PAGKALIPAS NG ISANG BUWAN.
"Bakit ba ngayon ka lang, alam mo naman na 1pm ang schedule natin sa OB"
"Marami akong ginagawa sa opisina kaya please lang wag ka ng maingay"
"Whatever Alex, hindi mo man lang inisip ang magiging anak natin"
Aminado si Alex na isang buwan ng malamig ang pakikitungo niya kay Angela dahil isa ito sa naging dahilan kung bakit niya nasaktan si Samantha. Kahit na alam niyang magkapatid sila ay hindi pa din nawawala ang pagmamahal niya para dito, alam niyang mali na pero hindi nagbago ang nararamdaman niya dito.
Mas gusto niyang manatili sa kanyang opisina para magtrabaho o kaya ay tumuloy sa kanyang condo dahil sa tuwing nasa mansyon siya ay si Samantha ang lagi niyang naalala.
Madalas na din silang magsagutan ni Angela kaya minsan ay iniiwasan niya din ito. Tulad ng usapan dati ay pananagutan niya ang bata dahil siya ang ama pero walang anumang namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi ito pumapayag na hindi siya ang kasama sa tuwing kailangan nitong pumunta sa OB dahil gusto nito na alam niya ang nangyayari dito at sa magiging anak nila.
Nang makarating sila sa clinic ay agad siyang bumaba pero hindi niya inalalayan si Angela sa pagbaba ng sasakyan, nauna pa siyang pumasok sa clinic.
"Bakit late kayo sa appointment niyo? Buti na lang at di pa ako nakakaalis" sabi ng OB nito pagdating nila sa clinic.
"Sorry Doc, medyo busy kasi tong kasama ko kaya na late kami" sagot naman ni Angela.
Ngumiti lang siya sa doktor na ginantihan din siya ng ngiti.
"Are you still bleeding Mommy?" baling nito kay Angela.
"May mga spotting pa din but unlike before na malakas Doc"
"Iniinom mo ba ang vitamins mo?"
"Yes Doc, nasusunod ko naman yung instruction"
"That's good, I need to check you regulary kasi hindi normal yung bleeding sa situation mo, we need to know kung ano ang cause ng bleeding but since spotting na lang ang nararamdaman mo ngayon probably na maagapan iyan sa gamot. Just finish the medication I gave you, okay?"
"Yes Doc" nakangiting sagot ni Angela.
"And again, iwasang magpuyat at magpaka-stress ha, hindi dapat bumababa ang immune system mo dahil dalawa na kayong nangangailangan ng lakas"
Hindi man niya maintindihan ang sinasabi ng doktor ay tumatango-tango siya sa tuwing napapatingin ito sa kanya.
"Daddy, kailangan lagi kang nasa tabi ni mommy, alagaan mo din si mommy para hindi siya mahirapan sa pagbubuntis niya" baling nito sa kanya.
"Yes po Doc" walang ganang sagot niya dito.
nakita niya ang pagkunot noo ng doktor dahil siguro sa kawalan niya ng gana sa pagsasalita.
Nang matapos ang check up nila ay nagyaya pa si Angela na kumain sa isang fast food dahil dati pa lang ay pinaglilihihan na nito ang french fries at dahil kailangan niya itong pagbigyan ay kumain muna sila.
Si Angela lang ang binilhan niya ng pagkain dahil wala siyang ganang kumain. Kaya abala lang siya sa kanyang laptop habang kumakain ito. Sa tuwing nagpapasamang umalis si Angela ay lagi siyang may dalang laptop para maging abala siya.
"You don't want to eat?"
"No, I'm full, kumain na ako bago umuwi" sagot niya habang inaabala pa din ang sarili sa laptop.
"Lagi ka bang busy ngayon or you're just avoiding me?"
"Don't you see I'm busy, since ako na ang CEO ng kumpanya expect na marami akong trabaho" sagot niya na hindi tumitingin dito.
"Atleast spare a time to us kapag nasa labas tayo" naramdaman niya ang inis nito pero mas nakakaramdam siya ng pagkainis sa pagiging demanding nito.
"What do you want? Sinamahan na kita diba?" hanggat maari ay pinipigilan niya na tumaas ang boses lalo na't wala sila mansyon at maraming tao sa paligid nila.
"Yeah, your here but actually not here" malungkot na sabi nito.
Nagulat na lang siya nang bigla itong tumayo at naglakad papalabas ng fast food, napansin niyang hindi nito inubos ang pagkain.
"Shit" mahinang mura niya.
Agad niyang hinabol si Angela nang mapansin na hindi sa sasakyan ang punta nito.
"Where the hell are you going?" naiinis na tanong niya nang maabutan ito.
"Uuwi na ako, I'll commute. Nakakahiya naman sa'yo dahil sobrang busy ka"
"Stop acting like a child Angela" naiinis na sabi niya.
"Child? Sino ba ang umaaktong bata sa atin Alex?"
Napakunot-noo siya. "What did you mean?" nagtatakang tanong niya.
"Nevermind" nakangising sabi nito.
Hindi naman niya pinansin ang pag-ngisi nito sa kanya at lalong wala siyang pakiilam kung hindi nito sabihin ang ibig sabihin ng sinabi nito.
"Go back to the car, uuwi na tayo" ma-awtoridad na sabi niya.
"No, you go ahead kaya ko..."
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito dahil hinawakan niya na agad ito sa braso at halos hilahin niya na ito papunta sa sasakyan nila.
"Pwede bang magdahan-dahan ka, alam mo namang buntis ako diba?" sabi nito nang makasakay na sila sa sasakyan.
"Hindi kita hihilahin kung hindi ka nagpahabol, ano ka bata na kailangan habulin"
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Ewan ko sa'yo Alex, minsan iniisip ko na mas okay pang nasa mansyon si Samantha para maayos ang pakikitungo mo sa akin" mahinang sabi nito.
Pinaandar na niya ang sasakyan at hindi na pinansin ang sinabi nito dahil alam niya kung ano ang ibig sabihin nito. Noong kasama pa nila si Samantha ay halos ibigay niya ang lahat ng hinihingi nito dahil ayaw ni Samantha na mapahamak ang kanilang magiging anak, pero iyon din ang dahilan kung bakit nasaktan niya si Samantha ng hindi niya napapansin. Pero mula nang umalis ito sa mansyon ay nag-iba na din ang pakikitungo niya kay Angela.
Ibinaba niya lang si Angela sa tapat ng mansyon dahil babalik pa siya sa opisina pero dahilan niya lang iyon dahil ang totoo ay pupunta uli siya sa Blackout Bar para mag-inom.
Kung tuusin hindi naman talaga siya abala sa trabaho dahil halos natapos niya na ang lahat ng gawain dahil sobrang nagpakasubsob siya sa trabaho pero iyon pa din ang dinadahilan niya kay Angela at sa kanyang ama para lang hindi siya manatili ng matagal sa mansyon.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...