Chapter 16

2K 42 0
                                    

I can feel her fear and nervousness. Wala akong ginawa kung hindi naghintay sa gilid ni Talisa habang ginagawa ng kumadrona ang dapat niyang gawin.


Pilit namang ume-ere si Talisa habang panay ang balik-lakad ni Ginang Noel sa gilid ko.


"Ere pa Talisa, konting tulak pa." mahinang saad ng komadrona.


Paulit-ulit namang umere si Talisa hanggang sa tumigil ito at huminga ng malalim. Napahinga naman akong makitang nasa maayos itong kalagayan habang may butil ng pawis ang tumutulo sa mukha niya.


Ngunit nanglaki ang mata ko ng wala akong narinig na iyak ng bata. Napatingin ako sa kumadrona nang makitang nakayuko ito. Napamura ako at agad pumunta sa gawi niya. Napalaki naman ang mata ko ng makita ang batang nagiging kulay abo na tila nawawalan na ng kulay at tanging nakapikit.


Umupo ako at hinawakan ang bandang puso ng bata. Napahinga naman ako ng maluwag ng maramdamang mahinang tumitibok parin ito at may konting init pa ang natitira sa katawan nito. Agad akong pumikit naramdaman kong may lumabas na kapangyarihan sa kamay ko at deritso sa katawan ng bata.


Napamulat ako at mahinang tinapik ang kanyang pisngi, nang hindi parin ito gumagalaw ay malakas kong tinapik ang kanyang bandang binti. Nabigla naman ako ng hawakan ni Talisa ang kamay ko at umiling, na parang sinasabi niyang wala ng pag-asa pa.


Nagkasalubong ang kilay kong tumingin sa kanya. What the hell?!


Mariin ko namang tinapik ang kamay nito, at tumingin sa kanilang lahat. Ngunit bakit parang binagsakan sila ng langit at lupa at tila nawalan na ng pag-asa.


She's alive, I can feel her heartbeat, she's warm.


"This sucks!"


Tanging komento ko at muli, paulit-ulit na tinapik ang binti ng bata. Hindi ako titigil hangga't hindi ko ko nakukuha ang nais kong gawin. Paulit-ulit hanggang sa unti-unting  nag-iba ang kulay nito, rinig ko naman ang pagsinghap nilang tatlo, hanggang sa umiyak ang bata.


U-umiyak ang b-bata.


Napaupo ako sa sahig at napatulala. Napahawak ako sa mukha kong maramdamang may tumulong luha dito. Umiyak ako. Umiiyak ako. Bakit ako?


Tila hindi naman sila makagalaw at tanging nakatulala lang sa batang umiiyak sa harap. Tumayo ako at pinagpagan ang paldang suot ko, pinahiran ko na din ang luhang nanggaling sa mata ko.


"Kunin mo ang anak mo!" bulalas ko at deritsong tumingin sa mata ni Talisa.


Nanginginig naman ang kamay nito at dahan-dahan kinarga ang anak niya sa kamay nito. Hindi naman makapaniwala si Ginang Noel na hanggang ngayon ay nakatakip parin sa bibig niya. Tumingin naman ako sa komadronang nag-paanak kay Talisa.


"Mawalang-galang na po. Wag po muna kayong sumuko sa bata, pakiramdaman niyo ang pulso ng kanyang puso at ang init ng katawan nito. Kung mayroon pa po, gawin niyo ang lahat para mas lalo niyong maramdaman ang init ng kanyang katawan, kung maari ay paulit-ulit niyo itong tapikin." mahabang saad ko sa kanya.


Hindi naman ito sumagot at tanging nakayuko lang sa inupuan niya kanina.


Napabuntong-hininga ako at tumingin kay Talisa na ngayon ay umiiyak, "L-love your child. Give her the love that she deserves. You choose to bring her into this world, please give her the best life full of love and comfort. Kung maari ko lang siyang kunin sayo ginawa ko na, ngunit hindi pwede. Ikaw ang ina, ina ka na, magulang ka na Talisa. Tandaan mo yan."


Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon