NAGISING SI SAMANTHA dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha.
"Gising ka na pala baby"
"Nanay?"
"Kanina ka pa namin hinihintay ng Tatay mong gumising" malumanay na sabi ng kanyang ina.
Unti-unti siyang umupo mula sa pagkakahiga niya, tumingin siya sa kanyang paligid at napansin na para silang nasa isang picnic.
"Where is Tatay?" nagtatakang tanong niya.
"Kakaalis lang niya, hindi ka na niya nahintay sa pag-gising mo" nakangiting sagot ng kanyang ina.
Naalala niya ang picnic na ito dahil nandito din siya noong nabaril siya dahil hinarang niya ang sarili niya para kay Alex. Matagal na bago nangyari uli ang mga panaginip niya kasama ang kanyang ina.
"Nanay?"
"Yes baby?"
"Meron po ba akong kailangan malaman?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Madalas tayong nagkikita sa panaginip Nanay sa tuwing meron kang gustong sabihin sa akin"
Nakita niya ang pagkunot-noo nito. "Hindi ko alam ang sinasabi ni mo baby at hindi ito panaginip"
"Nanay, totoo ba ang sinabi ni Tatay na anak ako ni Tito Tonny?"
Hinawakan nito ang kanyang pisngi. "Baby anak, maniwala ka sa Tatay mo. Mahal na mahal ka niya, gagawin niya ang lahat para sa'yo" nakangiting sabi nito.
"Pero bakit di mo sinabi sa akin Nanay?" malungkot na tanong niya.
"Basta tandaan mo lang na mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, malalaman mo din ang lahat, ikaw lang ang baby ko, ikaw lang ang nag-iisang baby ko"
"Nanay..."
Nagulat na lang siya nang bigla na lang nawala ang kanyang ina sa kanyang harapan. Inikot niya ang kanyang paningin pero wala sa paligid ang kanyang ina.
"Nanay!!" sigaw niya. "Asan kayo Nanay!?"
Bigla na lang tila nagliwanag ng husto ang araw dahilan ng pagkasilaw niya.
——————
"SAM?"
Nagising siya sa isang malumanay na tawag ng kanyang pangalan. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at sumalubong sa kanya ang puting kisame. Nang iikot niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Pierre na nasa tabi niya.
"Pierre" mahinang sabi niya.
"You're awake" nakangiting sabi nito.
"What happened?"
"You don't remember? Nawalan ka ng malay"
Napakunot noo siya at inaalala kung ano ang nangyari bago siya nawalan ng malay. Biglang pumasok sa isip niya ang paghabol niya sa kanyang Tatay Abel at paghabol ng isang lalaki sa kanya.
"I remembered, kailan pa ako tulog?"
"Kahapon pa"
"What? Baka hinahanap na ako ni Tatay" nag-aalalang sabi niya.
Sinubukan niyang umupo pero nakaramdam siya ng sakit sa kanyang tagiliran.
"Wait Sam, don't force yourself, let me help you" nag-aalalang sabi nito.
"Hindi naman ako napuruhan pero bakit masakit?" tanong niya habang tinutulungan siya sa pag-upo.
"Hindi malalim ang sugat mo pero ang daming dugo ang nawala sa'yo kasi tatlo ang sugat mo"
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...