SA GITNA NG pagtulog ni Samantha ay bigla na lang siyang nakarinig ng kaluskos, sa halip na tumayo ay pinakiramdaman muna niya ang kanyang naririnig bago lumabas ng silid niya. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng kanilang pinto, nang maramdaman niyang wala na yung kaluskos na naririnig niya ay dahan-dahan siyang sumilip mula sa kanyang silid, tiningnan muna niya ang kabuuan ng buong bahay kung merong tao o wala. Nang masigurado niya na walang tao ay tsaka siya tuluyang lumabas ng silid, agad siyang nagtungo sa silid ng kanyang ama para siguraduhin na maayos ito pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita niyang walang tao sa higaan nito.
Agad niyang binuksan ang bintana ng silid ng kanyang ama dahil meron siyang narinig na tila naglalakad at nakita niya ang kanyang ama na nagmamadali sa paglalakad, palinga linga pa ito sa paligid na parang naninigurado na walang nakatingin dito. Agad naman niyang sinara ang bintana nang akmang lilingon ito sa direksyon niya.
Gustuhin man niyang sundan ang kanyang ama ay alam niyang huli na dahil medyo malayo na ito.
"What are you doing Tatay?" tanong niya sa kanyang sarili.
——————
KINABUKASAN AY MAAGA siyang nagising dahil gusto niyang malaman kung nakauwi na ang kanyang ama, agad siyang sumilip sa silid nito.
"Sam, hinahanap mo ba ako?"
Bigla siyang nagulat nang magsalita ang kanyang ama na nasa likuran niya. Sa suot nito ay tila kanina pa ito nasa bahay dahil ibang damit ang suot nito kagabi nang makita niya ito habang paalis ng kanilang bahay.
"Sam?" kunot noong tawag nito.
"May narinig kasi akong kaluskos sa kwarto niyo Tay, akala ko kung ano na ang nangyayari sa inyo" pagsisinungaling niya.
Hindi niya pinahalata sa kanyang ama na alam niya ang pag-alis nito kagabi.
Agad namang pumunta ang kanyang ama sa silid nito para tingnan kung ano ang kaluskos na tinutukoy niya. "Wala naman tao dito anak, at wala din namang pusa sa bahay" nagtatakang sabi ng kanyang ama.
Ngumuso siya na kunwari ay nag-isip. "Hindi kaya daga?"
"Baka, dahil hindi pa tayo uli nakakapaglinis dito" tumatango tangong sabi ng kanyang ama. "Bigyan na lang natin ng oras ang paglilinis pero sa ngayon kumain ka na para matulungan mo na kami ni Pierre"
Palabas na sana ng bahay ang kanyang ama ng tawagan niya ito.
"Bakit Sam?" tanong nito paglingon sa kanya.
"Bakit parang puyat ka? Nakatulog ka ba ng maayos?" seryosong tanong niya dito.
May kung anong gulat siyang nakita sa mga mata nito pero agad ding nawala at ngumiti sa kanya. "Medyo nahirapan nga akong makatulog anak, parang nahihirapan akong huminga kagabi" alam niyang nagsisinungaling ito at nasasaktan siya sa pagsisinungaling nito.
Napakunot noo siya, sumabay siya sa pagsisinungaling ng kanyang ama. "Bakit hindi mo sinabi sa akin Tay? E di sana nagpa-check up tayo"
Bahagya itong ngumiti. "Huwag kang mag-aalala Sam, okay lang ako, kailangan ko lang muna sigurong magpahinga kaya hindi na muna ako aalis"
Nakita niya ang pagiging totoo sa sinabi nito, totoo din kayang masama ang pakiramdam nito kagabi? Naguguluhan tuloy siya kung meron ba talaga itong tinatago.
Napabuntong hininga na lang siya. "Just make sure Tatay na hindi mo inaabuso ang sarili mo sa mga ginagawa mo ha, gusto pa kitang makasama ng matagal" sabi niya dahil iyon naman ang totoo, ang makasama ng matagal ang kanyang ama.
Nakita niya ang malaking ngiti sa mukha nito. "Huwag kang mag-alala anak, matagal pa tayong magkakasama" sabi nito at tuluyan nang lumabas ng bahay.
——————
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...