Chapter 36

1 0 0
                                    

"ANONG MERON AT nagyaya kang uminom?"

"Wala naman gusto ko lang uminom at dahil malungkot kapag uminom mag-isa kaya niyaya kita" natatawang sagot niya.

"Sus, wag mo akong lokohin, kilala kita"

"So why do you think I'm drinking?" pang-aasar niya kay Pierre.

"It's Alex, right?"

Natigilan siya dahil sa sinagot ni Pierre dahil tama ang sinabi nito.

"See, I'm right. Nagkakaganyan ka lang naman dahil kay Alex e"

Bumuntong hininga muna siya. "Fine, you won" sabi niya na may kasamang pag-irap.

"So, anong meron?"

"Well, Dad told me na gusto niya ng ipakasal si Alex at Angela" malungkot na sagot niya.

Kinuha niya ang baso na may lamang alak at nilagok niya iyon.

"Kasal agad?" nagtatakang tanong ni Pierre.

Tumango tango naman siya. "Yeah, yun ang gusto ni Dad para daw maka-move on si Alex tungkol sa aming dalawa"

"Anong sabi ni Alex?"

Nagkibit balikat siya. "I don't know" kinuha niya ang kanyang baso at muling uminom ng alak. "Dad didn't told me, maybe because para hindi ko na isipin kung ano man ang naging reaction niya"

Si Pierre naman ang uminom ng alak bago nagsalita. "Are you okay?"

"What do you think?"

Ngumiti si Pierre bago sumagot. "Obviously you are not okay pero wala naman na kayong magagawa kung nakapag-decide na si Tito, right?"

Bumuntong hininga siya at ibinaba ang basong hawak niya. "I know, kahit naman anong pagtangging gawin ko wala naman na akong magagawa, hindi talaga kami para sa isa't isa" malungkot na sabi niya.

Nakita niya ang pagbabago sa emosyon ni Pierre. "Sobrang mahal mo siya?" seryosong tanong nito.

Tumango tango siya. "Pero ngayon kailangan kong matutunan na mahalin siya bilang kapatid" ngumisi siya dahil sa sinabi niya. "Nakakatawa na naging magkapatid pa kami para lang hindi matuloy ang pagmamahalan namin"

"Ma-swerte pa pala ako kay Alex dahil kahit papano I still have chance on you, pero siya kahit anong gawin niya wala na siyang magagawa at ang mas masakit pa dun, dahil magkapatid kayo hindi kayo pwedeng mag-iwasan"

"That's the reason kung bakit mas gusto kong nandito ako kay Tatay para kahit papaano maiwasan ko muna si Alex hanggang sa maging okay na ako"

"So, how long do you plan to move on?"

Nagkibit balikat uli siya. "I don't know, hindi ko naman masasabi iyon diba? Puso ko lang ata nakakaalam non" nakangiting sagot niya.

"So invited ka sa kasal?" seryoso man ang tanong ni Pierre pero alam niyang inaasar lang siya nito sa tanong na iyon.

"I don't know, wala pa namang sinabi si Dad kung kailan ang kasal and..." nilagyan niya uli ng alak ang kanyang baso at muli iyong ininum. "...and I think much better kung hindi na ako iinvite kasi mas masasaktan lang ako"

"But it's your brother's wedding, hindi mo ba kayang gawin iyon para sa Daddy mo?" may katotohanang tanong nito.

Bigla siyang napaisip sa sinabi ni Pierre, bilang respeto sa kanyang ama ay dapat nandoon din siya sa araw ng kasal ni Alex bilang kapatid nito. "You're right, pero hindi ba pwedeng irespeto din nila ang nararamdaman ko?" mahinang tanong niya.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon