Chapter 65

1 0 0
                                    

PAGKATAPOS NG CHECKUP ay dumeretso na sila sa salon kung saan nagtrabaho si Lily dati.

"Siya nga ganda, siya yung lalaking nakikita namin dito" sabi ni Lala at sumang ayon din si Pearl.

"Saan mo siya nakita?" tanong ni Pearl.

"Mag nagsend lang sa email ko, hindi ko kilala kung sino ang nagsend. Nagbabakasali ako na baka kilala niyo"

Nagpasya siyang hindi sabihin ang totoo dahil ayaw niyang madamay pa ang mga ito at ayaw niya na din munang magtiwala sa iba, mahirap na dahil hindi niya pa alam kung sino ang tunay na kaibigan at kalaban.

"Nakita niyo na ba si Lily?" tanong uli ni Pearl.

Umiling iling siya. "Hindi pa, hanggang ngayon hinahanap ko pa din siya"

Bumalik siya sa sasakyan kung nasaan si Pierre pagkatapos niyang makipag usap. Hindi na niya pinababas si Pierre dahil ayaw niyang makilala pa ng mga ito si Pierre dahil kung sakaling isa sa mga ito o lahat mismo ay hindi mapagkakatiwalaan atleast siya lang ang kilala ng mga ito.

"How is it?" tanong ni Pierre pagpasok niya ng sasakyan.

"Confirmed, ito nga yung lalaki na nakikita nila noong nandito pa si Lily"

"Alam ba nila kung nasaan na ang lalaki?"

Inabutan siya nito ng tubig dahil nakita nito na init na init siya.

"Thanks" sabi niya na agad kinuha ang tubig, uminom muna siya bago sumagot. "Hindi nila alam kung nasaan ang lalaki, hindi na daw nila nakita noong umalis na si Lily"

Ang alam ni Pierre ay kinuhanan niya ng larawan ang lalaki noong nasa bahay sila nila Nanay Linda, hindi niya din sinabi dito na may nagpasa sa kanya ng litrato nito, ayaw din niyang madamay ang kaibigan niya sa gulo ng pamilya niya.

"Where are we going next?"

Nag-isip muna siya dahil hindi niya din alam kung saan siya pupunta. "Hindi ko alam kung saan tayo susunod, wala pa tayong lead e" sagot niya dito.

"Bakit hindi ka muna magpahinga" sabi nito. "Bumukas na naman ang sugat mo diyan sa noo mo, napagalitan ka tuloy ng doktor" natatawang sabi ni Pierre.

"Wag mo na akong pagtawanan" sabi niya na may irap pang kasama.

"Fine, fine, sorry"

"Hatid mo na lang muna ako sa restuarant, doon na lang muna ako. Tapos sunduin mo na lang ako mamaya kung hindi ka busy"

"Okay, no problem. Pero magpapaalam muna ako bukas ha, may kailangan akong asikasuhin kaya pwede bang sa opisina ka na din muna bukas?"

"Okay sige"

"Promise?"

"Mukha bang matigas ang ulo ko?" mataray na tanong niya.

"Hindi mukha, dahil matigas talaga ulo mo" natatawang sabi nito. "Please Sam, wag kang aalis ng ikaw lang mag-isa, okay?" seryosong sabi nito.

"Okay Pierre, promise" nakangiting sabi niya.



AGAD NA DUMERETSO si Samantha sa kanyang opisina, hindi niya nakita si Loisa sa pwesto nito pero hindi na niya ito hinanap pa.

Nagulat siya nang makita niya ang tambak na papeles sa kanyang lamesa, ang dami niya palang kailangang gawin kaya sinumulan niya na ang trabaho niya.

"Ma'am, coffee" hindi na naman niya napansin ang pagpasok ni Loisa.

Ngumiti siya dito. "Hindi mo man lang sinabi na ang dami ko na palang for review na documents"

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon