Nang makapasok agad nabaling ang atensyon sa amin ng lahat, bigla nalang namatay ang musikang bumabalot sa loob. Napayuko naman ako na tila hindi alam ang sasabihin. Ngunit agad napuno ng tukso ang loob ng makita nila ang lalaking katabi ko.
"Oy! Sino 'yan Loren? Ikaw ha!" saad ng isang lalaki at inakbayan ito.
Blanko lang ang tingin na isinagot nito kaya agad kinuha ng lalaki ang kamay niya.
Loren? 'Yon ba ang pangalan niya? Dito ba ang Realm niya? Maari.
Nalipat ang tingin ko ng may kumuha ng kamay ko at dinala sa gitna, nakita ko namang si Miya ito na nakangiti sa akin. Bumalik na din ang musika sa loob, nabigla naman ako sa dami ng mages na nandito na pawang nagsasayawan, ngunit ang nakaagaw ng atensiyon ko ay ang bilog na umiilaw sa gitna.
Gawa ito sa majika...
Para akong batang nakatingin dito, gusto ko itong hawakan, gusto ko itong maramdaman.
"Sumayaw ka, Constance." nalipat ang tingin ko kay Miya na sumasayaw na ngayon. Nilibot ko naman ang tingin at nakitang ako lang pala ang nakatayo dito sa gitna habang hindi ko na makita si Loren.
Umiling ako, "Hindi ko alam paano sumayaw." tanging saad ko.
Akmang babalik ako sa pinanggalingan ko kanina ng hawakan nito ang bewang ko, nabigla pa ako at napalaki ang mata ngunit mahina niya lang itong nilulundag. "Just feel the rhythm of the music, at sasasaby na ang iyong katawan." saad ni Miya.
I feel hesitant, pero sinunod ko parin ang sinabi niya. Liitle did I know, nakangiti na akong sumasayaw sa gitna. Rinig ko naman ang tawa ni Miya kaya napakunot ang noo kong napatingin sa kanya.
"Is this your first time?" tanong niya habang tinuturo ang sayaw na ginagawa ko.
Napatango ako ng paulit-ulit habang ginigewang ang bewang ko, humagalpak naman ito sa tawa, "Oh! You make me laugh Constance." saad niya at pinahiran pa ang tumakas na luha sa mata niya.
"I like you!" dagdag na saad nito at sumunod sa sayaw na ginawa ko.
Nagkibit-balikat nalang ako at sumasabay sa kanya. Alam kong nakangiti ako ngayon, ngayon ko lang ito naranasan, hindi ko alam kung anong tawag sa ganitong selebrasyon dahil tanging pormal na selebrasyon ang ginagawa sa palasyo.
Formal dress, formal etiquette, formal eating.
Na hindi ko rin naranasan.
Ito ang kauna-unahang selebrasyon ang naranasan ko at hindi ko alam na ganito pala ito kasaya. Nang mapagod, ay agad kaming naupo ni Miya sa bakanteng upuan sa gilid habang tumatawa. Nakita ko naman si Loren sa tabi niya ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Tila nauuhaw naman ako kaya agad kong kinuha ang unang basong nakita ko sa harap namin, nakita ko pang nanglaki ang mata nilang dalawa.
Agad naman itong kinuha ni Miya sa akin, "Oh God! That is not a water, Constance!" rinig kong saad ni Miya.
Napakunot ang noo ko, "Ang sarap!" sagot ko naman. Nakita ko namang napailing nalang si Loren sa gilid. Agad namang tumayo si Miya at pumunta sa kusina nila.
Ngayon ko lang napansin na halos pareha lang pala ang disensyo sa loob nitong realm nila sa amin maliban sa napakaraming upuan at lamesa ang makikita mo dito kumpara sa amin na konti lang.
Nabigla naman ako ng may biglang tumabi sa aking pag-upo. Agad akong lumingon dito at nakitang may isang lalaking hindi ko kilala ang umupo dito na pawang nakangiting tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...