"WHAT'S UP BRO, how are you?"
Nagulat siya nang bigla na lang umupo sa tapat niya ang kanyang kaibigan na si Spencer. Pagkatapos niyang kunin ang pagkaing hinatid niya kay Angela ay nagpaalam siyang lalabas muna, ang alam nito ay may ihahabol siyang trabaho pero ang totoo ay sa bar siya pupunta.
"I'm getting married Brad" nakangising sagot niya.
Nakita niya ang paglaki ng mata ng kanyang kaibigan tanda ng pagkagulat nito. "Don't tell me to Angela?"
Dahan dahan siyang tumango. "I have no choice Brad, hindi ko na alam kung tama ba ang mga desisyon ko sa buhay. Mula nang magkagulo gulo ang sitwasyon namin ni Samantha parang hindi na ako makapag-isip ng maayos" may katotohanang sabi niya.
"Woo! Wait Brad, Samantha means yung regular customer ko dito? And yung girlfriend ni Pierre?" nagtatakang tanong nito.
Doon lang niya naalala na wala pang alam si Spencer tungkol sa kanila ni Samantha kaya isa isa niya iyong kinuwento, kung paano napunta si Samantha sa kanyang ama, kung paano siya naging bodyguard nito, kung ano ang nangyari kay Samantha at Pierre, ang pag-kidnap kay Samantha, at ang pagiging kapatid nila ni Samantha. Hindi na niya ikinuwento pa kung paano niya nasaktan si Samantha at ang pagkakakulong ni Pierre.
"Oh Shit! Pang MMK na ata ang kwento ng love story niyo ni Samantha" pang-aasar nito pero halata pa din ang gulat sa mukha ng kanyang kaibigan.
"Hindi nakakatuwa Brad" sabi niya at tumungga uli ng alak.
"Pero sa totoo lang parang wala na talaga kayong pag-asa ni Sam dahil may DNA na e, kaya kailangan mo na talagang mag-move on" seryosong sabi ng kanyang kaibigan.
"I am trying, pero ang hirap..." malungkot niyang sabi.
"Hindi ko man maramdaman ang hirap pero I understand you kasi kilala kita and you're not into serious relationship pero sobrang tinamaan ka ngayon kay Samantha, yun nga lang hindi kayo pwede" sabi nito. "Pero kamusta kayo ni Angela?"
"Well, I am trying to be good to her pero wala na talaga akong nararamdaman sa kanya pero susubukan ko pa din, susubukan ko pa ding ibalik ang nararamdaman ko sa kanya dati"
Tinapik siya ng kanyang kaibigan sa balikat. "Basta kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako ha. Hindi din biro ang pinagdadaanan mo ngayon" nakangiting sabi nito.
Tumango tango lang siya bilang sagot.
ALAS TRES Y MEDIA na ng madaling araw nakauwi si Alex dahil napasarap pa ang kwentuhan nilang magkaibigan. Nang matapos ang mga kwento niya ay ang kaibigan naman niya ang nag kwento at pinapayuhan siya nito sa kung paano maging ama at paano tumagal ang pagsasama ng mag-asawa.
Pagpasok niya sa kanyang silid ay napansin niya na walang kumot si Angela kaya umupo muna siya sa higaan kung saan ito nakahiga at inayos ang kumot nito.
Ilang minuto niyang tinitigan si Angela, hanggang ngayon ay hindi pa din niya alam kung bakit nahihirapan siyang ibalik ang nararamdaman niya kay Angela, samantalang dati ay halos magmakaawa na siya dito para lang maging magrelasyon sila o dahil si Samantha pa din ang laman ng puso niya.
Dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ni Angela. "I'm sorry Angela for bringing you in this situation because of me" mahinang sabi niya. "Gustuhin ko mang ibalik ang dating nararamdaman ko sa'yo pero nahihirapan ako, dahil iba ang laman ng puso ko" napangisi siya, inalis na niya ang kanyang kamay sa pisngi nito. "Pero I'll try my best na maging isang buong pamilya tayo, hindi man ngayon pero sisikapin kong maibalik ang nararamdaman ko sa'yo"
Akmang tatayo na sana siya nang biglang humawak si Angela sa kanyang kamay. "Kakauwi mo lang?" malambing na tanong nito habang nagpupunas ng mata.
Akmang uupo ito kaya agad niyang inalalayan ito sa pag-upo.
"Sorry, nagising ba kita?"
Umiling iling naman ito. "Hindi naman, madalas na din talaga akong nagigising ng madaling araw ngayon kasi mas madalas na ata akong naiihi" nakangiting sabi nito. "Bakit ngayon ka lang? Uminom ka?" nag-aalalang tanong niya.
"Sorry, napadaan ako sa bar noong pauwi na ako galing sa office" pagsisinungaling niya dahil hindi naman talaga siya galing sa opisina niya.
"It's okay, pero may problema ka ba?" seryosong tanong nito.
Umiling iling siya at bahagyang ngumiti. "Wala naman, pero gusto ko lang mag-sorry sa'yo dahil sa sitwasyon natin, dahil sa kapabayaan ko, ito ang nangyari sa'yo ngayon"
"It's okay Alex, alam ko namang hindi mo din sinasadya iyon. Atleast andito ka sa tabi ko para tulungan ako" hindi niya alam kung bakit ang lungkot ng mga mata nito habang sinasabi iyon.
"Pero hindi ko alam kung kaya ko pang ibalik ang nararamdaman ko sa'yo, alam kong magiging unfair iyon para sa'yo"
"Sapat na sa akin ang nakikita ko ang effort mo to support me at ang anak natin" nakangiting sabi nito.
"Pero gagawin ko pa din ang best ko para maging masaya ang pagiging mag-asawa natin"
"Thank you Alex, hayaan mong tulungan kita"
"What did you mean?"
Nagulat na lang siya nang bigla siyang halikan ni Angela habang nakahawak ito sa kanyang kamay, hindi niya alam kung tutugon ba siya o hindi. Pero mas okay na din siguro kung dalawa silang gumagawa ng paraan para maibalik niya ang dati niyang nararamdaman para dito kaya unti unti na din siyang tumugon sa halik ni Angela at nang ipikit niya ang kanyang mga mata ay ganoon na lang ang gulat niya nang mukha ni Samantha ang nakita niya.
Agad siyang bumitaw sa paghahalikan nila ni Angela, nakita niya ang gulat sa mukha nito.
"I'm sorry Angela, but not now. Matulog ka na uli at maliligo na muna ako"
Napansin niya na tila magsasalita pa si Angela pero hindi niya na iyon pinansin at pumunta na sa banyo para maligo.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...