"GOOD MORNING DAD"
"Good morning Alex, kain ka na, where is Angela?"
"She's in the bed, dadalhan ko muna siya ng pagkain bago ako kumain"
Sa loob ng isang linggo ay halos ganoon na ang nakagawian niya masigurado lang ang kaligtasan ni Angela at ng kanyang anak.
"How is she?"
"She's good Dad, I always make sure na nakakalabas siya sa beranda para makapagpahangin at maarawan" sagot niya habang kumukuha ng pagkain na dadalhin para kay Angela.
"That's good, thank you son for taking care of her" nakangiting sabi nito.
"It's my responsibility Dad, like you said, ako ang reason kung bakit nasa ganyang sitwasyon si Angela"
Tumango tango lang ang kanyang ama at muling ngumiti sa kanya.
"I'll go up na Dad at baka gising na siya"
"Okay son"
Pagdating niya sa kanyang silid ay wala na sa higaan si Angela, narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya alam niyang naliligo na ito. Nilagay niya ang tray sa isang lamesa at inayos ang pagkaing dala niya. Lalabas na sana siya ng silid nang marinig ang pagsigaw ni Angela kaya agad siyang napatakbo sa banyo. Bigla siyang kinabahan nang makita si Angela na nakaupo sa sahig, agad niya itong pinuntahan para tulungang tumayo.
"What happened?" nag-aalalang tanong niya.
"Palabas na ako ng CR nang bigla akong nadulas" sagot nito na tila may iniinda pang masakit.
"Slowly sa pagtayo" sabi niya at unti-unti niya itong inalalayan sa pagtayo.
Bigla na lang natanggal ang tuwalyang saplot ni Angela na ikinagulat niya kaya agad siyang tumalikod dito.
"Okay na Alex, sorry" mahinang sabi nito.
"Kaya mo na ba o alalayan pa kita?" tanong niya habang nakatalikod pa din.
"Kaya ko na, sa CR lang naman madulas"
"Okay, papalinis ko na lang yan sa katulong, hintayin kita sa labas" hindi na niya hinintay ang sagot nito dahil lumabas na agad siya ng banyo.
Sa halip na bumaba para kumain ng agahan ay nagpasya siyang hintayin na lang si Angela para matanong niya kung may masakit dito. Habang hinihintay ay hindi niya maiwasang isipin ang nakitang katawan nito, alam niyang hindi na dapat siya nagugulat dahil nakita niya na ang lahat dito kaya nga sila magkaka-anak na. Pero nakaramdam siya ng hiya hindi para sa kanya kundi para kay Samantha dahil pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ito.
Halos isang buwan na silang hindi nagkikita ni Samantha, nagtataka din siya kung bakit parang hindi din pinag-uusapan si Samantha sa mansyon, pakiramdam tuloy niya ay dahil sa kanya kaya walang gustong magsalita. Ang alam niya ay may usapan ang mag-ama na dadalaw ito tuwing katapusan ng linggo pero hanggang ngayon ay hindi pa din ito dumadalaw.
Aaminin niyang miss na miss niya na ito, minsan iniisip niyang tawagan ito kahit na marinig lang niya ang boses nito pero hindi niya kaya, lalo lang siyang masasaktan at mahihirapang makalimot, pero tila mas mahirap isipin na kailangan niyang kalimutan ang nararamdaman niya para dito.
"Alex?"
Nagulat na lang siya sa tawag ni Angela na nasa harapan niya na pala, hindi niya napansin ang pagdating nito.
"Sorry, what it is?"
"I am asking you kung mamaya yung check up natin?"
Tumango tango siya. "Yes, this afternoon" sagot niya. "Here's your breakfast"
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...