ALAM NI PIERRE na nasa beranda si Alex at pasimple silang pinagmamasdan ni Samantha, kaya nang yinakap siya ni Samantha na ikinagulat niya ay ginamit niya ang pagkakataon na iyon para iparinig kay Alex ang sasabihin niya.
I Love you Babes
Hindi na niya nakita ang reaksyon nito dahil hindi na niya naaninag si Alex dahil sa pagkakayakap nila sa isa't isa. Inaasahan niya ng magugulat si Samantha dahil sa sinabi niya kaya nagdahilan na lang siya kahit na iyon talaga ang nararamdaman niya. Alam niyang hindi pa ito handang pumasok sa isang relasyon at alam niyang hindi pa din nito nakakalimutan si Alex kaya maghihintay siyang hanggan maging handa na ito dahil ito talaga ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.
Habang nasa byahe ay iniisip niya kung paano niya mauunahan si Samantha sa pagiimbestiga sa nangyari kay Lily. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang litrato ng lalaki na umaaligid sa bahay nila Nanay Linda, hindi siya naniniwala na ito ang kumuha noon, pakiramdam niya ay kumikilos mag-isa si Samantha at natatakot siyang maunahan siya nito na ikapahamak nito.
Nawala siya sa pag-iisip nang biglang tumunog ang kanyang selpon. Napakunot noo siya nang makita niya kung sino ang tumatawag.
"Where are you?" tanong na halatang iritable ang boses.
"I'm coming, on the way na ako"
"Anong oras na, bakit mo ba ako pinaghihintay ng matagal"
"Tita, alam mong binabantayan ko si Samantha diba?"
"I know pero ganitong oras kasama mo pa siya?" halata ang galit sa boses nito.
"Yeah, kakahatid ko lang sa kanya. Let's talk pagdating ko diyan, I'm driving"
Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kanyang Tita Tonneth dahil ibinaba na nito ang tawag.
Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay may tinatago sa kanya si Samantha at iyon ang kailangan niyang malaman.
Pagdating niya sa kaniyang bahay ay naabutan niya ang kanyang Tita Tonneth na umiinom ng alak habang naninigarilyo.
"Talagang pinaghihintay mo ako ng matagal?" mataray na tanong nito.
Umupo siya sa katapat na couch nito. "Tita, sinabi ko na sa'yo diba? Kailangan kong bantayan si Samantha" walang ganang sagot niya.
"So, ano ang update sa pagbabantay mo sa babaeng yun?"
Napabuntong hininga siya. "She's still searching for her sister, hindi niya alam kung saan niya hahanapin yung kapatid niya kaya parang nawawalan na siya ng pag-asa"
"That's good, hayaan nating mawalan siya ng pag-asa para kapag sumuko na siya at doon tayo kikilos"
"What do you mean?" pinilit niyang hindi magpakita ng emosyon dito na kunwari ay wala siyang pakiilam.
"I need her, sisirain ko ang buhay niya dahil sa pagkamatay ng kapatid ko" nakita niya ang pag ngisi nito. "Dalawa na lang kaming magkapatid, nawala pa si Andy dahil sa kanya" may galit na sabi nito.
"Bakit hindi na lang natin siya kidnapin para mabilis, total lagi ko naman siyang kasama?" suhesyon niya.
"No hijo, no... gusto kong maging normal ang lahat. Gusto ko kusa siyang lumapit sa akin" nakangiting sabi nito.
Napabuntong hininga ito. "What do you mean Tita?" walang buhay na tanong niya pero gusto talaga niyang malaman ang plano nito.
"Not now hijo, not now" sabi lang nito
"Fine, basta tapusin na natin agad 'to gusto ko ng bumalik sa US" walang ganang sagot niya.
"Yes, yes hijo, malapit na tayong matapos" sabi lang nito.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...