HALOS HINDI MAKATULOG si Alex dahil hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Samantha noong kausap nito si Pierre. Sinadyang iparanig sa kanila ang usapan ni Pierre at Samantha para malaman kung sasabihin nito kung saang hotel ito tumutuloy pero wala din itong sinabi kay Pierre.
I am okay Pierre, namimiss ko lang si Tatay
I'll protect myself
Ayaw niyang pagdudahan si Samantha pero pakiramdam niya ay hindi ito nagsasabi ng totoo na hindi ito nagiimbestiga, sana mali ang inaakala niya.
Halos madurog ang puso niya nang marinig niya ang pag-iyak nito dahil sa pagkamiss sa ama nito. Gusto niya itong puntahan pero wala siyang magawa. Nagpasya sila na wag na munang ipaalam kay Samantha na alam na niya ang totoo dahil mas gusto muna nilang maayos ang tungkol sa kausap ni Andres at sa kaso ni Tatay Abel na ngayon ay si Pierre ang humahawak.
Palabas na siya ng kanyang silid nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Angela.
"Alex, can we talk?" malumanay na sabi nito.
Nagulat siya dahil ang inaasahan niyang Angela ay ang galit na kausap niya kaninang umaga.
"Sure Angela"
Tuluyan itong pumasok ng silid at isinara ang pinto, umupo ito sa isang pang upuan na silya at siya naman ay umupo sa kama.
Nakita niya ang pagbuntong hininga nito bago nagsalita. "I think you're right, we should stop it. I don't understand pero I can feel it"
"What did you mean?" nagtatakang tanong niya.
"Nararamdaman ko na pinipilit mo lang na maging maayos tayo kahit na ang totoo ay si Samantha pa din ang mahal mo. Nakikita ko ang lahat ng pagpapanggap mo sa sarili mo. Nakikita ko na pinipilit mo lang sabihin sa sarili mo na hindi mo na siya pwedeng mahalin o kaya pinipilit mong isipin na masaya na si Samantha sa piling ni Pierre para mas maka move on ka agad"
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito dahil hindi niya alam na ganoon na pala ang tingin nito sa kanya, na gumagawa ng paraan para makalimutan si Samantha.
"Masaya ako na tinanggap mo ang anak natin kahit na may relasyon kayo ni Samantha. Masaya ako dahil alam kong magiging mabuti kang ama para sa anak natin, sayang lang dahil nawala ang anak natin" bahagya itong ngumiti. "Believe me Alex..." tumingin ito sa kanya dahil mula kanina ay nakayuko lang ito habang nagkukuwento. "I tried to save our baby, kahit na alam kong magiging delikado sa amin dalawa, ginawa ko ang lahat pero...wala din e... wala din..." hindi na nito napigilan ang maging emosyonal dahil tumulo na ang mga luha nito. "...hindi pa din niya kinaya, nawala pa din siya sa atin"
Dahan dahan niyang nilapitan si Angela at niyakap ito. "Shhh... Angela, it's not your fault at alam kong ginawa mo ang lahat. Noong kinausap ko ang OB mo at nalaman ko ang kondisyon mo, alam kong ginawa mo ang lahat para sa anak natin. At alam kong nakita at naramdaman iyon ng anak natin. Naramdaman niya kung paano ka naging matapang para sa kanya, kung paano ka lumaban para sa kanya, naramdaman niya iyon at naniniwala ako na sobrang proud siya sa'yo at ganoon din ako"
Naramdaman niya ang pagganti nito ng yakap sa kanya.
