Napakusot ako ng mata nang maramdamang may mahinang yumuyogyog sa akin. Napatingin naman ako sa gilid at makitang si Zair ito.
"Malapit na tayo Akademya, Constance!" bulong nito.
Napakamot naman ako sa noo ko at tumingin sa labas. Agad namang lumawak ang ngiti ko nang makita ang nagkikislapang mga puno at halaman at ang maliwanag na paligid.
Indeed we're home.
"You love lights, don't you?"
Nabaling ang tingin ko kay Zair ng magsalita ito, napangiti naman ako sa sinabi niya, "Halata ba masyado?" I chuckled.
"Oo! 100 percent!" saad naman nito at gaya ko binaling ang atensiyon sa labas.
Hindi na ako sumagot at ngumiti lang. Bigla namang huminto ang kalesang sinasakyan namin, nilibot ko naman ang aking tingin at nakitang nasa tapat na kami ng tarangkahan. Agad namang bumaba sina Ethan, at huli kami ni Zair mubaba.
Nakita ko ring bumaba si Mariana at lumapit sa amin, ramdam ko ang saya at lungkot sa kanya. Hindi man siya sabihin alam kong iniisip niya parin si Cynthia, ngunit gusto rin niyang maka-uwi sa tahanan niya.
"Bakit nandito ako?" tanong niya at napalinga sa paligid.
Napakunot naman ang noo ko, dahil bakit nga ba?
"Dadalhin ka muna namin kay Headmaster." napatingin naman ako kay Xiana ng sumagot ito.
Napatango naman si Mariana at hindi na nagsalita pa. Tumango naman ito kay Ethan at sabay silang naglakad kasama si Mariana papasok. Sumunod naman sina Zair at Ricky na pawang humihikab.
Napatingin naman ako sa itaas at nakitang malapit na palang lumiwanag, napabuntong-hininga nalang ako at sumunod sa kanila papasok sa Akademya. Napakurap naman ako ng makitang nasa gilid ko pala si Shana at sumabay sa akin sa paglalakad.
"W-why?" utal kong tanong sa kanya.
"Can you give me a minute?"
Napakunot naman ang noo ko sa seryosong tono ng boses nito. Kahit nag-aalinlangan ay tumango ako sa kanya. Napatingin naman ako sa harap at nakitang dumeritso sa La Headmaster sina Ethan at Xiana kasama si Mariana habang sa realm namin si Ricky at Zair. Wala pa din masyadong estudyante ang nandito bagkus kakagising palang ng araw.
Akala ko ay sa realm kami patungo ngunit dinala ako si Shana sa isang lumang upuan, malayo sa realm namin ngunit sa harap sa realm nila Pinky. Napalinga naman ako sa paligid nagbabakasaling makita ko si Loren ngunit wala.
"Do you know anything about this world?"
Nabigla naman ako kay Shana ng magtanong ito. "Ang alin?" tanong ko naman.
"Saan ka ba galing?"
Napaiwas ako ng tingin at tila hindi makasagot sa tanong niya. Anong lupain ang sasabihin ko? Ngayon ko lang napagtanto mali ang isinagot ko nong isang araw, hindi ko dapat sinabi na galing ako sa ibang lupain at bago lang dito sa Namorn, dahil hindi naman sila tumatanggap ng mages at hindi sila basta-basta nagpapasok ng ibang mages.
"Alam mo na ba ang pagkakamali mo?"
Napaseryoso ako sa sinabi niya. Shana's not dumb. Alam kong binabasa niya ang kilos, pananalita, at pakikitungo ko sa iba.
"My parents are from here." seryosong sagot ko. Hindi na ako nag-abalang dagdag-gan pa ang sinabi ko. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin. Na kaya ako napasok sa lupaing ito dahil sa magulang ko.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasiaBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...