Chapter 61

2 0 0
                                    

HALOS MAUBOS NA ni Alex ang alak niya pero hindi pa din umuuwi si Samantha. Kanina niya pa ito hinihintay pero madaling araw na ay wala pa din ito, tiningnan niya pa ito sa silid nito dahil baka hindi niya lang napansin ang pag-uwi nito pero wala ding tao doon.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit galit na galit siya sa tuwing nakikita niyang magkasama si Pierre at Samantha, alam niyang wala na siyang karapatan kay Samantha pero iba talaga ang sinisigaw ng puso niya.

Painom na siya ng alak nang makita niya si Samantha na papasok sa dining area.

"Umiinom ka na naman Alex?" tanong nito sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa halip na sa sagutin ito.

Nakita niya ang pagkunot noo nito. "What did you mean?"

"Anong oras na..." tumingin siya sa kanyang relo para malaman ang oras. "...3 am na Sam, uwi ba ito ng babae?" pagalit na tanong niya.

"Ano bang problema mo Alex? Alam mo naman na kasama ko si Pierre diba?" halata ang pagtataka nito sa mukha.

Nagpintig ang tenga niya dahil sa sinabi nito. "Kahit sino pa ang kasama mo, hindi tamang ganitong oras ka umuuwi, paano kung mapahamak ka? May magagawa ba si Pierre" hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses niya dahilan para magulat ito.

"Alam mo Alex lasing ka lang e, magpahinga ka na kaya at iwas iwasan mo na ang paginom mo para sa anak mo" sabi nito at naglakad papunta sa kusina.

"Wala kang pakiilam kong maglasing ako, dahil alam kong kaya ko ang sarili ko" sinundan niya ito sa kusina.

Nakita niya ang pag ngisi nito. "At wala ka ding pakiilam kung anong oras ako uuwi dahil alam kong kaya ko ang sarili ko" pagsusungit nito para siya naman ang magulat.

"Sam, please..." mas malumanay na sabi niya. "...delikado ang ganitong oras ng uwi"

"I'm okay Alex, kaya ko ang sarili ko at kasama ko naman si Pierre" mas malumanay na din na sagot nito.

Hindi agad siya nakasagot dahil pakiramdam niya ay pinapamukha nito na hindi na siya nito kailangan. Umalis ito sa harap niya at kumuha ng baso, nilagyan niya iyon ng tubig.

Akmang lalabas na ito nang hawakan niya ito sa braso at walang sabi sabing niyakap ito. Naramdaman niya ang gulat nito dahil sa ginawa niya.

"Alex, what are you doing?" natatarantang tanong nito. Iniisip siguro nito na baka may makakita sa kanila.

"Saglit lang baby girl, please. I really miss you" nakikiusap na sabi niya.

"Baka may makakita sa atin" mahinang sabi nito.

"I don't care, I really want to hug you"

Naramdaman niya na na kumalma na ito sa pagkagulat. "5 mins"

"Thank you baby girl, thank you so much" mas diniinan niya ang pagyakap niya dito.

"How are you?"

Nagulat siya sa tanong ni Samantha, gusto niyang bumitaw para tingnan ang mukha nito pero ayaw niyang sayangin ang oras na mayakap niya ito.

"I'm not okay baby girl, hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap ang nangyari sa atin, hindi ko pa din matanggap na hindi ako makabawi sa kasalanan ko sa'yo, hindi ko pa din matanggap na hindi na ako ang kailangan mo, hindi ko matanggap kung bakit tayo pa ang naging magkapatid" mahabang sagot niya sa simpleng tanong nito.

Gusto niyang ipaalam dito na hanggang ngayon ay hindi kapatid ang turing niya dito.

"Masasanay ka din, masasanay din tayo sa isa't isa bilang magkapatid"

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon