Chapter 35

2K 48 0
                                    

Unti-unti kaming naglakad sa paligid habang patuloy na nililibot ang aming tingin. Hula ko ay nasa sentro kaming bahagi ng lupain at mula dito ay may nakita akong mga bahay na nakalinya sa may likudang bahagi ng isang gusali na ibat-iba ang dinsensyo at laki. Hindi rin masyadong malaki ang lupain, kung maihahantulad ko sa Namorn, ang lawak nito ay parang sa sentro lang ng Namorn. Ang kakaiba lang ay ang mga gusali at bahay na nandito na masyadong maganda at marangya kong tingnan.

"I didn't know this land existed." hindi parin makapaniwalang saad ni Xiana.

"Yeah." mahinang sang-ayon ni Pinky at nakatingin parin sa paligid.

Nangunguna naman si Loren at Ethan sa amin habang nasa likod kaming tatlo. Naghahanap lang kami ng makakainan at agad gagawin ang misyong kailangan namin gawin na hanggang ngayon hindi ko parin alam.

Patago akong napabuntong-hininga, bigla namang huminto ang dalawang lalaki. "How about that one?" tanong ni Ethan at tinuro ang isang kainan. Sa labas palang kitang-kita na ang mga kumakain sa loob, may mga upuan din sa labas at ilang mga maliit na halaman sa paligid.

"That's okay!" sabay na saad ni Xiana at Pinky. Tumingin naman sila sa isat-isa at sabay na nirolyo ang kanilang mata.

Muli kaming naglakad patungo sa tinuro ni Ethan, agad kaming naghanap ng mauupuan sa labas habang pumasok si Ethan sa loob at sumama si Pinky. Makalipas ang ilang minuto ay agad silang bumalik at umupo sa natitirang upuan.

"How do they make this land prosperous?" biglang tanong ni Pinky.

Napakibit-balikat naman si Ethan at umiling si Xiana. Hindi ko alam ang sagot at hindi na ako nag-abala pang sumagot. Tumikhim naman si Loren at lahat sila ay tumingin sa kanya.

"I don't know the exact details. But someone made this land like this." sagot ni Loren.

"'Yon lang?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito, "Walang balak ang taga-dito na sabihin kung sino 'yon. Kahit magtanong pa kayo." sagot naman niya.

Napunta ang tingin namin ng biglang may naglapag ng mga pagkain sa harap namin. A typical breakfast was serve. Parang nawala ang pansin namin sa lugar at nakatutok na sa pagkaing nasa harap namin ngayon.

We eat in silent. Ngunit hindi ko talaga mapigilang maisip ang ipinunta namin dito, ayaw ko namang magtanong agad at baka hindi ito pwedeng marinig ng taga-dito sa Nama.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na akong kumain, nakatanaw lang ako sa mga naglalakad na mages sa harap. Ngunit wala akong napapansin sa kanila, walang kakaiba.

Ano nga ba ang ipinunta namin dito sa Nama?

Nang makitang tapos na kaming lahat kumain ay sabay kaming tumayo at muling humalo sa mga mages na nandito. "Let's stroll for awhile." saad ni Loren sa amin na sinang-ayunan nila.

Tahimik naman akong nakasunod sa kanila habang nakakunot ang noo. Hindi ko parin kasi alam ang ipinunta namin dito. Napatingin naman ako sa gilid ko nang sumabay sa paglalakad sa akin si Loren. Agad akong tumingin sa harap at nakitang nangunguna na sina Ethan at Pinky habang hinihila ni Pinky si Ethan sa isang tindahan may paninda ng mga alahas.

Patago akong ngumiti, she still act like a child.

"Ano bang gagawin natin dito?" hindi ko mapigilang maitanong sa kanya.

Nilibot naman niya ang tingin sa paligid, "We're here to do our mission." sagot niya.

Masama naman akong tumingin sa kanya na ikinatawa niya, nakita ko pang nanlaki ang mata ni Xiana ng marinig ito.

"Alam ko. Anong misyon?" tanong ko.

"You will know later." bulong niya.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Ang sabi ni Headmaster hindi dapat malaman ng mga nakatira dito na may nangyayaring hindi maganda sa lupain nila. They will panic and lost their serenity." bulong naman ni Xiana sa akin.

Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon