Chapter 80

1 0 0
                                    

 "ARE YOU OKAY Son?"

"Dad, hindi ko alam ang gagawin ko kay Angela. Feeling ko sobra ko na din siyang nasasaktan"

Pagkatapos nilang mag usap ni Angela ay sinundan niya ito sa kanilang silid pero wala ito doon, nasabi ni Manang Letty na nakita nitong lumabas ng mansyon si Angela. Kaya dumeretso na lang siya sa beranda para magpahangin at naabutan niya ang kanyang ama na nagpapahangin din.

"Kailangan mo talagang magdesisyon anak, kailangan mong magdesisyon kung sino ang dapat masaktan sa inyong tatlo"

Napabuntong hininga siya. "Dad..." nilingon niya ang kanyang ama na nakaupo na. "...bakit mo ako pinipilit na magpakasal kami ni Angela kahit na alam mong hindi kami magkapatid ni Samantha?"

"Come here son, umupo ka dito..." sabi nito sa kanya na agad naman niyang sinunod. "Noong pinilit kitang pakasalan si Angela ay iyon ang panahon na hindi ko pa alam ang tungkol kay Samantha, ang alam ko lang ay magkapatid kayo. Kailangan kong gumawa ng paraan para makalimot ka, dahil kitang kita ko ang sakit sa'yo. Nakita ko din ang sakit kay Samantha pero mas magaling ata siyang magtago..." natatawang sabi nito. "...tulad ng sinabi ko dati gusto kong maging masaya ka sa magiging pamilya mo. Alam kong hindi madaling makalimot pero dahil alam ko ang relasyon niyo ni Angela dati kaya pinilit ko ang kasal dahil alam kong darating din yung time na babalik ang pagtingin mo sa kanya. But when I found out tungkol sa DNA result nagkaroon ako ng pag asa para sa inyo ni Samantha kaya noong nagsabi ka na papakasalan mo si Angela ay nagulat ako at nagpanic ako sa desisyon mo"

"Pero bakit hindi mo agad sinabi sa akin Dad?"

Bumuntong hininga ito bago sumagot. "Gusto ko sanang malaman muna kung sino ang nasa likod nito, kung sino ang naguutos kay Andres, ayoko sana itong makahalata na alam na natin ang totoo"

"How about the wedding?"

"I am sorry Alex, noong nakita kita na seryosong nagaasikaso ng kasal niyo ni Angela, the way how you care for her, ang nasa isip ko ay naayos niyo na ang sa inyo ni Angela, ang akala ko ay totoong okay na kayo. At noong kinausap ako ni Samantha bago siya umalis sinabi niya na wag sabihin sayo hangga't hindi pa kayo nakakasal para hindi ka magulo. Nahihirapan din ako Alex, nahihirapan ako kung saan lulugar sa inyo ni Samantha"

"I am sorry Dad, I am sorry kung naiipit ka sa amin"

"It's okay son, it's okay, gusto ko lang maging masaya kayo sa mga desisyon niyo sa buhay. I believe na magiging maayos kayo kung kayo talaga ang sa isa't isa"

"Thank you Dad for the support, for the care and for the love"

"Anything para sa inyo ni Samantha, kayo ang buhay ko" nakangiting sabi nito.



ABALA SI SAMANTHA sa pagbabantay sa CCTV sa bahay ni Elma. Natatakot siya para dito pero wala siyang magawa dahil ayaw nitong sumama sa kanya kaya kailangan na lang niya itong bantayan.

Hindi pa din siya sigurado kung totoong mapagkakatiwalaan ito pero noong nakita niya kung paano ito tinutukan ng baril at kung paano ito sinampal ng lalaki ay takot naman ang nararamdaman niya para dito.

Hindi pa malinaw kung ano ang gagawin ni Elma para makatulong sa kanya pero malinaw sa kanya na gusto nitong ipaghiganti si Lily. Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa din siya kung isasama niya ito kay Lily dahil sa mga nangyayari.

"Ate Sam, nagugutom po ako" nagulat siya nang biglang lumapit sa kanya si Angelo. Nakita niya na tumingin ito sa laptop na hawak niya.

Napakunot noo ito. "Si Ate Elma po yan ha" sabi nito na ikinagulat niya.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon