Chapter 1

3.8K 73 1
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nang-gagaling sa labas. Agad naman akong bumangon at akmang bubuksan ang pinto nang bumalik sa isip ko na may mga panauhin pala kami ngayon.


Napabuntong-hininga hininga ako at bumalik sa aking higaan. Napatulala nalang ako sa kisame habang iniisip ang napag-usapan namin kagabi nila Ama. Hindi ako magpakilala, papasok ako sa Akademya na isang ordinaryong mamamayan dito sa Namorn.


Hindi ko 'yon gusto. Ngunit wala akong magagawa. Mabilis akong bumangon para maligo. Nahagip naman ng mata ko ang unipormeng susuotin ko mamaya,  red skirt, white long sleeves, and black coat.


Sumilay ang ngiti sa labi ko, dapat na pala akong magpasalamat natupad na ang isa sa hiling ko, ang makapasok sa paaralan nila Ethan. Agad naman akong naghanda, naligo lang ako, nag-ayos ng kunti, nilugay ang mahaba kong buhok, ay sinuot ang uniporme ng Akademya.


Nakarinig naman ako ng tunog ng kalesa sa labas kaya agad akong sumilip, nakita ko namang isa-isang sumakay ang mga panauhin. Maaring babalik na sila sa lupain nila. Nagkibit-balikat lang ako at tinuloy ang aking ginagawa.


Bigla namang bumukas ang aking pinto, ngunit nakatutok lang ako sa salamin habang sinusuklayan muli ang aking buhok, "Bagay po sa inyo, ang ganda niyo Prinsesa." rinig kong saad ng katulong.


Bahagya akong lumingon sa kanya, "Salamat, umalis na ba lahat ng panauhin?" seryosong tanong ko.


Tumango naman ito, "Opo. Pinapunta po ako ng Hari dito, naghihintay sila sa inyo sa ibaba." saad niya at yumuko ng kaunti.


Tumango naman ako at lumabas sa aking silid, agad akong tumungo sa hagdan at bumaba, nakita ko naman na nasa sala silang lahat at gaya ko nakabihis na sina Ethan at Pinky. Nakita kong ngumiti si Ethan sa akin kaya agad ko itong sinuklian, habang hindi man lang lumingon si Pinky at seryosong nakatingin sina Ama at Ina sa akin.


"Tandaan mo ang sinabi ng 'yong Ama, Constance." bungad na saad ni Ina sa akin pagkarating.


Wala akong nagawa kung hindi tumango, "Opo. Hindi po nila malalaman na isa akong Prinsesa." seryosong sagot ko din.


"Una na po ako!" biglang saad ni Pinky at agad umalis. Mapait nalang akong napangiti sa inasta nito.


"Alam mo naman kung bakit natin ito ginagawa, Constance. Sige na, mag-iingat kayo," saad ni Ama at lumingon kay Ethan, "Ethan wag kang magpapahalata doon, baka sunod ka ng sunod sa ate mo!"


Dahil isa lang ang kapangyarihan ko.


Napangiti nalang ako ng napakamot sa batok si Ethan at tumango. Yumukod lang kami ng kaunti kina Ama at Ina bago nagpaalam. Nagsimula na kaming maglakad papalabas sa palasyo at agad kong nakita ang kalesang sasakyan namin.


Kung may isang importante sa buhay ko si Ethan 'yon. Siya lang ang natatanging tumanggap sa akin ng buo. Hindi niya inisip kung bakit isa lang ang kapangyarihan ko, hindi niya ako tinatanong o sina Ama. Isang taon lang ang pagitan naming tatlo, si Ethan at Pinky na ka-edad lang dahil mag-kambal at ako na isang taon ang tanda sa kanila.


"Sakay na dito sa likod ate!" rinig kong saad ni Ethan,  napatingin naman ako sa kanya at napangiti. Nasa may daan pa pala ako habang siya nasa likod na ng kalesa.


Agad din naman akong sumunod at tumabi sa kanya. "Maganda ba sa Akademya?" tanong ko nang magsimulang kumilos ang kalesa.


Paulit-ulit na tumango si Ethan, "Oo. Wag kang mag-aalala ate, ako mismo pipili sa'yo." sagot niya.


Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon