SA HALIP NA dumeretso sa Laguna ay pumunta na muna si Alex sa Blackout Bar dahil hihiramin niya ang motor ng kanyang kaibigan na si Spencer. Hindi niya pwedeng gamitin ang motor niya dahil baka makahalata si Angela, mas gusto niyang mag-motor para mas mabilis siyang makarating sa Laguna, ayaw niyang sayangin ang oras niya sa byahe dahil gustong gusto na niyang makita si Samantha.
Pagdating niya sa Laguna ay napansin agad siya ni Pierre.
"Hey" bati nito sa kanya.
Tinapik lang niya ang balikat nito bilang bati. "How is she?" tanong agad niya habang nakatingin kay Samantha dahil nakita niya agad ito.
"She's not okay" bumuntong hininga si Pierre. "I hope makinig siya sa'yo" naramdaman niya ang sakit sa sinabi nito.
"Are you okay with this?"
"Why not? Magkapatid kayo" napatingin siya kay Pierre dahil sa sinabi nito.
Damn! I was caught off guard.
"Nag-aalala lang ako kay Samantha at baka sakaling makinig siya sa'yo" seryosong sabi nito.
I hope na makinig nga siya sa akin dahil alam kong galit siya sa akin.
Naglakad na siya papunta kay Samantha, tinanguan pa siya ng kanyang ama nang magtama ang paningin nila, umupo siya sa tabi nito pero hindi man siya nilingon. Alam niyang nakatingin sila Pierre, Loisa, Rebecca, Andres, at ang kanyang ama sa kanila.
"Sam, you want coffee?" mahinahong tanong niya. Hindi muna niya ito nililingon.
"Why are you here?" malamig na boses ang kanyang narinig mula kay Samantha na ikinagulat niya.
"I just want to comfort you" mahinahon niyang sagot.
"I can handle myself, I don't need you"
May kung anong sakit siyang naramdaman nang marinig niya ang mga katagang iyon.
"I know Sam, I know you don't need me anymore, but this time, just for this time can I comfort you" pinipilit niyang maging mahinahon kahit na nasasaktan siya sa sinasabi nito.
"Why?"
"Because I care for you"
"I am not weak Alex"
Nilingon niya ito. "I know, you are the bravest person I've ever known, but this time, this time Sam, pwede ko bang maramdaman na kailangan mo ako ngayon" pakiusap niya dito.
Bahagya itong ngumiti, isang ngiti na hindi niya alam ang ibig sabihin. "And then, you will go, why not go now" walang emosyong sabi nito.
Nasasaktan siya sa naririnig at nakikita niya, ang malamig na boses nito na tila walang ganang makipagusap sa kanya at ang walang emosyong mukha nito.
"Please Sam, can you go with me, kung gusto mo pagkatapos nito hindi na kita guguluhin pa" sabi niya, umaasa na pumayag ito.
"I don't want to leave Tatay"
"Please Sam?" muli niyang pakiusap.
Inilahad niya ang kanyang kamay umaasa na tatanggapin iyon ni Samantha.
Nagulat siya nang pagharap sa kanya ni Samantha ay samu't saring emosyon ang nakita niya sa mga mata nito, mga emosyon na hindi niya mapangalanan. Tinanggap nito ang kanyang kamay.
Inalalayan niya ito sa pagtayo, hinawakan niya ito sa balikat para suportahan ang paglakad nito.
Damn! She's so thin
Nakita niya ang pagtingin sa kanila nila Loisa, Rebecca, Andres na parang mayroong awa sa mga mata nito, si Pierre na ngumiti sa kanya, at ang kanyang ama na tumango tango lang.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...