Agad akong ngumiti bago muling buksan ang pinto ng aming realm. Konti nalang din ang nag-sasaya habang ang iba ay pawang pagod at nakaupo lang sa mga upuang nandito.
Agad naman akong tumungo sa upuan nina Zair, nang makita niya ako, tinapik pa niya ang bakanteng upuan sa gilid niya ngunit tanging iling ang isinagot ko.
"Nakita niyo ba si Ethan?" tanong ko.
Napakunot naman ang noo ko nila ngunit tinuro parin ni Ricky ang silid sa gilid, ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kanya. Agad akong tumungo dito at kumatok, binuksan ko rin ito at napahingang si Ethan lang ang nandito at wala si Xiana.
Nang makita niya ako agad niyang iniwan ang kanyang ginagawa at tumingin sa akin, "May kailangan ka ate?" tanong niya.
"Bakit nandito ka lang? You should have fun outside." saad ko sa kanya at umupo sa upuang nandito.
Ngumiti lang ito at umiling, "Not my thing." saad niya. Biglang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Miya kanina.
Napangiti ako, I should visit Pinky's realm once they're back.
Ngunit bumalik sa isip ko ang tinungo ko dito, "Gusto kong umuwi." saad ko sa kanya.
"Bakit?" sagot niya at napakunot ang noo.
"I want to change my clothes and to sleep."
Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa at biglang kumunot ang noo nito, "Who gave you that shirt?" he asked.
Ngunit ngumiti lang ako, "Pinky's used to wear this all the time, I just tried it." pagsisinungaling ko.
Ngunit ang totoo, I feel uncomfortable wearing this. Hindi ito ang nararapat kung suotin. Masyadong maikli para sa akin at ayaw kong pinapansin ako dahil lang sa suot ko.
Lumukot naman ang mukha ni Ethan, "I can't. Mamaya pang hapon darating ang susundo sa atin." sagot nito.
Napabuntong-hininga ako, "Pwede bang gawan mo ng paraan?" saad ko.
He plastered a smile. "Okay, okay."
Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon at pumunta sa may bintana, tanaw ko naman ang ibang estudyanteng papalabas na sa tarangkahan habang ang iba ay papasok sa realm ni Headmaster.
Binalik ko ang tingin kay Ethan, "Where's Xiana?" tanong ko.
"She got another mission."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, kakarating lang namin ngunit may bago na naman itong mission.
"Galing kay Headmaster?" muli kong tanong.
"No, from the people." sagot niya.
"Ayaw ko na palang umuwi,"
Nabigla naman ito sa sinabi ko. Ngunit pinaskil ko lang ngiti ko sa kanya, "May kalesa bang dumadaan sa labas ng tarangkahan?" muli kong saad sa kanya.
Kahit naguguluhan ay tumango ito, mas lalong lumawak ang ngiti ko, "May bayad ba sila?" muling tanong ko.
"No, they're free." sagot naman ni Ethan sa akin.
Napatango ako sa kanya at tinuro ang realm ni Headmaster, "Punta lang ako doon."
Hindi ko na hinintay ang sagot nito at dali-daling binuksan ang silid niya, agad naman akong tumungo sa inupuan nina Zair at kinuha ang damit kong may bahid ng natuyong dugo at lumabas. Hindi na din ako nag-aksayang tingnan ang pa sina Zair at deritsong lakad papunta sa realm ni Headmaster.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasíaBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...