Nasa daan na kami pabalik sa Namorn. Binigyan kami ng kalesang masasakyan kanina ni Rana ngunit hanggang lagusan lang ito papunta sa bahay ni Lolo Cruz. Kailangan pa rin naming maglakad sa loob ng gubat dahil bawal ang kalesa sa loob.
"Bakit ba bawal ang kalesa dito?!" rinig kong reklamo ni Pinky sa likod.
Hindi na namin ito pinansin pa at tinuon lang ang tingin sa daan. Tanghali pa naman, ngunit masyadong malamig sa lupaing ito kaya hindi mo ramdam ang init. Tahimik na din ang iba sa aming paglalakbay at tanging si Pinky lang ang reklamo ng reklamo sa gilid.
Makalipas ang ilang oras ay natatanaw ko na ang bahay ni Lolo Cruz. Mayroon parin namang labas-pasok sa bahay niya at ramdam mo ang maraming mages na nasa loob.
"Papasok pa ba tayo?" tanong ko kay Loren na nasa gilid ko.
"No, we're not. Agad na tayong maghahanap ng kalesang masasakyan." sagot niya sa akin.
Tumango naman ako at muling tumingin sa bahay ni Lolo Cruz. Dumaan lang kami dito hanggang sa makarating kami sa daan.
Ngayong tapos na ang misyon hindi ko maiwasang hindi maisip ang sinabi niya. Balak ko sana itong itanong kay Loren dahil alam kong may alam ito ngunit nandito sila Ethan at Pinky. Bumabalik pa rin sa isip ko at pag-uusap nila Ama at Ina kasama si Pinky nong nakaraan.
Hindi rin naman nagtagal ay may kalesang dumaan sa aming harap. Agad kaming sumakay dito at agad naman itong tumakbo.
"May nasaktan ba sa inyo?" basag-katahimikan kong tanong sa kanila.
Sabay naman silang umiling habang romolyo lang ang mata ni Pinky kaya tumango nalang ako. Muling namayani ang katahimikan sa amin. Tama nga si Leo, pinagsama ni Headmaster ang mga seryoso at tahimik niyang estudyante, maliban kay Pinky.
"You should sleep, you used too much magic." bulong ni Loren sa akin.
Napa-angat naman ang tingin ko sa kanya at tumango, kanina ko pa gustong magpa-hinga. Ipinikit ko naman ang mata ko at dinaramdam ang paligid. Hanggang sa wala na akong narinig na sa paligid.
----
Nagising ako ng maramdaman ang mahinang tapik sa balikat ko. Unti-unti kong ibinuka ang aking mata at tumingin sa paligid.
I can see lights! Nasa Namorn na kami?!
"Constance, I need to go. Hindi kita mahahatid sa loob." saad ni Loren sa akin. Nilibot ko naman ang tingin sa loob ng kalesa at nakitang wala na sina Pinky dito at tanging kaming dalawa nalang.
"Nasaan ang iba?" tanong ko.
"Pumunta na sila kay Headmaster, ngunit dahil natutulog ka pa at alam naming pagod ka. That's why they decided na sila nalang ang pupunta." sagot niya.
"But where are you going?" tanong ko.
"My father wants to see me." seryoso niyang sagot.
Napatango naman ako at hindi na nagtanong pa. "Go. Kaya ko namang umuwi." nakangiti kong ani sa kanya.
Ngumiti naman ito ng kaunti at agad bumaba sa kalesa. Bumaba na rin ako at napatingin sa malaking tarangkahan sa harap ko.
Yes, this is my land. Full of lights, full of brightness, full of life. Walang ibang lupain ang makakapantay sa Namorn, ang ilaw na nagsisilbi nitong liwanag sa gabi, sa tanghali, sa umaga, at sa mga mages na nakatira dito na nagsasabing may liwanag pa ang darating sa masilamuot naming buhay.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...