INAASAHAN NI PIERRE na makakatulog si Samantha habang nasa byahe pero tila mas nararamdaman niya ang antok kesa dito. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana sa buong byahe nila.
"Sam, matulog ka muna, alam kong wala ka pang tulog"
"I'm okay Pierre" maikling sagot nito na wala pa ding emosyon na nababasa sa mukha.
"Can we drink coffee first? Mukang ako yung aantukin e" natatawang sabi niya.
Nagulat siya sa maliit na ngiting ipinakita nito. "Sure"
Hindi na ito bumaba ng sasakyan kaya siya na lang ang bumili ng kape para sa kanilang dalawa. Tatlo ang binili niyang kape para meron pa siyang kape mamaya habang nagmamaneho siya kung sakaling makaramdam na naman siya ng antok, habang ang isang kape niya ay kasalukuyan niyang inuubos sa sasakyan at ganoon din si Samantha.
"You want me to drive?" tanong nito na ikinagulat niya.
"No, no..." umiiling iling na sabi niya. "...let me drive so that you can rest"
"But I'm not sleepy, mas inaantok ka pa kesa sa akin"
"Hindi ko alam kung ano ang ininom mo dahil ang hyper mo pa din..." nakangiting sabi niya, gusto niyang gibain ang anumang pader na nakapalibot dito sa pagiging malamig nito sa kanila nitong mga nakaraang araw. "...baka pwede ako makahingi ng energy drink mo?" pagbibiro niya.
"Next time bibigyan kita pag kailangan mo" sagot nito na may kasamang pag-irap sa kanya.
Hindi niya inaasahan na sasakyan nito ang biro niya dahil ang inaasahan niya ay magsusungit ito sa kanya.
"Aasahan ko yan ha" natatawang sabi niya.
Pinaningkitan siya nito ng tingin.
"Fine Fine, alam ko namang joke lang yun"
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at binaling ang tingin sa labas ng sasakyan. "Thank you Pierre sa pag-alalay sa akin at sa pagtulong mula lamay hanggang libing, thank you dahil hindi mo ako iniwan kahit na alam kong pagod ka din sa personal mong buhay"
"No problem Sam" sabi niya sabay higop sa kanyang kape. "Hindi lang naman ako ang nag-asikaso, tumulong din si Alex, siya ang nag-asikaso sa libingan at traffic enforcer, andito kaming lahat para sa'yo"
Tumango tango lang ito. "Salamat sa inyo"
Hindi niya alam kung tamang tanungin ito tungkol sa nangyari sa ospital pero kialangan niyang mag-isip ng pwede nilang pag-usapan.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Sam, ano nangyari sa ospital?" kahit alam na niya ang nangyari ay gusto niyang marinig ang kwento ni Samantha.
Binalingan siya nito ng tingin, isang tingin na hindi niya alam kung galit ba ito o hindi.
"It's okay Sam, kung hindi ka pa ready magkwento" natatarantang sabi niya.
Nakita niya ang pagbuntong hininga nito at umayos ng upo. "Nag-uusap lang kami ni Tatay tungkol sa bag na pinakuha niya sa akin, tinanong ko kung ano ang nasa bag pero ang sabi lang niya ay para kay Lilibeth ang nasa bag na iyon dahil gusto niyang humingi ng tawad dito at pinipilit niya ako na dapat daw ay kay Daddy ako tumira kapag wala na siya"
Hinintay pa niya kung magsasalita ito o hindi na. Alam niya ang tungkol sa sulat ni Tatay Abel dahil magkasama sila noong ginawa iyon ni Tatay Abel.
"Pero tama naman si Tatay Abel na mas safe ka kapag na kay Tito Tonny ka" malumanay na sabi niya.
"Pero hindi ko pa kaya Pierre, hindi ko pa kaya sa mansyon, ayoko munang bumalik dun" nakita niya ang pagiging seryoso nito.
"Pero iyon ang huling hiling ni Tatay Abel" mas mahina niyang sabi.
Nakita niya ang pag-ngisi nito. "Lahat bang ng hiling dapat sinusunod?" tanong nito na ikinagulat niya.
Napabuntong hininga siya. "Hindi ko alam, dahil hindi ko pa na-experience pero kung para kay Tatay Abel siguro gagawin ko?" patanong niyang sagot.
"Hindi mo ako naiintindihan Pierre"
"Dahil kay Alex?"
Muli itong tumingin sa bintana at hindi na uli nagsalita. Bigla siyang nagsisi kung bakit niya pa binanggit si Alex.
Ilang minuto pa silang nanatili sa parking lot para ubusin ang kanilang kape bago muling bumayahe. Gabi na nang makarating sila sa Laguna dahil naabutan na din sila ng trapik at sa buong byahe ay gising pa din si Samantha.
"Dito na muna ako Sam, okay lang?" tanong niya dito nang makapasok na sila ng bahay.
"Oo naman pero maglilinis na muna ako"
"What!?" gulat na tanong niya. "Bakit hindi ka muna magpahinga?"
"Hindi naman ako pagod, mas pagod ka pa nga kesa sa akin diba?" sabi nito na wala pa ding reaksyon. "Magluluto lang ako para sa dinner natin"
Pinigilan niya ito. "Sam, magpahinga ka na muna, ako na lang ang mag-aasikaso diyan"
"Pierre, hayaan mo na ako dahil kaya ko pa naman" pagpupumilit nito.
"Sige tulungan na lang kita"
Tiningnan siya nito ng masama. "Ako na bahala dito Pierre" may pagbabantang sabi nito.
Hinayaan niya na lang ito dahil mukang hindi ito magpapaawat pa. Nakaupo lang siya sa sala habang nagluluto ito at doon lang niya napansin ang malaking pagpayat nito sa loob ng isang linggo.
Hanggang ngayon ay wala pa din siyang lakas ng loob na sabihin dito na pwede na siyang umiyak dahil natatakot siya na baka mas lalo itong magsungit sa kanya.
Iidlip sana siya nang biglang tumunog ang kanyang selpon.
"Yes?" tanong agad niya nang sagutin ang selpon.
"Sir Pierre, we need to have an emergency meeting" sabi ni Amber, ang kanyang sekretarya.
"What happened?" nakakunot na tanong niya.
"May mga investors na gustong mag-withdraw because they think na may anomaly sa finance department natin"
"What the hell? Kelan lang tayo nag-audit, okay naman lahat"
"That's the reason Sir kung bakit nanghihingi ng meeting ang board of members tonight"
"Nasa Laguna ako ngayon, what time yung meeting?"
"What time are you available tonight Sir? I'll set the time"
Napabunting hininga siya, napatingin siya sa kanyang relo at kay Samantha na abala pa din sa pagluluto.
"Make it 10:00PM"
"Copy Sir"
Agad niyang binaba ang tawag pagkatapos sumagot ng kanyang sekretarya.
"You need to go?" agaw atensyong tanong ni Samantha sa kanya.
Bahagya siyang ngumit dito. "Yeah, may problem daw sa company"
"You can go after you eat"
"Magpapadala ako ng makakasama mo dito"
"No need Pierre"
"I need to Sam, hindi ka pwedeng mag-isa dito ngayon"
"I'm oka..."
"Sa ayaw at gusto mo magpapadala ako ng makakasama mo dito" putol niya sa sasabihin nito. "Hindi ako mapapakali kapag alam kong mag-isa ka lang dito"
Nakita niya ang pagbuntong hininga nito. "Fine"
"Make sure na hindi ka magsusungit, baka matakot sa'yo yun" pagbibiro niya dito.
Umismid ito sa kanya. "Maghain ka na para makakain na tayo" sabi nito na agad naman niyang sinunod.
Pagkatapos kumain ay agad siyang nagpaalam, bago pa kumain ay nagmensahe na siya sa taong papalit sa kanya.
"Magpahinga ka na Sam ha?"
Tumango lang ito at tuluyan na siyang umalis.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...