Chapter 44

2 0 0
                                    

TULAD NG NAPAG-USAPAN nila kahapon ay hindi muna sila lumakad ngayon araw para makapagpahinga ang kanyang ama. Halos nasa silid lang ito dahil sa pagod at gusto lang daw magpahinga, maya't maya niyang sinisilip ang kanyang ama sa silid nito para siguraduhin na maayos itong natutulog. Binilhan niya ng aircon ang kanyang ama para maging kumportable ito sa pagtulog.

Mag-isa lang siyang nanahi ngayon dahil umalis din si Pierre dahil meron uli itong meeting ngayon kaya siya lang ang nagtatapos ng mga tahi nila. Hindi na masyadong marami ang gawa nila sa patahian dahil hindi na muna sila tumatanggap ng mga patahi dahil sa naging abala na sila sa paghahanap sa kanyang kapatid.

Ang sabi ng kanyang ama ay tatapusin lang nila ang ginagawa nila at pagkatapos buong atensyon na silang maghahanap sa kanyang kapatid.

Natigil ang pananahi niya nang biglang may lumapit sa kanya at ganoon na lang ang gulat niya nang makilala kung sino ang mga iyon.

"Loisa, Rebecca!" nakangiting sabi niya at agad na niyakap ang dalawang kaibigan.

"Sorry Sam ngayon na lang uli kami nakadalaw" sabi ni Rebecca.

"Okay lang no, alam ko namang busy kayo e, pero bakit hindi kayo nagsabing pupunta kayo? E di sana nakapaghanda man lang ako ng meryenda niyo"

"Gusto ka naming i-surprise kaya walang sabi sabi ang punta namin dito..." sabi ni Loisa. "...and don't worry may food kaming dala para sa inyo" itinaas nito ang dala nitong pagkain para ipakita sa kanya.

"Fine, tara na sa loob ng bahay" yaya niya sa dalawa.

"Asaan si Tatay Abel at si Pierre?" tanong ni Rebecca habang papasok.

"Si Tatay nagpapahinga, si Pierre naman umalis muna dahil may meeting siya" sinenyasan niya ang kanyang mga kaibigan na maupo.

"Ako na mag-aayos ng meryenda natin" sabi ni Loisa kaya agad itong nagtungo sa kanilang maliit na kusina.

"Kamusta ka na Sam?" tanong ni Rebecca nang makaupo ito.

"Okay naman, wala na kaming masyadong tahi dito ngayon kaya mas maluwag na ang oras ko para alagaan si Tatay"

"Kamusta na ba si Tatay Abel?" si Loisa ang nagtanong habang nilalapag ang pagkain sa maliit na lamesa sa harapan nila.

Napalingon muna siya sa silid ng kanyang ama bago nagsalita. "Mas madalas na pagod si Tatay ngayon, gusto ko na siyang dalhin sa ibang bansa para ipagamot pero ayaw niya talaga kaya wala akong magawa" mahinang sagot niya.

"Pero nasusunod naman ang mga gamot niya?" tanong ni Rebecca.

"Yeah, I always make sure na naiinom niya ng maayos ang mga gamot niya"

Muli siyang bumaling sa dalawa.

"Kayo kamusta kayo? Hindi na ako nakadalaw sa mansyon" pag-iibang paksa niya.

"Okay naman ako Sam, medyo busy lang talaga tayo ngayon sa operations ng restaurant dahil tumatanggap na uli tayo ng customers" masayang sabi ni Loisa.

Dahil tuluyan na ngang naayos ang pangalawang palapag ng restaurant ay bumalik na uli sa taas ang mga tauhan niya na nag-o-opisina, kaya tumatanggap na uli sila ng mga tao para kumain sa kanyang restaurant.

"Dadaan dapat kami ni Tatay doon kahapon para kumain pero masyadong malayo ang biyahe at baka mapagod si Tatay kaya hindi na kami tumuloy. Pero thank you Loisa for helping me sa restaurant" nakangiting sabi niya.

Sobrang swerte niya kay Loisa dahil kahit wala siya sa restaurant ay maayos pa din ang operasyon dito dahil sa kanyang kaibigan.

"Ano ka ba Sam, wala iyon no. Trabaho ko iyon kaya dapat lang na gawin ko ng maayos ang trabaho ko. Pero tingin ko kailangan na nating simulan maghanap ng mga tatao sa isang branch natin para makapag-simula na ng training, hindi kasi biro ang training" suhesyon nito.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon