"FINALLY, YOU ARE all awake"
Nakakaramdam pa ng sakit ng ulo si Alex dahil sa pagkakapalo sa kanya, hindi niya alam kung gaano katagal siyang nawalan ng malay. Nag-aadjust pa ang kanyang mata dahil sa liwanag ng paligid.
Mula sa pagkakaupo ay inalalayan siya ng isang lalaki na makatayo, naramdaman na agad niya na nakatali ang kanyang kamay sa kanyang likod. Nilibot niya ang kanyang mga mata, nakahilera silang mag-ama, Andres, Loisa, at Rebecca. Tulad niya ay nakatali din ang mga kamay ng mga kasama niya.
"Thank you Pierre for the information"
Nakaupo si Pierre sa couch kung saan nakaupo kanina si Andres at nakangisi ito sa kanila.
"What is the meaning of this Pierre?" pagalit na tanong niya dito.
"What Alex? I'm just helping my Aunt"
"She's your Aunt?" singit naman ng kanyang ama.
"Ow Tonny, nice meeting you again. Namiss mo ba ang pangungulit ko sayo?"natatawang sabi ng babae. "Akala ko kapag napalapit ako sa'yo, magiging malapit ka din sa akin pero hindi pala, mas lalo ka pang lumalayo sa akin. Sobra ka na bang nakukulitan sa akin?"
"What do you want?" seryosong tanong ng kanyang ama.
"Hmm..." sabi nito na parang nag-iisip. "I want you Tonny" nakangiting sagot nito.
"Then I'll go with you" agad na sabi ng kanyang ama na kinagulat niya.
"Dad..."
"Ako lang naman ang kailangan mo, paalisin mo na sila at sasama ako sa inyo" sabi nito na hindi man lang pinansin ang pagtawag niya.
Umiling iling ang babae. "No, no, darling..." maarteng sabi nito. "...actually, the original plan is makuha kita at sumama sa akin but something happen na kailangan kong magbago ng plan" sabi nito habang lakad-parito sa harap nilang lima. "After what happened to Andy, sinabi ko na maghihiganti ako. I want revenge for my cousin..." tiningnan sila nito isa-isa. "...gusto kong gantihan ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ng pinsan ko"
Huminto ito sa tapat ni Rebecca. "A traitor like you Rebecca"
Lumipat naman ito kay Loisa. "Ang pakiilamerang katulad mo"
Lumipat ito kay Andres. "A traitor like you too dahil sa paggamit mo sa pamangkin ko and a traitor to me"
Lumipat ito sa kanya. "The protector kaya laging napupurnada ang mga plano ng pinsan ko"
Lumipat ito sa kanyang ama. "And you..ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito" sabi nito na hindi niya maintindihan.
Muli itong naglakad-parito sa harap nila. "All of you are the reason kung bakit nawala ang pinsan ko, lahat kayo ay may kinalaman sa pagkamatay niya. And because of that, all of you will suffer the consequences" nakangiting sabi nito.
Umupo ito sa tabi ni Pierre na nakatingin lang sa kanila. "Buti na lang at nandito ang pamangkin ko dahil kung hindi ay baka nalinlang niyo na ako, lalo ka na Andres..." seryoso itong nakatingin dito. "...alam mo ba kung bakit ikaw ang nilapitan ko? Kasi ikaw ang pinakamahina sa inyong lahat, ikaw ang madaling mauto, lahat ng sasabihin ko ginagawa mo. Pero nagkamali ako, dahil patago ka din palang kumilos, buti na lang naging malapit na sa inyo si Pierre dahil kung hindi ay magiging bulag ako sa mga nangyayari"
"Why Pierre, why did you do this?" may diin na tanong niya dito.
Binalingan siya ng tingin ni Pierre. "Pagkatapos ng ginawa niyo sa akin, tingin mo totoong magiging mabait ako sa inyo? Nawala ang mommy ko dahil sa inyo at tingin niyo ganoon lang iyon kadaling tanggapin..."
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...