"Thank you Alex, thank you for comforting me. Kung pwede lang nating ibalik ang dati, kung pwede lang ibalik ang panahon na baliw na baliw ka sa akin... sana... sana sumama na ako sa'yo noon"
Napabuntong hininga siya dahil sa sinabi nito. "Baka hindi lang talaga tayo ang para sa isa't isa. Baka iba ang nakalaan sa atin"
"I want you Alex, I really want you... I know it's too late pero can I kiss you for the last time?" sabi nito na ikinagulat niya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap dito at hinawakan ito sa balikat nito, bahagya siyang yumuko para tingnan si Angela. "I am sorry Angela, mula noong malaman ko ang nararamdaman ni Samantha sa akin sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako makikipaghalikan kahit sa sinong babae..." bahagya siyang natawa. "...noong sinusubukan kong kalimutan siya at hinalikan kita ay siya pa din ang nakikita ko"
"Please Alex?" nakita niya ang pangungusap ng mga mata nito. "...please last na 'to then aalis na ako. Hindi na ako magpapakita sa'yo, babalik na ako sa US"
Umiling iling siya dito. "I'm sorry Angela bu..."
Nagulat na lang siya nang biglang tumayo si Angela at agad siyang hinalikan, dahil sa gulat ay hindi na siya nakakilos. Akmang itutulak siya si Angela nang bigla itong yumakap ng mahigpit sa kanya. Bumitaw ito sa paghalik sa kanya at tumingin sa kanya.
"Please Alex just one more kiss?" muli nitong pakiusap.
Dahil nadampian na ang kanyang labi ay agad niyang hinawakan ang mukha nito at agad na tinawid ang pagitan nila. Isang malumanay na halik ang binigay niya dito. Agad naman itong tumugon sa halik niya, bigla niyang naalala ang matamis na halik nito noong baliw na baliw pa siya dito pero ngayon pakiramdam niya ay simpleng halik na lang iyon.
Hindi niya alam kung gaano na katagal ang halikan nila, alam niyang mali na, alam niyang dapat na niyang itigil ang ginagawa niya pero bakit ayaw sumunod ng katawan niya. Bakit parang ayaw niyang itigil ang ginagawa niya. Naramdaman na lang niya na naglalakbay na ang kanyang kamay hanggang sa makarating sa bewang nito. Pati ang kanyang halik ay naglakbay na din sa leeg nito. Bakit hindi niya mapigilan ang sarili niya, bakit hindi siya makabitiw sa ginagawa niya, bakit parang naaakit siya sa amoy nito.
Nakarating na ang kanyang bibig sa leeg nito, amoy na amoy niya ang mabangong leeg nito. Pakiramdam niya ay nag iinit na ang kanyang katawan, parang hindi na niya kayang pigilan ang sarili niya, bakit parang iba ang dating ng amoy ni Angela para sa kanya.
Dahil sa init na nararamdaman niya ay agad niyang pinikit ang kanyang mata para mas makapagpokus siya sa kanyang ginagawa pero sa pagpikit niya ay bigla niyang nakita ang maamong mukha ni Samantha, noong una niya itong makitang nakangiti.
Agad siyang bumitaw kay Angela at lumayo dito.
"I am sorry Angela" hinihingal na sabi nito habang umiling iling.
Tiningnan niya si Angela nang hindi ito sumagot at nagulat na lang siya nang makita na nakahawi na pala ang kanang manggas nito. Nakita niya din ang nahihiyang mukha ni Angela.
"I am sorry Angela, nadala lang ako" natatarantang sabi niya.
"It's okay Alex, nadala lang din ako" bahagya itong ngumiti pero halata pa din ang hiya sa mukha.
"So, what is your plan?" pagiibang paksa niya.
"Kukunin ko na ang gamit ko then aalis na ako. Doon muna ako sa pinsan ko, next week babalik na ako sa US"
"Bukas ka na umalis dahil gabi na dito ka na magpalipas ng gabi, I'll just ko outside"
Agad siyang naglakad papunta sa pinto pero bago pa niya malagpasan si Angela ay hinawakan siya nito sa braso na ikinagulat niya.
"Thank you Alex" nakangiting sabi nito. "I really miss your touch"
Napalunok siya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung may ibig sabihin ito. Hindi na siya sumagot at tuluyan na siyang lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
أدب الهواةNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...