Chapter 86

2 0 0
                                    

NAGISING SI SAMANTHA sa isang hindi pamilyar na lugar. Nakakaramdam pa din siya ng hilo kaya hindi na muna siya tumayo, ilang minuto muna siyang humiga at inaalala ang nangyari. Hindi naman niya nakalimutan ang lahat. Alam na alam niya kung ano ang nangyayari.

Nang pakiramdam niya ay hindi na siya nahihilo ay dahan dahan siyang umupo. Nagulat siya sa paligid niya, nasa selda siya pero malinis ang lugar, may sarili siyang higaan at may isang pinto para sa banyo. Hindi niya inaasahan na ito ang maabutan niya pag gising niya, hindi niya akalain na ganito ang magiging trato sa kanya, ibang iba sa trato sa kanya noong naging bihag siya ni Tita Andy.

Bigla niyang naalala si Aivee. Ang sabi ni Angela ay alam nito kung nasaan si Angela kaya pumayag siyang makipagkita dito at nasaan na si Angela? Bakit hindi niya ito kasama.

Dahan dahan siyang tumayo at inilibot ang mata sa paligid, nagulat na lang siya nang makita kung sino ang nasa tapat niyang selda.

Si Aivee, si Elma, at si Roberto.

Nasa iisang selda ang mga ito, nakatali ang mga kamay sa selda at may takip ang mga bibig.

"Aivee..." mahinang tawag niya dito.

Hindi siya makapaniwala sa itsura ni Aivee, ang laki ng pinayat nito, hindi na niya makita ang dating Aivee na laging nakaayos, at kitang kita niya ang umbok ng tiyan nito. Hindi niya alam kung ilang buwan na itong nagdadalang tao, halos dalawang buwan pa lang mula nang makabalik siya mula sa US. O baka tinago lang nito na nagdadalang tao na ito dati pa.

Narinig niya ang pag-ungol nito na tila may gusto sabihin pero dahil sa takip ng bibig nito ay hindi ito makapagsalita.

Ibinaling naman niya ang tingin niya kay Elma. "Elma, hinahanap kita" ang tanging nasabi niya bago tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha.

Iniiwasan niyang mapahamak si Elma pero iyon pa din ang nangyari, napahamak pa din ito at napunta sa kamay ng mga kalaban. Wala siyang ibang masisi kundi ang sarili niya.

Nabaling din ang tingin niya kay Roberto, halos maga ang mukha nito tanda na pinagmalupitan ito. Naawa siya sa kalagayan nito ngayon.

Magsasalita sana siya nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan, ibinaling niya ang kanyang paningin sa direksyon na iyon, naaninag niya ang liwanag pero hindi niya makita ang pintuan. Maya maya ay may dumating na mga lalaki na may dalang pagkain.

Binuksan ng mga ito ang katapat niyang selda, tinanggalan ng tali ang tig isang kamay ni Aivee, Elma, at Roberto pero nanatiling nakatali ang isang kamay. Tinanggal din ng mga lalaki ang takip ng mga ito sa bibig.

"Kumain na kayo at wag na wag kayong mag-aaksaya ng pagkain kung ayaw niyong magutom ng isang araw" sabi ng isang lalaki na naghatid ng pagkain.

Pagkatapos sa katapat niyang selda ay siya naman ang binigyan ng pagkain, inilusot lang ng mga ito ang pagkain sa selda na iniabot naman niya.

"Kumain ka na din" sabi ng lalaki.

"Wag kayong gagawa ng gulo kung ayaw niyong masaktan kayo" banta ng isang lalaki.

Agad ding lumabas ang mga ito.

"Aivee..." mahinang tawag niya dito sa halip na pansinin ang pagkain.

"Sam..." ramdam niya ang panghihina nito dahil sa boses nito. "...why are you here?"

"Aivee, hindi na importante kung bakit ako nandito. Ang importante ngayon ay ang makatakas tayo" determinadong sabi niya dito.

Ayaw muna niyang magpaliwanag, marami pang panahon para magpaliwanag, ang kailangan niya ngayon ay gawin ang misyon niya na binuo nila ni Angela.

"Sam, ikaw ang kailangan nila. Hindi ka nila dapat makuha"

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon