Nakasakay na ako ngayon pabalik sa palasyo. Andaming impormasyon ang pumapasok sa utak ko na tila hindi ko kayang tanggapin. Si Ama ang nagsimula ng himagsikan noon, ngunit paano siya naging isang Hari?
Gusto ko man 'yong itanong kay Talisa ngunit tinawag na siya ni Aling Noel dahil umiiyak ang anak niya kaya wala akong nagawa kung hindi umuwi. Ngunit sa mga sinabi ni Talisa hindi ko na alam... hindi ko na alam..
Dahil maraming mages ang papunta sa palasyo hindi na nagtanong pa ang kutserong nagmamaneho kung anong gagawin ko doon. Sa mismong tapat pa ng palasyo niya ako ibinaba. Rinig ko naman ang sigaw ng mga ibang mamamayan na nandito na gaya ng sinabi ni Talisa nag pro-protesta sa harap ng tarangkahan. Kita ko ang napakadaming gwardiyang nakahilera para hindi makapasok ang mga mamamayan.
Humalo ako sa kanila at nakatanaw lang sa ginagawa nila. Napalaki naman ang mata ko ng makitang lumabas si Ama sa palasyo, bigla namang natahimik ang lahat at hinintay ang kaniyang pagdating sa harapan.
"Magandang araw sa inyo." bungad pa niya ngunit wala ni isang sumagot sa kanya.
"Ramdam ko ang galit at poot sa inyong mga puso kaya hinihingi ko ang inyong paumanhin..." saad at yumuko ng konti, inangat naman niya ang kanyang tingin, "... hayaan niyo sa susunod may pagkain na kaming maibigay sa inyo." pagtatapos ni Ama.
"Bakit sa susunod? Nasaan ang mga ginto namin na kinokolekto niyo?!" mariin na sigaw ng isang babae sa harap.
Nagsimula namang sumigaw ang iba at halos hindi na maintindihan ang sinasabi nila.
"Tahimik!" sigaw ng isang taga-bantay.
Ngumiti naman si Ama ng biglang tumahimik ang lahat. "Para sa tanong mo, naghihintay nalang kami ng sagot galing sa ibang lupain." tanging sagot niya.
"Sinabi mo na 'yan noon pa!"
"Napakasinungaling mo!"
"Isa kang duwag!"
Isa lang yan sa dami ng mga sinisigaw ng mga mamamayang nandito. Gusto kong manumbat at sabihing hindi ganyan si Ama ngunit alam kong mas lalo lang itong magagalit sa akin pag sinabi ko.
"Baka nakakalimutan niyo ang ginawa ko noon." malamig na sabi ni Ama na nagpatahimik sa kanila.
Napaayos naman ako ng tayo at pumunta sa gawing likod kung saan hindi ako makikita.
"I save this land! I save you, you, you! I save you'll! Wala kayong karapatan para sigawan ako!" nangangalating sigaw ni Ama.
Narinig ko naman ang singhap nilang lahat, ngunit agad 'yong napalitan ng galit at bigla nalang nilang inatake si Ama gamit ang kapangyarihan nila. Agad naman siyang pinalilibutan ng mga taga-bantay ngunit may ilang hindi nakatakas na nagdulot ng kanyang pagtumba at paghawak sa kanyang braso.
A k-knife.. A knife was thrown towards him, and blood started to flow towards his hands. Ngunit parang walang nakita ang mga nandito kung hindi mas lalong saktan si Ama.
I clenched my fist really hard. This is not the people that I knew!
Dali-dali akong tumakbo sa harap akmang pipigilan ako ng taga-bantay ng tiningnan ko ito ng masama at agad itong nagbigay ng daan.
Lumuhod naman ako para sana gamutin si Ama ng bigla nalang niyang iwinakli ang kamay ko. "What the hell are you doing here?!" bulong na sigaw niya ngunit ramdam ko ang galit nito.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...