NANG MAKAALIS SI Alex ay agad na naglinis ng hapag kainan si Samantha. Sinara na din niya ang kanilang tarangkahan at pinto dahil alam niyang sinabi lang ng kanyang ama na pupunta si Loisa at Rebecca para umalis si Alex, pinigilan niya ang kanyang ama na papuntahin ang dalawa dahil gusto niyang mapag-isa.
Alam niyang bukas pa makakabalik si Pierre dahil natanggap niya ang mensahe nito na abala pa din sa kumpanya nito na nagkaroon ng problema. Pumunta siya sa kusina para magtimpla ng kape at umupo sa sala para magpahinga.
Alam niya na mahina ang tingin ng ibang tao sa kanya ngayon dahil sa nangyari sa kanyang ama at aaminin niya na nanghina siya dahil sa pagkamatay ng kanyang Tatay Abel, pero mas gusto niya munang manahimik dahil gusto niyang alamin ang nangyayari sa paligid at kung sino ang lalaking umaaligid sa bahay nila.
Alam niya na may gustong sabihin ang kanyang ama pero hindi na nito nasabi dahil tuluyan ng bumigay ang katawan nito.
Nang maabutan siya ni Pierre sa ospital ay akala nito na wala siya sa katinuan dahil sa nangyari sa kanyang ama pero sinadya niya iyon dahil gusto niyang magmanman sa araw ng lamay, gusto niyang hulihin kung sino ang lalaking umaaligid sa bahay nila. Pero ang pagtulog at kawalan ng ganang kumain ay hindi niya sinasadya dahil wala talaga siyang ganang kumain at hindi siya dinadalaw ng antok.
Kahit sinong lumapit sa kanya ay hindi niya kinakausap ng harapan, gusto niya lang titigan ang larawan ng kanyang ama na nakapatong sa kabaong nito, gusto niya itong kabisaduhin. At ganoon na lang ang gulat niya nang marinig niya ang isang pamilyar na boses na hindi niya inaasahang pupunta sa lamay.
Si Alex.
Hindi niya alam kung bakit siya sumama kay Alex pero naramdaman niya na magiging kumportable siya dito. Nang palabas na sila ng bahay nila ay nakita niyang muli ang lalaking umaaligid sa bahay nila na nakikisama sa mga nakikilamay pero hindi siya nagpahalata na nakita niya ito.
Ramdam na ramdam niya ang pag-aalala at pag-aalaga sa kanya ni Alex sa klase ng pag-aalalay nito sa kanya. Hanggang sa dumating sila sa isang kainan at doon sila kumain, doon lang din niya naramdaman ang gutom o dahil siguro mga paboritong pagkain niya ang nakahanda, masaya siya dahil alam pa din ni Alex kung ano ang mga pagkain na gusto niya.
Hindi niya alam na magsasabi siya ng nararamdaman niya kay Alex dahil hangga't maari ay gusto niya ng umiwas dito para mas madaling makalimutan ang lahat ng mga pinagsamahan nila at magsimula muli bilang magkapatid pero dahil siguro naramdaman niya ang pagiging kumportable dito kaya sinabi niya ang nararamdaman niya tungkol sa pagkawala ng kanyang ama. Sinadya niyang itago ang lahat ng kanyang emosyon dahil gusto niyang isipin nila na hindi pa siya maayos.
Sam, andito pa kami, ni Daddy, ni Loisa, Rebecca, Andres, Pierre, ako...andito pa ako Sam
Alam niya na andyan lang ang mga ito para sa kanya pero sa ngayon ang Tatay lang niya ang kailangan niya.
Sam, let's eat please?
Nag-aalala na ako sa'yo Sam, gusto mo bang papuntahin uli namin si Alex?
Bigla siyang nakaramdam ng hiya kay Pierre dahil sa sinabi nito noong huling lamay. Ito ang abala sa buong lamay, ang nag-asikaso ng mga dapat ayusin na dapat siya ang gumagawa pero hindi man lang niya ito pinagbigyan na makasabay kumain. Alam niya na nag-aalala na din ito sa kanya kaya sumabay siyang kumain dito, nagpasalamat na din siya dito habang kumakain sila at gusto niyang si Pierre ang makasama niya sa buong libing.
Wala pa sana siyang balak mag-asikaso noong araw ng libing pero sinabihan siya ni Pierre na mag-asikaso na kaya sumunod na lang siya dito. Halos dalawang oras siya nag-asikaso dahil nagtagal siya sa pagligo, pakiramdam niya ay ilang araw na din niyang hindi nililinisan ang kanyang sarili. Nang muli siyang bumalik sa kanilang sala ay naaninag ng kanyang mata si Alex na kasama si Angela, nakahawak ito sa braso ni Alex at nakatingin naman si Alex kay Angela na tila nag-uusap ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...