Chapter 10

2.3K 58 1
                                    

"Where should we find her?"


Napaisip naman kami sa tanong ni Shana. Bora was not that vast but finding someone in the midst of the night is hard. Lalong-lalo na pagala-pagala parin ang nilalang na gawa sa kapangyarihan niya.


"Kung tumakas nalang kaya tayo at isama na natin si Aling Mariana."


Agad namang binatukan ni Zair si Ricky nang sabihin niya ito, "Nag-iisip ka ba? Ano nalang ang gagawin ni Cynthia pag nangyari ang sinasabi mo!" saad niya at romolyo pa ang mata ngunit muli itong tumingin kay Ricky, "Pero pwede nating gawin yan." dagdag nito at hilaw na napatawa.


Sabay naman silang binatukan ni Shana habang umiling lang si Xiana at seryoso lang si Ethan.

"Let's find her quickly and end this." napatingin kami kay Ethan ng magsalita ito.


Napatango naman sila ng seryoso, "Gaya ng sinabi ni Mariana, Cynthia may be in areas that was away from the other mages." saad ni Ethan at lumilinga sa paligid.


"At isa lang ang meron 'non dito," dagdag niya at tinuro ang likodang bahagi. Napunta ang tingin namin doon kung saan kitang-kita namin ang malawak na gubat na tila ay nababalutan ng dilim.


"Cynthia must be inside," seryoso namang saad ni Shana.


"We should find and eliminate her, hindi mauubos ang mga nilalang na 'yon." segunda naman ni Xiana.


Napatango ako sa sinabi nila, nagulat naman ako ng ilipat ni Ethan ang tingin niya sa akin, "Constance you should stay here," seryoso nitong saad.


Napalaki ang tingin kong tumingin sa kanya, "No, sasama ako," seryoso kong sagot sa kanya.


"But... your magic--" bago paman niya matuloy ang sasabihin niya agad ko na itong sinagot.


"Kaya ko, kaya ko." paulit-ulit na saad ko.


Napabuntong-hininga ito, "You should be at the back".


Tumango ako sa sinabi niya at napangiti. Ayaw kong manatili sa isang bahay habang ang iba ay may ginagawa, ayaw ko nang manuod kung kaya ko namang tumulong.


I now experience being free, away from the castle. I don't want to waste time.


"This is really weird," napatingin kami kay Zair ng bigla itong nagsalita.


Ngayon ko lang napansin na nakatitig para silang lahat sa amin, hindi ko rin maipinta ang tingin na ginagawad nina Shana at Xiana sa akin habang walang pakealam sa gilid si Ricky. Hindi nalang ako kumibo at tumayo.


Tumayo na rin sila at sabay kaming lumabas sa bahay ni Mariana. Akmang isasarado na namin ang  pinto nang bigla kaming napalingon sa likod ng may tumawag sa amin, at nakitang si Mariana ito na dali-daling bumaba sa hagdan.


Agad kumunot ang noo namin, "Anong ginagawa mo?"tanong ni Xiana.


Ngunit seryoso lang itong tumingin sa buwan, "Gusto kong sumama," sagot nito.


"Ngunit delikado." mahinang saad ko sa kanya.


Tumitig ito sa mata ko, "Alam ko, kaya gusto kong sumama." hindi ko naman naintindihan ang sinasabi nito.


Lahat sila ay napatingin kay Ethan, tumingin naman si Ethan kay Mariana at tumango. Napangiti naman ito at inayos ang roba niya. Muli kaming naglakad papalabas, wala na rin ang mga nilalang na humabol sa amin kanina at hindi namin alam kung nasaan na ito ngayon.


Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon