NAGULAT SI SAMANTHA nang makita ang ayos ng rooftop ng condo, may mga bulaklak, may mga LED lights, at mga petals na nakakalat sa sahig, may mga pagkain din sa mini living area na napapalibutan ng candle light.
Pamilyar sa kanya ang mga gamit, iyon din ang mga gamit na pinalagay niya para isurpresa ito sa pagtatapos ng presentasyon nito.
Inalalayan siya ni Alex sa paglalakad hanggang sa makarating sa mini living area ng rooftop. Pinaghila din siya nito ng upuan bago ito umupo sa tapat niya.
"Baby Girl, gusto kong bumawi sa katangahang ginawa ko sa'yo, gusto kong maging masaya ka uli kasama ako" sabi nito at iniabot sa kanya ang isang tumpok ng bulaklak.
Naramdaman niya ang pagiging totoo nito, naramdaman niya na gusto talaga nitong bumawi sa kanya pero parang huli na para bumawi pagkatapos nilang malaman kung sino ang tunay niyang ama at hindi na siya mapalagay kung tama pa ba ang ginagawa nilang dalawa.
"What's wrong Baby Girl?" tanong nito nang mapansin siguro ang pagiging tahimik niya.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "I think... I.. It's too late para bumawi" nag-aalangang sagot niya.
Lumipat ito ng upuan palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Shhh! No Sam, please wag muna nating pag-usapan yan ngayon, pwede bang ibigay mo muna sa akin ang gabing 'to" ramdam niya ang lungkot sa boses nito. "Please?" pakiusap nito.
Kahit naman siya ay gusto niya munang kalimutan ang sinabi ng kanyang Tatay Abel pero paano kung mas masasaktan nila ang isa't isa kapag lumabas na ang resulta ng DNA, paano kung magalit na lang sila isa't isa para mas madaling tanggapin ang paglalayo nila.
Pero paano niya matatanggihan ang gusto ng puso niya, paano niya matatanggihan ang hiling nito kung alam niyang ito na ang huling beses na gagawin nila ang bagay na'to.
Bumuntong-hininga siya bago sumagot. "O..okay" nauutal na sagot niya.
Nagsimula itong pagsilbihan siya, nilagyan nito ng pagkain ang kanyang pinggan.
"Let's eat?" yaya nito pagkatapos ding malagyan ng pagkain ang sarili nitong plato.
Tumango lang siya bilang sagot.
"How are you Sam?" tanong nito makalipas ang ilang minutong katahimikan habang kumakain sila.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito, hindi niya alam kung ano ang kinakamusta nito, ang pakiramdam niya, ang sitwasyon nila, o ang tungkol sa kanilang dalawa.
"May sakit ka pa ba?" sunod na tanong nito. Siguro ay napansin nito na naguguluhan siya sa tanong nito.
"Medyo masama pa pakiramdam ko pero okay lang ako, gagaling din ako" walang emosyong sagot niya.
Bumuntong hininga ito. "Sam, don't say okay kung alam mo namang hindi ka okay" malungkot na sabi nito.
Parang gusto niyang umiyak dahil sa narinig niya, pakiramdam niya kasi ay kaharap niya na uli ang dating Alex noong bodyguard niya pa ito, ang malambing na Alex na laging nag-aalala sa kanya.
Tumikhim siya bago nagsalita. "Pero magiging okay din naman talaga ako" sabi niya. Gusto niyang maging okay, gusto niyang maging okay sa sarili niyang paraan na hindi na siya umaasa sa ibang tao dahil pagkatapos ng gabing 'to alam niyang iyon din ang mangyayari.
"Nasanay ka na bang wala ako Sam?" mahina at malungkot na tanong nito.
Napatingin siya dito dahil sa lungkot na naririnig niya at kahit ang mga mata nito ay puno ng kalungkutan. "Matagal na akong sanay mag-isa, hanggang sa sinanay mo akong andyan ka lagi sa tabi ko..." malungkot na sabi niya. "...kaya mabilis lang uli akong masasanay na mag-isa"
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...