Chapter 39

1 0 0
                                    

"WHAT ARE YOU doing here Sam?" agad na tanong niya paglapit niya dito.

Umupo agad siya sa tapat nito.

"Alex?" gulat na sabi nito.

"Are you okay?"

Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito. "What do you mean?" kunot noong tanong nito.

"I saw you na parang sumasakit ang ulo mo" totoo ang pag-aalala niya dito pero ayaw niyang ipahalata iyon dahil gusto niyang maramdaman nito na galit siya.

"I'm okay Alex, pagod lang ako"

"Where is Pierre, bakit wala siya dito?" may pag sarkastikong tanong niya.

"He's busy"

Napansin niya na paunti-unti na itong nag-aayos ng gamit.

"Busy? Hindi ka man lang niya bigyan ng panahon para samahan dito" nakangising sabi niya.

Nakita niya ang pagtaas ng isang kilay nito. "And so, kahit hindi niya ako bigyan ng panahon para lang samahan dito atleast nararamdaman ko na importante ako sa kanya" mahina pero may diin na sabi nito.

Nagpintig ang tenga niya dahil sa sinabi nito dahil alam niyang pinaparinggan siya nito. "Hindi ka pa din ba nakaka-move on sa akin?" nakangising tanong niya.

"Excuse me?" sabi nito na agad ding tumayo. "For your information, masaya na ako kay Pierre, masaya kami ni Pierre, okay?" sabi nito at kinuha ang iilang gamit na natitira sa lamesa nito.

"Really? Then attend my wedding" nang-aasar na sabi niya.

Nakita niya ang pag-ngisi nito pero hindi siya sumagot at akmang aalis na. Agad niyang hinawakan ang kanang braso nito para pigilan ito at alam niyang may konting diin ang pagkakahawak niya dahil sa galit na nararamdaman niya.

Ngumisi pa siya bago nagsalita. "See? Hindi ka pa nakaka-move on" pang-aasar niya dito.

May kung anong galit siyang nakita sa mga mata nito. "Then, send me your wedding invitation" may diin na sabi nito na agad na kumawala sa pagkakahawak niya at agad umalis.

Nagtangis ang mga panga niya dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang nagagalit dito.

Pagbalik niya sa lamesa nila ni Angela ay nakita niyang kumakain na ito.

"Sorry Honey, hindi na kita nahintay dahil gutom na ako"

"It's okay, you can eat"

Akmang kukuha na siya ng pagkain nang mapatingin siya sa labas ng kainan at napansin niya si Samantha na naglalakad at hawak hawak nito ang kanang braso na tila may iniinda.

Hindi na niya pinansin ito kaya nagsimula na siyang kumain, pero habang kumakain ay natatanaw pa din niya si Samantha at nakita niyang tumigil muna ito sa paglalakad at sandaling umupo, tila tiningnan nito ang kanang braso. Agad itong tumayo para maglakad uli, halos ihatid niya ito ng tingin. At doon niya lang naalala ang aksidenteng nangyari dito at ang natamo nitong sugat sa braso na hinawakan niya kanina.

"Shit!" bulalas niya at biglang tumayo para habulin si Samantha.

Akmang lalabas na siya nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Angela.

"Where are you going Honey?" nagtatakang tanong nito.

"May nakalimutan lang ako, babalik agad ako, wait me here" sagot niya pero hindi nakatingin kay Angela dahil ayaw niyang mawala si Samantha sa paningin niya.

"Okay, just hurry" sagot lang ni Angela na agad din siyang binitawan.

——————

——————

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon