NAGISING SI ALEX nang maramdaman niyang nanginginig na naman si Samantha dahil sa lamig. Agad niya itong nilapitan at muling pinunasan ang ulo, kamay at binti.
"Baby girl, I am sorry hindi ko man lang nalaman na masama na pala ang pakiramdam mo" mahinang sambit niya nang muli itong nakatulog.
Hinawakan niya ang pisngi ng kanyang kasintahan. "I really miss you so much Baby Girl. Bakit ang lungkot lungkot mo? Bakit ang lungkot ng mga mata mo?"
Nang mapansin niya na alas-kwatro na ng madaling araw ay nagpasya siyang bumaba para makapagluto ng kakainin ni Samanatha.
Naabutan niya si Angela na nagluluto.
"What are you doing Angela?" tanong niya na ikinagulat nito.
"I want to eat french fries kaya nagluluto na lang ako kasi ayaw mo akong bilhan" pagsusungit nito.
Nitong mga nakaraang araw ay nararamdaman na niya ang pagod kay Angela dahil ang dami na nitong hinihingi sa kanya. Kahit na alanganing oras ay tumatawag ito sa kanya para lang magpabili ng kung anu-ano.
"Sorry, kailangan ako ni Samantha ngayon" walang ganang sabi nito.
"Pero paano naman si Baby?"
"Angela, pwede ka namang magpabili kahit kanino e, sinabihan ko na si Rebecca na kapag may kailangan ka sa kanya ka magpabili" sabi niya habang inaayos ang gagamitin niya sa pagluluto ng noodles.
"Hindi naman siya ang ama nito, ikaw ang ama ng batang ito kaya ikaw ang hinahanap nito"
Nabuntong hininga siya. "Si Samantha ang priority ko" sabi niya at pumunta sa kusina para mailuto na ang noodles.
Hindi niya napansin na sinundan pala siya ni Angela. "Narinig mo yun Baby, hindi ikaw ang priority ni Daddy"
"Angela, alam mo naman na hindi yan ang ibig kong sabihin"
"Ganoon din yun, hindi naman ako nagpapalambing sa'yo para sa akin, nagpapalambing ako para sa anak natin" sabi niya at biglang umalis.
Napabuntong hininga na lang siya.
——————
PAGBALIK NIYA SA silid ni Samantha ay saktong kagigising lang din nito.
"Baby girl, buti gising ka na" malumanay na sabi niya at lumapit sa higaan.
Nilapag niya ang lagayan ng pagkain sa maliit na lamesa na nasa gilid ng higaan nito at inalalayan itong umupo.
"How are you?"
"Much better" pansin pa din niya ang panghihina nito.
Kinuha niya ang niluto niyang noodles na nilagyan ng itlog. "You should eat first"
Agad naman itong kumain na parang gutom na din ito.
"Bakit nandito ka pa?" tanong nito pagkatapos kumain.
"What did you mean?" pagtatakang tanong niya.
"Anong oras na, today is your last presentation remember?"
"It's okay Sam, I can reschedule it"
"No Alex, alam kong matagal mo ng hinihintay na matapos ang buwan na 'to, kaya wag mo nang sayangin ang isang araw na presentation mo kesa ulitin mo ang buong presentation at maghintay na naman ng isang buwan"
"I can't leave you Baby girl na ganyan ka" nag-aalalang sabi niya.
"Medyo okay na ako, nandito lang din naman ako sa bahay"
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...