig mong sabihin Sam? Hindi ba't may picnic tayo ngayon?" ang Tatay niya ang sumagot.

Umiling iling siya dahil sa narinig niya. "No, no, hindi pwedeng andito si Tatay"

"Ano bang nangyayari sa'yo Sam, bakit ka nagkaka-ganyan?" kunot noong tanong ng kanyang ina.

"Nanay, wag mo munang kunin si Tatay please? Ngayon pa lang kami bumabawi sa isa't isa, ngayon pa lang kami nagkakasama, hindi pa nga nagtatagal ang pagsasama namin e" sunod sunod na sabi niya sa kanyang ina.

Nakitan niya ang lungkot sa mga mata ng kanyang ina at walang emosyon namang nakatingin ang kanyang ama sa kanya.

"Please wag po muna Nanay, wag po muna" unti unti na siyang nagiging emosyonal dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon