DAHIL SA SAMA ng pakiramdam ni Samantha ay dahan dahan lang siyang nagmaneho dahil pakiramdam niya ay hilong hilo na siya. Hindi niya din naisip na makakauwi pa siya, sinubukan niyang tawagan si Pierre para magpasundo pero hindi ito sumasagot kaya naglakas loob na lang siyang magmanehong mag-isa.
Alas dyes na ng gabi siya nakauwi, nanatili pa siya ng ilang minuto sa kanyang sasakyan bago tuluyang pumasok sa mansyon. Narinig niya pang may tao sa kanilang hapag kainan pero sa halip na pumunta doon at batiin kung sino man ang nasa kainan ay nagpasya siyang umakyat na lang sa silid niya, ayaw niya ding magpang abot sila ni Angela.
Pagdating niya sa kanyang silid ay hindi na siya nakapagpalit man lang ng damit dahil nahiga na siya at nakatulog na.
NAGISING SI SIYA dahil sa lamig na nararamdaman niya, kukunin niya na sana ang kumot niya nang mapansin niya na hindi pa siya nagpapalit ng damit kaya kahit na mabigat ang pakiramdam niya ay pinilit niya pa ding bumangon para makapagpalit ng damit.
Naisipin niyang bumaba muna para kumain dahil nakaramdam na din siya ng gutom, nakita niyang alas tres na nang madaling araw at naalala niyang hindi pa siya naghahapunan. Dahil kailangan niya ding makainom ng gamot kaya nagpasya siyang bumaba para kumain.
Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan niya kahit na naka-jacket at makapal na pajama ang suot niya. Ramdam niya din ang init na lumalabas sa kanyang mata. Dahan dahan ang pagbaba niya dahil pakiramdam niya ay anumang oras ay mawawalan siya ng malay dahil sa sama ng pakiramdam niya.
Ayaw niya ng mang abala ng iba kaya kahit nahihirapan siya ay pinilit pa din niyang bumaba para makakain. Buti na lang ay nasa lamesa pa ang pagkain, hindi niya na kailangan pang pumunta sa kusina para hanapin iyon, ganoon din ang plato na nakahanda na din sa lamesa. Alam niyang iniwan iyon ni Manang Letty dahil alam nitong hindi pa siya kumakain. Mula nang makabalik siya sa mansyon ay sobra sobra ang pag-aalaga sa kanya ni Manang Letty, ang sabi nito ay gusto nitong makabawi sa kanya pero hindi niya alam kung para saan ito bumabawi.
Nakailang subo lang siya ng pagkain dahil pakiramdam niya ay ayaw tanggapin ng tiyan niya ang pagkain kahit na ramdam niyang gutom siya. Sa halip na pilitin ang sariling kumain ay iniligpit na lang niya ang plato niya para makabalik na siya sa kanyang silid dahil naiwan niya pala ang gamot niya.
Pagtayo niya mula sa kanyang kinauupuan ay nakaramdam siya ng hilo.
Shit! Kailangan ko ng makainom ng gamot.
Hindi niya alam kung kakayanin niya pang makaakyat dahil sa hilong nararamdaman niya pero hindi siya pwedeng mawalan ng malay dito kaya pinilit niya ang sarili niyang kumilos. Kinuha niya ang plato niya at dahan dahang pumunta sa kusina para ilagay ang plato doon, ayaw niyang iwanan ang plato niya sa lamesa.
Nang mailapag niya iyon sa lababo ay huminga muna siya ng malalim para hindi siya mahilo pag-ikot niya, pero nagkamali siya dahil saktong pag-ikot niya ay nawalan na siya ng malay.
NAGISING SI SAMANTHA dahil sa naramdaman niyang may nagpupunas sa kanya. Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Nakita niya si Manang Letty na nakangiti sa kanya.
"Manang Letty" mahinang tawag niya.
"Sam, magpahinga ka pa, medyo mainit ka pa" malumanay na sabi nito.
"Anong nangyari?"
Ang natatandaan niya lang ay nawalan siya ng malay sa kusina.
"Nawalan ka ng malay Sam, buti na lang saktong lumabas ako para magbanyo kaya nasalo kita bago ka pa bumagsak"
"Sorry Manang Letty, naabala pa kita" nahihiyang sabi niya.
"Hindi naman Sam, wag mong isipin iyon, magpahinga ka na muna"
"Anong oras na po ba?"
"Alas dyes ng umaga, maaga pa Sam kaya matulog ka pa, pero uminom ka muna ng gamot, sobrang taas ng lagnat mo kanina"
Tumango tango na lang siya at muling ipinikit ang mata dahil ramdam niyang hindi niya pa kayang bumangon.
MULING NAGISING SI Samantha dahil sa init na nararamdaman niya.
"Ang init..." mahinang sabi niya.
"Sam?" tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.
"Open the aircon please..." mahina pa din niyang sabi.
"Kanina pa nakabukas ang aircon Sam" sagot nito.
"Naiinitan ako"
"Gusto mong tanggalin ko ang jacket mo?" tanong ng lalaki na halata ang pag-aalala.
"No, just open the aircon..."
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang nakaramdam ng antok.
"SAM, WAKE UP"
"Hmmm..." ungol na sagot niya.
"You need to eat, hindi ka pa kumakain at iinom ka uli ng gamot"
"I want to sleep"
"You can sleep after you eat, hindi ka pa kumakain ngayong araw"
"Hmmm..."
Naramdaman niya ang pagyugyog sa kanya. "Sam, please wake up, wala pang laman ang tiyan mo"
Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. "Pierre?"
"Yes Sam, it's me" nakangiting sabi nito.
"Anong oras na?"
Nakita niyang tumingin ito sa relo. "It's 8pm na Sam"
"What?" nagulat man siya pero hindi halata dahil sa paos niyang boses. "Isang araw na akong nakahiga?" mahinang sabi niya.
"Yes Sam, because you are sick"
"I feel better now"
"Yes, mas mababa na ang temperature mo pero may sakit ka pa din" sabi nito. "Kaya mong umupo?" tanong nito.
"I think so?" patanong na sagot niya dahil hindi din niya alam kung kaya niya na o makakaramdam pa din siya ng hilo.
"Then, I'll help you"
Agad itong lumapit sa kanya para tulungan siyang makaupo. Mas maginhawa na ang pakiramdam niya ngayon pero ramdam pa din niya ang panghihina niya.
"Kanina ka pa nandito?" tanong niya nang makaupo na siya ng maayos.
"Yep, since lunch time" sagot nito habang inaayos ang pagkain. "Kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo pero hindi ka sumasagot, sa pag-aalala ko ay napasugod ako dito at nalaman ko na may sakit ka pala"
"Hindi ko ineexpect na lala ang sakit ko dahil inagapan ko naman agad iyon, uminom agad ako ng gamot"
"Baka dahil pagod ka lang kaya bumaba na ang resistensya mo"
Napabuntong hininga siya. "I don't know"
Inalalayan siya ni Pierre na kumain, tinawag din nito si Manang Letty para masamahan siyang magpalit ng damit. Tumanggi pa siya pero nagpumilit pa din si Manang Letty na tulungan siya. Nang makapagpalit na siya ng damit ay nilinisan naman ni Pierre ang sugat niya sa kanyang noo.
Matapos siyang linisan nito ay pinahiga uli siya para makapagpahinga hanggang sa makaramdam na naman siya ng antok.
MULING NAGISING SI Samantha dahil nakaramdam siya ng uhaw pero nang mapansin niyang madilim na sa kanyang silid at naramdaman niyang hawak ni Pierre ang kanyang kamay habang payukong natutulog sa gilid ng kanyang kama ay hindi na lang siya tumayo para hindi niya ito magising.
May kung anong sumilay na ngiti sa kanya nang maramdaman niyang hindi siya iniwan ni Pierre. Mabilis siyang nakatulog agad dahil ramdam pa din niya ang antok.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanficNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...