Chapter 6

2.5K 47 1
                                    

"Saan ka galing?"


Napalunok ako ng marinig ang tanong ni Ethan. "Diyan lang," saad ko at ngumiti. Tinitigan naman ako nito at napabuntong-hininga.


"Tayo na." seryosong saad niya.


Tumango naman si Xiana habang seryoso lang si Shana. Tumabi naman sa akin si Ricky ay Zair ay sabay kaming naglakad sa likod nilang tatlo.


Mahina naman akong siniko ni Ricky. "Saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Ethan." saad niya.

Hilaw akong napangiti, "Diyan lang," muli kong sagot.

Bigla naman akong inakbayan ni Zair, "Ikaw ha!" saad niya na may panunuksong tingin.

Kumunot naman ang noo ko, "Bakit?"

"Nakita kitang pumasok sa realm nila--"

Bago paman niya matapos ang kanyang sasabihin agad kong tinakpan ang bibig niya at pinalakihan ng mata. Tinapik naman niya ang kamay kong nasa bibig niya kaya binitawan ko rin kalaunan.

"Oo na!" she said and gesture a zipper in her mouth.


Naguguluhan namang tumingin si Ricky sa amin, ngunit tinapik ko lang ang balikat nito.

Nang makalabas sa tarangkahan, agad kong nakita na may kalesang naghihintay sa amin. Unang sumakay si Xiana at Shana habang hinintay naman kami ni Ethan. Sumunod naman si Zair at ako, habang huli si Ricky at Ethan.

Nagsimula nang patakbuhin ng kutsero ang kalesa habang tahimik lang kaming nakasakay sa loob. Hindi na din ako tinutukso ni Zair at panay lang ang tingin sa labas. Sinunod ko naman ang ginawa nito at tumingin sa mga tanawin sa labas.

Kahit na may araw ay nangingibabaw parin ang ilaw na nanggagaling sa mga puno at halaman, kahit ang mga hayop ay nag-iiba ang kulay. Butterflies that are flying above changes colors, birds that are resting their wings changes color, the leaves on the trees changes colors, even the grass changes colors.Wala na sigurong mas gaganda pa sa Namorn. This land is greatly influence by lights.


Kaya tinawag na Land of Lights ang lupaing Namorn dahil halos lahat ng nandito ay Light Magic ang kapangyarihan na siya ding nagbibigay palamuti sa buong lupain. May mga light magic din naman sa ibang lupain ngunit halos lahat ng light magic sa Sylverian ay nanggagaling sa lupaing Namorn.


Yan ang sabi ng mga katulong sa akin.

Lahat ng impormasyong alam ko ay galing sa mga katulong na nakakasalamuha ko. Hindi naman ako binigyan ng pagkakataong maka-kwentuhan sina Ama at Ina habang araw-araw namang umaalis si Ethan at Pinky.

Kaya sa loob ng dalawang dekada, parati akong mag-isa.

Namangha naman akong makita ang sa tingin ko mga kabahayan sa malayo. Ang mga ilaw ay sumasayaw na tila ay mga selebrasyong nangyayari doon, rinig ko na rin ang ilang mga musika. It was bright and luminous.

Napaayos akong upo, gusto kong makarating doon... gusto kong makatapak sa bahaging 'yon... dahil ngayon lang, ngayon lang ako makapunta sa ibang bahagi ng lupain namin.

Napatingin ako kay Ethan, na ngayon ay nakatingin pala sa akin. Ngumiti naman ito ng makita niyang tumingin ako sa kanya at sumilay naman ang ngiti sa aking labi.

Kaya ba sinama niya ako ngayon? Kaya ba isa ako sa pinili niya sa misyong ito?

Para maranasan ko ang makalabas, ang makahinga. Para maranasan ko kung gaano kaganda sa labas. Pinahiran ko ang luhang tumakas sa mata ko, hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal. Buong buhay ko nasa loob lang ako ng palasyo, nagtatago at tinatago. Walang makausap, walang kaibigan, walang nakaka-alam.


Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon