Dahan-dahang binuksan ni Ethan ang pintuan, bumungad naman sa amin ang madilim na paligid. Nabigla naman ako ng biglang may lumabas na liwanag sa kamay ni Xiana.
She has a light magic.
Unti-unti kaming pumasok, nasa likod lang ako habang nasa unahan silang lahat. Napalinga-linga kami sa paligid pilit pinapakiramdaman ang loob.
Ngunit lahat kami ay nagimbal ng makarinig ng sigaw, napakaraming sigaw, at hindi ito nanggagaling sa dito. Dali-dali kaming lumabas, at halos nanglaki ang mata kong makita na may usok ang malayang lumilipad sa itaas.
Rinig kong napamura si Ricky, "Sa sentro nila nanggagaling 'yan!"
"Anong gagawin natin?" tanong naman ni Zair.
Rinig ko ang buntong-hininga ni Ethan at sinirado muli ang pinto, "Let's go!" saad niya at tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin kanina.
Napangiti ako, mabuti nalang at alam na nila ang daan, dahil makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami agad. Ngunit nadatnan nalang namin ang ibang paninda na nasusunog, habang sumisigaw na lumalabas ang mga naninirahan dito. Ang iba naman ay halos hindi mapakali at pilit pinapatay ang apoy na tumutumpok sa mga bahay nila. Akmang lalapit na kami sa kanila ng nabaling ang tingin namin sa gilid ng maramdaman naming may paparating.
My mouth tremble when I saw them. Hindi lang pala ako dahil biglang lumapit si Zair sa akin.
"W-what was that?"
They slowly walked towards us, I immediately cover my nose when they smell some sewer slugged and a decaying food in the trash. But what terrified me was their eyes were almost fall out from their face.
W-what was that?
Napasigaw ako, no... napasigaw kami ni Zair. Some are crawling towards us, and some are running. Napalinga ako sa paligid at balak na sanang tumakbo ng hindi ko alam kung saan ako patungo.
Biglang nagpalabas ng apoy si Ricky papunta sa kanila napahinga naman ako ng maluwag ng unti-unti silang nasusunog ngunit agad napalaki ang mata ng bumalik sila sa dating itsura habang ang apoy na galing kay Ricky ay nandoon parin sa katawan nila.
Kung saan-saan sila pumupunta, may isang pumunta sa isang bahay at nadapa hanggang bigla nalang kumalat ang apoy na nanggagaling sa katawan nila.
Rinig ko ang pagmura nila.
"Don't use your magic!" sigaw ni Xiana kay Ricky.
Nagpalabas naman ito ng napakaraming palaso, namangha naman akong makita ito at pinakawalan niya ito papunta sa kanila. May natamaan sa bandang puso, sa katawan, sa likod, sa kamay at paa. Napahinga ako ng maluwag ng may natutumba ngunit agad bumalik ang kaba ko ng muli silang tumatayo habang nanatili ang mga palaso sa katawan nila.
"Run!" malakas na sabi ni Ethan.
Napalaki naman ang mata namin ng makitang lahat sila ay tumatakbo na papunta sa amin. Mahina akong napamura sa isip ko. Agad kong hinawakan si Zair at sabay kaming tumakbo. Napalingon ako sa likod at nakitang halos silang lahat ay tumatakbo papunta sa amin at ang iba naman ay gumagapang.
"Bakit tayo ang hinahabol nila?" sigaw ni Zair.
Umiling ako, "Hindi ko alam!"
"To the left!" malakas na saad ni Ethan at lumiko kami papuntang kaliwa.
Napalaki naman ang mata ko ng makitang papunta kami sa mga abandonadong mga bahay, "Bakit dito?! Madadamay sila!"
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...