"I'M SORRY ANGELA for doubting you"
"It's okay Alex, after what I've done, I understand it"
"Thank you for helping her"
Umiling iling ito. "Nah, I'm not helping her, she's helping me actually. Now I know kung bakit mo siya mahal, kung bakit hindi mo siya makalimutan man lang"
"Yeah! I really love her..." bahagya siyang ngumiti dito. "...I really love her to the point na kaya kong gumawa ng kasalanan na kasama niya"
"I know, narinig ko kayo nung nasa kusina kayo. I heard when you asked her na umalis na lang kayo at magpakalayo layo"
"And I didn't expect na magagawa ko yun" natatawang sabi niya.
Narinig niya ang marahang pagtawa nito. "You just love her..."
Binalingan niya ito ng tingin na nasa kanan niya, kasalukuyan silang nasa berandan ng mansyon. Hinihintay na lang nito si Agnes at John dahil aalis na ito para makabalik sa warehouse kaya sinundan niya muna ito para makausap.
Tumingin din ito sa kanya. "You know what, sabi ko dati ang swerte ni Samantha dahil mahal mo siya pero nang makilala kung siya dun ko nalaman na mali pala ako..."
Napakunot noo siya. "What did you mean?"
"Hindi siya swerte sa'yo dahil ikaw ang swerte sa kanya" seryosong sabi nito.
Umiwas uli siya ng tingin dito at tumingin muli sa langit. "Yeah, I am lucky to have her, kaya kailangan kong bumawi sa kanya"
"Sa akin ba hindi ka babawi?"
Muli siyang napatingin dito. "What?"
"Just kidding..." nakangiting sabi nito. "...nagsisisi pa din ako kung bakit ngayon ko lang nakita ang totoong ikaw, kung bakit ngayon ko lang pinansin ang pagmamahal mo sa akin. Kung alam ko lang siguro matagal na akong nagpakasal sa'yo" seryosong sabi nito.
Muli siyang umiwas ng tingin dito. "I think we're just not meant for each other?" patanong na sabi niya dito.
"I know, wag mo ng iparamdam sa akin"
"Wala akong ibig sabihin" natatawang sabi niya.
"But seriously Alex..." binalingan niya uli ito ng tingin na nakaharap na pala sa kanya. "...if ever ba na nabuhay ang anak natin, magiging masaya ka ba?"
"Yes Angela, yes. You saw how excited I am everytime na sinasamahan kitang magpacheck up, malamig lang ako sa'yo nun dahil sa nangyari sa amin ni Samantha pero masaya ako sa blessing na iyon"
Bumuntong hininga ito at muling humarap sa beranda. "Siguro magiging mabuti kang father in the future"
Napangiti siya sa kanyang narinig. "Thank you Angela"
"I am happy for you and Samantha. Please take good care of her, she's one of a kind" nakangiting sabi nito.
"I know Angela, I know. Thank you. I hope na maging masaya ka din sa future mo"
Hindi na ito sumagot pero nginitian siya nito.
"WHERE IS TONNETH?"
"Nasa loob po siya Ma'am, kanina pa niya kayo hinihintay"
"Thank you"
Nang makarating si Angela sa isang maliit na bahay na malapit sa warehouse ay naghiwalay na sila ni Agnes at John para walang makahalata na may kasama siya. Hindi pa niya alam kung totoong naniniwala sa kanya si Tonneth pero nakahanda siya sa anumang gagawin nito dahil ang importante ngayon sa kanya ay ang kaligtasan ni Samantha.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Pagpapanggap)
FanfictionNgayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabay...