Chapter 27

2 0 0
                                    

NAGISING SI ALEX nang maramdaman niyang tila meron siyang katabi sa higaan. At ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Angela na nakayakap sa kanya. Hindi niya alam kung kanina pa ba niya ito katabi. Dahan dahan siyang kumilos, tinanggal niya ang kamay nito na nakayakap sa kanya at binuhat pabalik sa kama nito. Inayos din niya ang kumot nito bago siya bumalik sa kanyang higaan.

Hindi na siya makabalik sa kanyang pagtulog kahit anong posisyon ang gawin niya kaya nagpasya na lang siyang bumaba muna para uminom ng alak dahil ala-una pa lang ng madaling araw.

Nakakailang bote na siya pero pakiramdam niya ay hindi pa din siya inaantok, nang tinangnan niya uli ang orasan niya ay halos isa't kalahating oras na pala siyang umiinom kaya nagpasya na siyang bumalik sa kanyang silid pero bigla niyang nabaling ang tingin sa silid ni Samantha kaya dumaan muna siya doon.

"Baby girl, where are you?" mahinang sabi niya nang tuluyan na siyang nakapasok sa silid.

"I miss you Baby Girl, kailan uli kita makikita?"

"Na mimiss mo ba ako Baby girl?"

Nang mapansin niya ang pagtulo ng kanyang mga luha ay tuluyan niya nang nilisan ang silid ni Samantha.

——————

MASAKIT ANG ULO ni Alex nang magising siya na mataas na ang araw dahil nararamdaman niya ang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. At laking gulat na naman niya nang mapansin na katabi niya si Angela at nasa iisang kumot sila.

Tatayo na sana siya nang mapansin niyang wala siyang saplot at ganoon din si Angela. "What the fuck!" gulat na sabi niya.

"Alex?" sabi ni Angela na nagising dahil sa lakas ng boses niya.

"What happened?" kunot tanong niya.

"You don't remember?" tanong na sagot nito sa halip na sagutin siya.

"Ano nangyari, Angela?" hindi niya sinasadya na mapalakas ang boses niya.

"Alex, kinulit mo ako. Pinipigilan kita kasi alam kung lasing ka, pero bigla mo na lang akong hinalikan at binuhat mo ako sa kama mo"

Hindi siya makapaniwala sa narinig. "No, hindi totoo yan Angela"

"It's true, bakit naman ako magsisinungaling, ikaw ang nangulit Alex. Mahimbing akong natutulog nang bigla mo akong halikan at dalhin dito, pagkatapos mo akong pagsawaan sasabihin mo hindi totoo" halata ang galit sa boses nito.

Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan niya at nakita niya ang kanyang ama na kasama si Samantha.

Nakita niya ang panlalaki ng mata ni Samantha at parang gusto niyang takbuhin ang pagitan nila para makapagpaliwanag siya dito.

"What the..." sabi ng kanyang ama. "Magbihis kayo" halata din ang gulat sa mukha ng kanyang ama na agad sinara ang pintuan.

"Shit!" halos pasigaw na sabi niya at biglang tumayo.

"Don't tell me nahihiya ka dahil nakita tayo ng kapatid mo?" kunot noong tanong nito na mas lalong nagpainit ng ulo niya.

"Shut up Angela! Bumangon ka na diyan at magbihis ka na" sabi niya bago tuluyang pumunta sa banyo.

Nang matapos siyang mag-ayos ay si Angela naman ang pumasok sa banyo para maglinis.

"I'll get your breakfast" walang ganang sabi niya.

Pagbaba niya ay naabutan niya sa hapag kainan si Samantha napapagitnaan ito ni Loisa at Rebecca kaya hindi siya makatabi dito.

"Manang Letty, padalhan na lang ng pagkain si Angela" utos niya pero kay Samantha siya nakatingin.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon