Napahinga ako ng maluwag ng nakalabas kami sa gubat. Agad akong lumingon sa kanila, "Hintayin niyo nalang na gumising si Alliya, kukuha lang ako ng kalesang masasakyan niyo pauwi. Maraming salamat sa inyo!" saad ko sa kanilang lahat at yumuko ng konti.
Nalaman ko din ang pangalan nilang lahat dahil nagpakilala sila kanina at kung saang lupain sila galing. Ngunit hindi ko na sinabi pa na nakarating na ako sa Salla. Sinagot din nila ang mga tanong ko kung bakit napunta sila sa Namorn para lang maghanap ng ginto.
"We should be thankful to you." saad ni Victoria at seryosong tumingin sa akin.
"I should get going. Mag-iingat kayo!" sagot ko sa kanya at tumingin sa kanilang lahat. Muli akong yumuko at nagsimulang maglakad papasok sa tarangkahan.
Nang makapasok agad akong dumeritso sa kumpol ng mga kalesang na naghihintay. Patago naman akong ngumiti ng makakita ng pamilyar na mukha. Agad akong dumeritso sa kanya, nang mapansin niyang papalapit ako agad itong ngumiti ng malaki.
"Constance! Kumusta na?" agad na tanong ni Manong. Ngumiti ako ng konti sa kanya, "Ayos na po. Salamat pala sa mga halamang binigay mo nong nakaraan." sagot ko.
"Naku! Wala lang 'yon sa ginawa mo kay Talisa." sagot niya.
Mabuti nalang nandito ang asawa ni Talisa. "May hihingin lang po sana akong pabor." seryoso ko namang sambit sa kanya.
Napaayos naman ito ng upo. "Ano 'yon?"
"May kaibigan po akong nasa labas ng tarangkahan, maari niyo po ba silang ihatid sa destinasyon nila?" deritso kong saad.
Ngumiti naman ito ng malaki, "Yon lang pala! Sige, nasa labas lang ba sila?" tanong niya at inayos ang kanyang upo sa harap.
"Opo, marami pong salamat Manong."
Ngumiti lang ito at nag-simulang mag-patakbo ng kalesa. Tumitig lang ako sa kalesa hanggang sa makalabas ito sa tarangkahan. Napaharap ako at nilibot ang tingin sa paligid. Wala naman akong nakikitang naiiba, totoo ba talaga ang sinasabi nila Kitty tungkol sa Namorn.
My father is kind. Alam kong hindi niya pababayaan ang mga mamamayan dahil mahal niya ito. He cherished the people as his family, at isa pa, isa siyang Hari. Kaya malabo ang sinasabi nila Kitty, baka gusto lang nila ang ginto dahil hindi sila makontento sa kung anong mayroon sila.
I scoffed at nagsimulang maglakad. Ngunit agad napakunot ang noo ko ng makitang may kumpol na mga mages ang tila nag-uusap sa gitna ng daan. Pasimple akong lumapit sa kanila at tinitigan kong anong ginagawa nila. May mga papel silang bitbit at may nakasulat dito, hindi ko lang mabasa kung ano.
"Tayo na!" sigaw ng nasa gitna at lahat naman sila ay determinadong tumango.
Unti-unti silang naglakad papunta sa mga kalesa at isa-isa naman itong umalis. Nahagip naman ng mata ko si Talisa na gaya ko ay nakatingin din sa kanila. Nang makita niya ako agad itong ngumiti kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Anong nangyayari? Nasaan ang anak mo?" bungad ko na tanong.
"Pinapatulog ni Inay, inutusan niya lang ako dito." nakangiti niyang ani ngunit agad itong napalitan ng seryosong tingin, "... pupunta sila sa palasyo." dagdag niya habang nakatingin sa mga mages na paalis.
Palasyo? Anong gagawin nila sa palasyo?
"Para saan?"
Kumunot naman ang noo ni Talisa, "Hindi mo alam? Wala na tayong makain, hindi na nagbibigay ng pagkain ang palasyo gayong patuloy parin tayong nagbibigay ng ginto sa kanila!" mariin niyang ani. "Saan ka ba nakatira?" dagdag na tanong niya.
Pinili kong manahimik at umiwas ng tingin sa kanya. Totoo ang sinabi si Kitty sa akin, may nangyayaring tag-gutom sa Namorn. Ngunit....
"Isa ba ang pamilya mo sa malapit na kaibigan ng Hari?" biglang tanong niya.
Nabalik ang tingin ko sa kanya at kumunot ang noo, "Bakit?" tanging tanong ko.
"Dahil hindi nila alam ang nangyayari dito sa sentro. Hindi sila dito nakatira."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
Mas lalo namang kumunot ang noo niya, "Bago ka lang ba dito?" deritso niyang tanong.
Tumango ako at hindi na sumagot. "Kaya pala, andaming nangyari sa Namorn noon na nagbago ng lupaing ito sa kahit saang aspeto. Pitong taong gulang pala ako noon ngunit tandang-tanda ko. May labanan na nangyari, may tag-gutom na nangyari, at may paghihimagsik. Na tila ay naulit makalipas ang dalawang dekada, gaya ngayon."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Digmaan? tag-gutom? Paghihimagsik? Ano ba ang sinasabi nila?
"Digmaan? Digmaang nangyari sa Tamora?" tanong ko. Wala akong ibang digmaang alam maliban sa nangyari sa Tamora. That war was always significant. Alam ito ng lahat. Lahat ng nangyari sa digmaan na 'yon ay nakasulat sa isang libro na maaring mabasa ng lahat.
Ngunit umiling si Talisa. "Kasabay ng digmaang nangyari sa Tamora ay may naghasik din ng digmaan dito sa Namorn. Dahil magulo ang Sylverian noon, halos lahat ng mages sa mundo ay nakaranas ng krisis. Ang lahat ng problemang nangyari sa Namorn noon ay dinidiin sa kung sino ang namamahala sa lupain." sagot ni Talisa sa akin.
Nagsimula naman itong maglakad at agad akong sumunod sa kanya. "Bakit hindi namin ito alam? Tinatago ba ng mga magulang namin?" tanong ko kay Talisa.
"Maaring oo, maaring hindi. Nasa magulang na 'yon kung sasabihin nila sa anak nila o hindi. Isa parin 'yong kaganapang nangyari sa lupain natin. Ngunit ipinagbabawal ito ng Hari, ayon sa kanya mas mabuti nang ibaon sa lupa ang lahat ng hindi kaaya-ayang nangyari noon." sagot naman ni Talisa.
Mas lalo akong nagulugan sa nangyayari. May digmaan sa Namorn noon. May tag-gutom na nangyayari ngayon, at may nagsimula nang maghimagsik ang iba. Ang lupaing inakala kong matiwasay at puno ng kasiyahan ay unti-unting nag-iiba.
"Totoo ba ang sinasabi mo, Talisa?" tanong ko.
Tumango si Talisa. "Bakit? Hindi ba ito kinuwento ng iyong magulang?" tanong niya.
Nabigla ako sa tanong niya, ngunit dahan-dahan akong tumango. "Bakit hindi nila sinabi sa'yo? May karapatan kang malaman ang nangyayari sa lupaing ginagalawan mo." sagot niya.
Mas lalo akong nabigla sa sagot niya. Bakit parang alam ni Talisa ang nangyayari sa buhay ko. Buong buhay ko wala akong alam sa paligid. Sa kapangyarihan ko, sa lupaing ito, sa Akademya, sa mamamayan, at sa nangyayari noon.
Tinatago ba nila kagaya ng ginawa nila sa akin? O ayaw lang talaga nilang sabihin sa akin. I gently shooked my head, hindi ko na alam ang nangyayari.
"Gaya ng sinabi ko... andaming nangyari noon sa Sylverian. Ngunit ang tumatak sa isipan ng iba ay ang digmaang nangyari sa Tamora noon. Digmaan sa pagitan ng mage at sorcerer, isang natatanging at kakilakilabot na kaganapan. Kaya walang alam ang iba na may digmaang din nangyari dito sa Namorn. Digmaan sa pagitan ng mage laban sa mage. Ano sa tingin mo ang mas mabigat? Kalaban mo ang ibang uri, o kalaban mo ang ka-uri mo?" saad ni Talisa at inangat ang tingin niya sa taas. Nakangiti itong tumitingin sa mga ilaw na nagsisilbing palamuti at liwanag. Hindi naman ako sumagot at sinunod ang ginawa niya.
"Para sa akin mas nakakatakot pag mismong ka-uri mo ang kalaban mo. Lalong-lalo na pag malapit ito sa'yo. Sang-ayon ka ba, Constance?" nakangiti niyang tanong sa akin.
Tumitig ako sa mata niya, "Yeah." sang-ayon ko.
Mas lalo naman itong ngumiti, "Hindi ko alam kung mangyayari muli ang nangyari noon.. dahil sa pagkaka-alala ko ganitong-ganito 'yon nagsimula. Ang tanong anong gagawin ng palasyo ukol dito?" muling saad ni Talisa sa akin.
Napatitig lang ako sa kanya. Ibang-iba Talisa ang kausap ko ngayon, malayong-malayo sa Talisa na tinulungan ko noon. Dala ba 'to ng panganganak niya o masyado lang niyang dinidibdib ang nangyayari sa paligid.
"Nakalimutan ko palang sabihin, si Haring Hades ang nagsimula ng himagsikan noon." dagdag niya na nagpalaki ng mata ko.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...