Chapter 62

1 0 0
                                    

HINDI NAKATULOG NG maayos si Alex kakaisip niya kay Samantha, hindi siya makapaniwala na may nararamdaman pa din pala ito sa kanya, ang buong akala niya ay tuluyan na siya nitong nakalimutan dahil kasintahan na uli nito si Pierre.

Maaga siyang bumangon kaninang umaga dahil gusto niyang makasabay sa pagkain si Samantha pero hindi niya na ito naabutan dahil nakaalis na daw ito ng bahay. Tinanong niya kung kasama nito si Pierre, wala naman daw sumundo dito at gamit nito ang sariling sasakyan.

Halos sa sala na siya nagtrabaho para lang maabangan si Samantha. Mula noong naging maselan ang pagbubuntis ni Angela ay hindi na siya pumasok sa opisina para bantayan ito kaya nagpasya siyang sa sala magtrabaho.

Tinanong niya din kanina si Loisa kung sa restaurant ang tuloy ni Samantha pero hindi ito sigurado dahil sinabihan daw ito ni Samantha na magiging abala ito sa paghahanap sa kapatid nito. Nalulungkot siya dahil hindi niya masamahan si Samantha sa mga kailangan nitong gawin dahil kailangan siya ngayon ni Angela. Naalala niya noon na sinabihan niya itong tutulog siya sa paghahanap sa kapatid nito kapag natapos na ang presentasyon sa kumpanya pero hindi na nangyari.

Sumapit ang tanghalian pero wala pa din ito kaya nagpasya na muna siyang umakyat sa kanyang silid. Tulog pa din si Angela, napapansin niya na madalas ng nagiging antukin si Angela, tuwing tinatanong naman niya ang OB nito, sinasabi lang niya na maayos ito.

Nagpasya siyang magpahinga na muna kaya nahiga siya sa kanyang kama para makatulog.



ALAS OTSO NA ng gabi nang magising si Alex, wala na si Angela sa higaan nito kaya nagpasya na din siyang bumaba. Halos kumpleto na ang nasa hapag kainan at naghahanda na ng pagkain si Manang Letty, tumutulong din si Loisa, pero nalungkot siya nang hindi niya nakita si Samantha, ibig sabihin ay wala pa ito.

"Ang haba ng tulog mo Alex" sabi ng kanyang ama.

"Yes Dad, medyo napasarap lang ang tulog"

Napansin niya ang pagiging tahimik ni Angela pero hindi niya na iyon pinansin.

Magsisimula na silang kumain nang biglang dumating si Pierre.

"Good evening po Tito" bati nito sa kanyang ama.

"O Pierre, kasama mo ba si Samantha?" tanong naman ng kanyang ama dito.

Nakita niya ang gulat sa mukha ni Pierre. "Hindi po Tito, kaya nga po ako nandito kasi hindi po siya sumasagot sa tawag ko"

Nakaramdam naman siya ng kaba dahil sa sinabi ni Pierre.

"I'll try to call her" sabi ng kanyang ama.

Nakita niya ang patango ni Pierre na abala din sa selpon nito.

"She's not answering" sabi ng kanyang ama. Bumaling ito sa kanya. "Alex, try to contact her"

"Okay Dad" sagot niya at agad na tinawagan si Samantha. "No answer"

"Loisa, do you have any idea kung nasaan siya?" baling ng kanyang ama kay Loisa.

"Sorry Tito, pero hindi ko po alam. Ang alam ko lang ngayon ay busy siya dahil sa paghahanap niya sa kapatid niya" kunot noong tanong nito na tila nag-aalala din para kay Samantha.

Magsasalita pa sana ang kanyang ama nang biglang tumunog ang selpon nito.

"Hello?" kunot noong sagot nito.

Sa itsura ng kanyang ama ay alam na niyang hindi kilalang numero ang tumawag dito kaya nakaramdam siya ng takot.

Wag naman sana.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon